Tatlong araw na ang lumipas. Tatlong araw narin na nag aabang si Nadia sa bayan kay Nenita para makibalita sa pamangkin nito. Hindi siya mapakali. Kahit nasisiguro niyang maging maayos ang pamangkin niya roon hindi parin siya kampante hanggat hindi niya malalaman ang sitwasyon ng pamangkin.
Hindi pumunta ng bayan si Nenita noong sabado. Noong linggo bumalik si Nadia doon pero buong araw siyang naka abang walang Nenita na dumating. Laglag ang kanyang balikat na umuwi, dahil kagaya kahapon, nag abang lang siya sa wala.
.....Mansion....
Hindi alam ng mga kasambahay paano patahanin ang sanggol. Kanina pa ito umiiyak. Salitan ang mga kasambahay sa paghele pero ayaw parin matigil sa pag iyak ang bata.
Stress na si Enrico. Wala siyang alam dito kaya hindi niya rin alam kung ano ang gagawin. Kung paano patahimikin ang bata, kung paano ito patulugin. Dahil hindi naman niya ito naranasan sa mga pamangkin.
Umuwi na ang mga kuya niya kaya wala siyang mapagtanungan. Tulog na rin panigurado ang kanyang ama ngayon kaya wala siyang magawa kundi hintayin nalang na mapagod ang bata sa kakaiyak.
"Baka nagugutom, sir." Inaantok na wika ni Nenita.
"Timplahan mo ng gatas. May gatas naman tayo diyan, diba? Para makatulog na ito, " sagot ni Enrico na napahimas sa kanyang batok sa kaantukan.
"Ay, wow! Anong akala mo sa anak mo, adult? Painumin mo ng bearbrand?! "
"Ano ba dapat? "
"Ayan, magaling ka lang sa kama pero pagdating sa pag alaga ng sanggol nganga ka! " singhal sa kanya ni Nenita. "Bilhan mo ng gatas pang sanggol. Pati narin feeding bottle nang makakain na itong anak mo. Pagod na ako at inaantok. "
Napahilamos ng mukha si Enrico. "Wala ng bukas na tindahan at botika. Hating-gabi na. "
"Pagmamay-ari ng kuya mo ang buong mall. Baka doon pwede kang maka puslit ng pagkain sa anak mo, " nagagalit na wika ni Nenita.
Para matahimik ang bata at ng makakain, mabilis na umalis si Enrico at nagtungo sa bahay ng Kuya Ethan niya. Pumupungas si Ethan na pinagbuksan ang kapatid.
"I need a milk to my son... "
Saglit na natigilan si Ethan at bahagyang nangunot ang noo. "O, bakit sa akin ka nagsabi. Wala akong gatas, " inaantok na sagot ni Ethan dito.
Napahaplos sa batok si Enrico. "What I mean, my son needs a milk. Hating-gabi na wala akong ma bilhan ngayon dito sa malapit."
"Tapos sa akin ka lalapit. Mukha ba akong nagbebenta ng gatas? "
"Kuya... " frustrated na wika ni Enrico. "Can we open the mall?"
Malalim na napabuntonghininga si Ethan. Naawa siya sa kapatid. Parang malaglag na ang mga mata nito sa antok at makikita ang pagod sa kanyang mukha ngunit kailangan niya parin gumawa ng paraan para makakain ang anak.
"Come inside, " aniya at naunang naglakad. Buntong hininga na sumunod sa kanya si Enrico. "Mabuti nalang at nakapag pumped si Liel kanina marami siyang gatas na nariserba."
Kinuha nito ang mga gatas na nakalagay sa breast milk bag. Nasa lima iyon. Kumuha rin siya ng tatlong feeding bottle na hindi pa nagagamit.
"Make sure na malinis itong feeding bottle at na sterilised bago mo ibigay sa anak mo, " matulin na nakikinig si Enrico sa sinasabi ng kuya niya. "Ito, milk bottle warmer yan. Itong gatas na nasa milk bag isalin mo sa feeding bottle at ilagay dito sa bottle warmer bago ipadede kay baby. Naintindihan mo ba? "
Marahan na tumango si Enrico. "Yeah, I get it. "
"Good. Ito na lahat. Tawagan mo ako kung may kailangan ka. Umuwi ka na para makakain na ang anak mo. "

BINABASA MO ANG
A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETED
RomanceYoung, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong silang na bata sa labas ng kanilang mansyon at siya ang sinasabing ama nito ayon sa sulat na nakalakip...