Arianna's Pov
It's three in the morning at kagigising ko lang dahil sa ingay na naririnig ko galing sa hangin. The wind is telling me something. Napabalingkwas ako. Something is not right. Nagulat ako nang masulyapan ko din si Seraphina na bumalingkwas ng bangon.
"Did you hear that?" Tanong niya saakin kaya tumango ako.
"What should we do?" Tanong ko dito at tumayo.
"Let's investigate." Saad niya.
"Tayo lang?!" Nagugulantang na tanong ko.
"Tone down your voice. Kaylangan nating mag-ingat. Kung tayong lahat ang pupunta baka makatunog sila." Sagot niya at kinuha ang jacket sa bag niya. Wala akong nagawa kundi ang sundin siya. I have no choice, may point din naman siya.
Dahan dahan kaming naglalakad palabas ng kwarto kung saan kami natutulog paglabas namin sinusundan ko lang siya patungo sa Veranda. Veranda?
"Why are we here?" Bulong ko sa kanya.
"Dito tayo lalabas." Sagot niya at saka dahan dahang binuksan ang pintuan sa Veranda saka lumabas. I felt the cold blown of wind pagkalabas ko kaya napayakap ako sa aking mga braso. Mabuti nalang at naka jacket ako.
"Bakit dito?" I asked. Bumubulong padin ako dahil baka may makarinig saamin. Natural pa naman na malakas ang boses ko.
"You'll know later. I need to confirm my hunch first." Sagot niya. She left no room for discussion kaya hindi na ako nagsalita pa. Nakatingin siya sa ibaba ng veranda kaya't ganun din ang ginawa ko. Hindi naman ganun kataas pero dahil nasa second floor kami siguradong mababalian ka ng buto kapag nahulog ka dito.
"Don't tell me tatalon tayo! Sera baka mabali buto ko diyan." Saad ko habang umaatras. Lumingon siya saakin ng may malamig na tingin. Mukhang mas gusto ko na palang tumalon kaysa makatanggap ng ganyang tigin. Grabe nakakatakot siya tumingin ha.
"We're going to jump but not here Arianna. I'm not dumb." Malamig na sagot niya at naglakad sa gilid ng veranda malapit sa malaking sanga ng puno.
"Hehe sorry." Saad ko at sumunod sa kanya. Hindi niya ako pinansin at umakyat sa maaking sanga ng puno. Pagkaakyat ay sumulyap siya saakin.
"What are you still doing there?" Tanong niya. Kaya umakyat narin ako.
Hindi ko alam kung paano kami nakababang walang galos but thanks to Sera. She helped and guided me. Tinanong ko kanina kung bakit di nalang kami magteleport ang sabi niya wala daw thrill pag ganun kaya wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga. Bagay nga sila ni Aiden, napaka unpredictable ng mga utak nila.
"Be alert and focus on your surroundings." Mahinang saad ni Sera. Kaya nag serios mode na ako, baka mamaya magalit pa ang kasama ko.
Mabagal lang kaming naglalakad patungo sa gubat kung saan may naririnig kaming ingay. The wind is whispering me the word danger kaya alam kong kaylangan naming mag ingat.
Napatigil kami sa paglalakad dahil sa ingay na narinig namin palapit. Hinila ako ni Sera patungo sa malaking puno at doon kami nagtago.
"Magaganda ang dilag na nakuha natin ngayon pre siguradong matutuwa ang ating pinuno." Saad ng boses ng lalake. Sumilip ako. Dalawang lalake ang nakita ko at may mga armas silang dala.
"Let's follow them." Bulong ni Sera kaya tumango ako. We followed them without any noise at nakarating kami sa loob ng gubat kung nasaan ang ingay na naririnig namin kanina.
Maraming lalake na nakabilog sa bonefire ang nakita ko. Mukhang ito ang mga kasamahan ng dalawang lalake na nakita namin kanina dahil nagtungo sila doon. Nagkatinginan kami ni Sera.
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Unveiling Destiny (Academy Series 1)
Fantasy[COMPLETED] In Celestial Academy there is a prophecy speaks of a woman destined to hold the balance of light and dark, capable of shaping the future based on the choices she makes. Her power is immense, and both sides-good and evil-are racing to fi...