Kumakanta si Nadia habang nag-aayos ng paninda sa kanyang maliit na sari-sari store. May sasalihan siyang amateur singing contest mamayang gabi sa kabilang bayan. Bukod sa isa siyang raketera, business minded din siya at ang kanyang maliit na sari-sari store ang bunga ng kanyang pagiging raketera.
"Magandang umaga, Nadia. Pwede pa utang?" Malaki ang ngiti na bungad sa kanya ng ni Aling Linda.
"Naku ho, Ante Linda. Ang haba na ng listahan mo dito. Kung dadagdagan ko pa, aba baka umabot na ito sa munisipyo. "
Napakamot sa ulo ang matanda. Dumungaw ito sa maliit ng butas at humalumbaba. " Magbigay ako ng paunang bayad sa linggo pagkauwi ni Pablito. Isang kilo na bigas lang. Wala ng makain mga anak ko. "
Inirapan niya ang matanda. "Puro kasi kayo anak hindi niyo naman kayang pakainin. Hindi pa nga nag isang taon iyong bunso mo, buntis ka na naman. Pahingahin mo naman matres mo, te. Naku, malugi tindahan ko sayo, " sermon niya sa matanda. " Ayan, dalawang kilo yan. Libre ko na."
Malaki ang ngisi ng matanda na tinanggap iyon. "Salamat Nadia. Pagpalain ka ng panginoon. Nawa'y manalo ka mamaya sa amateur contest na sasalihan mo. "
Iwinagayway niya ang kamay pangtaboy sa matanda na paalis sa kanyang tindahan. Napakamot nalang siya sa sariling ulo. Kahit kakarampot lang ang kita niya, kahit lugi na siya sa puro utang ng mga kapitbahay, hindi parin niya magawang tumanggi lalo na at kapag alam nito na may batang magugutom.
Lumaki kasi siya sa hirap. Kaya alam niya ang buhay nang walang makain sa isang araw. Hindi naman kaya ng kanyang konsensya na hindi ito pautangin, puwera na lang kung wala siyang awa doon sa nangutang.
Nang maulila sa ina, nagsimula nang magsariling sikap si Nadia upang buhayin ang sarili sa pamamagitan ng pag awit. Kung saang baryo na siya nakarating para lang sumali. Kumakanta rin siya sa mga kasal, patay, o kahit anong okasyon basta imbetahan siya at basta may cash.
Nag iipon kasi siya ng pera para makaluwas siya ng Maynila. Gusto niyang sumali sa Pilipinas Got Talent. Ngunit wala siyang sapat na pera para sa pamasahe nito.
Sa larangan ng pagkanta, si Pilita Corrales ang iniidolo niya. Gusto niya balang araw maging katulad niya rin si Pilita.
"Ay Pilita!! " napatalon siya sa gulat ng dumungaw sa butas ng kanyang tindahan ang bata ng kanilang kapitbahay.
"Perlita ho ang pangalan ko, Ante Nadia. " pagtatama ng bata sa kanya.
"Pilita o Perlita ganoon parin yun, manghihingi ka na naman ng candy, " masungit na wika niya sa bata.
Napanguso ang bata na humalumbaba doon. "Kaya ka walang boypren, e, kasi masungit ka. "
"Ako masungit? " nakapamewang na usal niya. "Masungit ako? Wala kang candy sa akin. "
Umatungal ang bata na umuwi nang pagsarhan niya ito. Nawalan na siya ng gana para ayusin ang tindahan niya. Imbis maganda ang gising niya, naging masama dahil sa kapitbahay niyang puro utang at hingi lang ang alam.
Pumasok siya sa loob ng kanyang bahay upang doon ipagpatuloy ang pag iinsayo ng kanta para sa kakantahin niya mamayang gabi. Kailangan niyang manalo. Sayang rin ang premyo pandagdag na iyon sa ipon niya.
Nang magdapit hapon nag ayos na siya ng sarili. Pinakyaw niya rin ang tricycle ng kanilang kapitbahay para ihatid siya. Kahit nasasayangan sa pera, pikit-mata siyang nakiusap nang sa ganon maayos siyang makarating sa pupuntahan.
Kaya lang minalas siya pagkadating. Hindi natuloy ang singing contest sa kadahilanang itinakas ng event organizer ang premyo na dapat na mapanalunan ng mga mang aawit.
BINABASA MO ANG
A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETED
RomanceYoung, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong silang na bata sa labas ng kanilang mansyon at siya ang sinasabing ama nito ayon sa sulat na nakalakip...