Seraphina's Pov
I don't know what to do and what to think. Dalawang araw na ang lumipas mula nang malaman kong nahanap na ang babaeng nakatakda kay Flynn pero hanggang ngayon ay ayaw parin tanggapin ng puso ko. Up until now hindi parin siya bumabalik, kating kati na akong kausapin siya.
I was so lost in my thoughts when I felt a presence beside me.
"Are you okay?" Ang boses niya ay marahan. I remained looking at the scenery infront of me.
She sighed. "I like Aiden.. Hindi pala, mahal ko siya." Napatingin ako kay Sofia dahil sa kanyang sinabi.
"Gwapo, matalino, malakas at isang prinsepe pa. Sino ang hindi magkakagusto sa kanya." She chuckled dryly. Hinayaan ko siyang magsalita.
"Ikaw Sera, Ano ang nagustuhan mo sa kanya?"
Umiwas ako ng tingin. "I don't like him." I heard her chuckled again, ngayon ay mababahidan ng pangiinsulto ang tawa niya.
"You can fool anyone Sera but not me." She said seriously. Hindi ako sumagot.
"I know you like him, baka nga ay mahal mo na." I still didn't answer her because I know she's right. Kahit anong kasinungalingan ang lumabas sa bibig ko alam kong nahulog na ako kay Flynn.
Hulog na hulog na.
"The rumor was already confirmed by the Queen mismo." Sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. "Alam kong nasasaktan ka Sera, ako din naman. But despite your pain I hope you won't do anything stupid just to separate them." Nainis ako sa kanyang sinabi.
"What do you think of me Sofia?! Hindi ako katulad ng ibang desperadang gagawin lahat makuha lang ang gusto." I saw anger flashed on her eyes but she quickly covered it.
Wala namang nakakagalit sa sinabi ko, pwera nalang kung natamaan siya. Mariin ko siyang tinitigan.
"Just remember what I told you Sera. Wala kang laban sa babaeng itinakda kay Aiden." Hindi nakatakas saakin ang pangiinsulto sa boses niya sa huling sinabi niya.
Napabuntong hininga ako. Alam ko naman eh walang wala ako sa babaeng itinakda sa kanya, ang hirap lang kasi tanggapin. Para akong mababaliw kapag iniisip kong may kasamang ibang babae si Flynn.
Nanatili ako sa garden ng ilang oras. Maggagabi na nang mapagdesisyunan kong bumalik sa dorm. Naabutan kong nakapatay na ang mga ilaw pagpasok ko sa loob, tanging ang maliit na lampara nalamang sa gilid ng hagdan ang nakasindi.
I was about to go up stairs when I felt a masculine arms embrace me from behind. I frozed. Kasabay nito ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Ang amoy at prisensya niya ay kilalang kilala ko.
"Flynn." I heard how small my voice. Napahawak ako sa mga braso niyang nakayakap saakin.
"Please love, let's stay like this for a minute" Kahit naman hindi siya magmakaawa.
"Is it true.. na nahanap niyo na s-siya?" I couldn't stop my voice from trembling. Naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya dahil sa aking tanong.
"I'm sorry." Mahinang bulong niya. His voice is full of regret and pain. Napailing ako, hindi yan ang gusto kong marinig.
"Flynn please.. just tell me." I heard my voice cracked. Hindi siya nagsalita at nanatili lamang na mahigpit na nakayakap saakin. I didn't expect that his silence would hurt me more, I tried my best to stop my tears.
Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya. I held his arms tightly to stop him but he gently removed it. Para akong nanghihina dahil sa pagtanggal niya ng aking mga kamay na naka hawak sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/355057858-288-k402004.jpg)
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Unveiling Destiny (Academy Series 1)
Fantasy[COMPLETED] In Celestial Academy there is a prophecy speaks of a woman destined to hold the balance of light and dark, capable of shaping the future based on the choices she makes. Her power is immense, and both sides-good and evil-are racing to fi...