Ace's Pov
Pagkalipas ng ilang araw naming paglalakbay ay nakarating narin kami dito sa Celestial Academy. Nakatanaw kami ngayon sa napakalaking tarangkahan ng Akademya. Ang mga gusali ay gawa sa puting marmol na kumikislap sa liwanang ng araw, at ang paligid ay puno ng mga naglalakihang puno at halaman.
Tunay ngang nakakamangha ang Akademyang ito, sa labas palang ito paano na kaya kapag nasa loob na kami.
"Ang ganda!" Saad ni Crystal na puno ng pagkamangha sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ang paligid.
"Kung alam ko lang na ganito kaganda dito edi noon pa ako pumunta." Sagot ni Allen.
"Tara na. Hahanapin pa natin ang opisina ni headmaster, gaya ng sinabi ni Seraphina." Saad ko at nauna ng naglakad.
Nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa aking katawan pagkapasok namin sa loob ng tarangkahan at mukhang ganun din ang dalawa. Hindi naman ako nasaktan ngunit hindi ito kumportable sa aking katawan.
"Naramdaman niyo iyon?" Pabulong na tanong ni Crystal kaya tumango ako.
"Baka iyon na ang sinasabi ni Seraphina na barrier na pipigil saating makapasok sana." Sagot ko. Sinabi niyang maaari kaming hindi makapasok dahil sa barrier na naka palibot sa buong Akademya.
Mabuti nalang at ginawan niya ng paraan, hindi ko alam kung paano at ano ang ginawa niya basta ay ginamit niya ag kanyang mahika at sinabi niya saamin na makakapasok na kami basta't malinis ang aming hangarin sa pagpasok sa Akademya.
Napakamisteryoso ni Seraphina, sa ilang linggong magkasama kami ay wala siyang nabanggit tungkol sa pagkatao niya. Hindi niya nasabi kung ano ang tunay niyang mahika, kung paano niya nagamot si Allen o ni kung saan siya nakatira ay hindi niya nabanggit saamin pero sa kabila nun ay hindi parin namin maiwasan ang magtiwala sa kanya dahil ramdam ko naman ang malinis niyang kalooban.
Lumapit si Allen sa isang grupo ng Estudyante na ngayon ay nakatingin saamin. Sumunod kami kay Allen.
"Pwede po bang mag tanong?" Tumango ang mga kababaihan. "Saan ang opisina ng headmaster?" Tanong ni Allen.
Hindi nakaligtas saaking mga mata ang bahagyang paghagod nila ng tingin saamin mula ulo hanggang paa. "Bago ba kayo dito? Ngayon palang namin kayo nakita." Wika ng isa sa kanila, halatang nagtataka. Napakunot ang aking noo. Sinasagot na pala ng tanong ang tanong ngayon.
"Oo kadadating lang namin. Maari mo bang sabihin kung nasaan ang opisina ni headmaster? Pagod po kasi kami sa paglalakbay at gusto na naming magpahinga." Sagot ni Crystal na may pilit na ngiti sa labi.
"Ah ganun ba? Sige, diretso kayo doon sa building na may malaking orasan sa harap. Pagpasok niyo, diretso kayo sa ikalawang pinto sa kanan. Dun ang opisina ni headmater." Paliwanag niya.
Ngumiti naman ako. "Salamat mga binibini." Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako pero, parang nakita ko ang pagkurot ng isa sa kanila sa babaeng nasa harap ko. Bakit naman niya sinasaktan ang kanyang kaibigan.
Nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa itinuro nilang gusali. Marami ang Estudyanteng nadadaanan namin, pansin ko ang bulungan nila. Sa paraan ng pagtitig nila ay tila binabantayan nila ang bawat kilos namin.
"Bakit ba sila nakatingin?" Bulong ni Crystal sa tabi ko.
"Tsk, tinatanong pa ba yan Crystal? Siyempre ang popogi ng mga kasama mo. Normal lang na pagtinginan nila tayo." Maangas na sagot ni Allen saka inakbayan si Crystal.
Nakita ko ang pag-irap ni Crystal. "Sinusumpong ka na naman Allen. Seryoso ako sa tanong ko kaya umayos ka." Hindi naman sumagot si Allen at napanguso nalang. Itinago ko ang aking ngiti. Napaka UNDERstanding talaga ni Allen, gaya ng laging sinasabi ni Seraphina.
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Unveiling Destiny (Academy Series 1)
Fantasy[COMPLETED] In Celestial Academy there is a prophecy speaks of a woman destined to hold the balance of light and dark, capable of shaping the future based on the choices she makes. Her power is immense, and both sides-good and evil-are racing to fi...