Seraphina's Pov
Pinapanood namin sina Allen at Ace habang nagsisibak ng mga kahoy. It was fun to watch them. We can see their well defined body dahil naka topless silang dalawa. Tatlong linggo na akong nananatili dito. They let me stay here kaya malaki ang pasasalamat ko.
It wasn't really my plan to stay here pero dahil sa mga pinagusapan namin noong gabing iyon ay napagdesisyunan kong manatili muna dito.
I need to get their trust dahil malaking tulong sila sa plano ko. I am not using them for my own gain, They will surely benefit from what I am planning to do. And besides I am protecting them from any possible dnger that is coming on their way.
"Natulala ka diyan huy!" Pumitik si Crystal sa harap ng mukha ko kaya napunta ang atensyon ko sa kanya.
"Ikaw ha! kanino ka may pagnanasa sa kanilang dalawa?" Nakangising tanong niya. I rolled my eyes.
"Kay Allen bakit?" Natigilan siya sa sagot ko. Mukhang hindi niya ito inaasahan.
"B-bakit siya!? Ang pangit niya. Mas maganda pa ang katawan ni Ace. Bulag ka ba?!" I smirk at her.
"Halata ka Crys. Nagbibiro lang ako." Natahimik siya kaya lumingon ako sa kanya. Namumula ang mukha niya.
Umiling iling ako. Bago tumayo at bumalik sa loob ng bahay. Sa ilang araw na magkakasama kami ay mas napalapit ang loob nila saakin at ganun din ako sa kanila. I couldn't stop even if wanted to dahil masaya at komportable silang kasama.
Nagluto ako ng aming tanghalian ngayon. Ang sarap ng buhay dito, malayo sa gulo at walang mananakit sayo pero hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng pangungulila sa Akademyang iyon.
Paminsan minsan ay pumapasok sila sa isip ko lalo na siya at hindi ko parin mapigilang masaktan kapag naaalala ko ang nangyari. The way they look at me and their harsh words became imprinted in my mind na siyang dahilan minsan kung bakit ako binabangunot.
Napabuntong hininga ako bago ipagpatuloy ang aking ginagawa.
"Ang bango naman! Ano yang niluluto mo Seraphina?" Tanong ni Ace na kakapasok lang dito sa loob ng kusina. Topless parin kaya hindi nakatakas saakin ang anim na bukol sa kanyang tiyan na may tumutulo pang pawis. Umiwas ako ng tingin dahil naaalala ko ang nangyari noon sa kwarto ni Aiden nung may sakit siya.
"Tinola." Maikling sagot ko. Lumapit siya saakin kaya medyo nailang ako.
"Patikim nga." Kumuha ako ng malinis na kutsara. Kumuha ako ng konting sabaw sa niluluto ko bago ito isubo kay Ace.
"Mhhm Sarap mo talaga magluto Seraphina.. Pwede ka na mag asawa." Napirap ako sa sinabi niya.
"Ilang beses mo na bang sinabi yan Ace?" Kada titikman niya ang mga niluluto ko yan ang sinasabi niya.
"Gusto ka na atang asawahin Seraphina." Natatawang sabat ni Allen na kakapasok lang din sa kusina kasama si Crystal na may ngisi na namang nang-aasar.
"Gago! Wala akong sinabi." Napansin ko ang pamumula ng tenga ni Ace kaya napailing ako.
"Kaya nga Allen wala siyang sinabi kaya wag mong asarin and besides I already have someone in my mind." May pangisi ngisi ka pang babae ka ha. Humanda ka.
"Sino?" Tanong ni Ace. Mababakasan ang kaseryosohan sa kanyang mukha.
Ngumisi ako. "Si Allen." I said nonchalantly. Sabay sabay silang napanganga dahil sa aking sinabi.
Mabilis na lumapit saakin si Crystal tsaka hinila ng mahina ang aking buhok na siyang ikinatawa ko.
"Hoy babae! Bawiin mo ang sinabi mo dahil kung hindi ikaw ang titinolahin ko." Mabilis na tinanggal ni Ace ang kamay ni Crystal sa aking buhok.
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Unveiling Destiny (Academy Series 1)
Fantasy[COMPLETED] In Celestial Academy there is a prophecy speaks of a woman destined to hold the balance of light and dark, capable of shaping the future based on the choices she makes. Her power is immense, and both sides-good and evil-are racing to fi...