"Ayos ka lang? "
Nanindig ang balahibo ni Nadia nang dumampi ang mainit na hininga ni Enrico sa kanyang tainga at leeg ng pabulong siyang tanungin nito. Nakasiksik sa kanya si Enrico sa pang isahan na couch kung saan naka upo si Nadia.
Hindi makatingin kay Enrico na tumango si Nadia. "Ayos lang ako. Nanghihina nga lang ako kaya ayaw kong gumagalaw, " sagot niya.
Nang makarating sila kanina saglit lang siyang nakisalamuha sa mga bisita dahil bigla siyang nahilo. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kakapanganak niya pa lang o sa kaba na nararamdaman. Pinahinga siya muna ni Enrico at sinabihan ang mga kamag-anak na huwag munang guluhin si Nadia. Nang dahil sa sinabi ni Enrico, naging pulutan siya ng tukso. Ngunit imbis na magalit o mainis ay natutuwa pa siya at proud pa.
"Sa kwarto ko na lang ikaw magpahinga. Maingay rito, magulo. "
Nag-aasaran kase ang mga kamag-anak niya. Pinag-aagawan ang kanilang anak, nagtutulakan, nagtatalo kung sino ang susunod na hahawak.
"Hep! Wala ng hahawak kay Damulag! " natigil ang lahat sa sinabi ni Marsha. "Hanggang tingin lang muna. Kawawa naman ang Damulag na'to pinagpasa-pasahan. Nahilo na yata. "
"Sa gwapo ng anak ko tinawag mong Damulag? "
Napatingin ang lahat kay Enrico. Kahit si Nadia ay napalingon rin sa kanya. Salubong ang mga kilay niya na para bang hindi nagustuhan ang narinig. Nang hawakan ni Nadia ang kamay niya mabilis na bumalik sa pormal ang kanyang awra.
"Hayaan mo na, " wika ni Nadia.
"Ang ganda kaya ng pangalan ng anak natin tapos Damulag ang itatawag, " parang bata na pagsumbong niya.
Napangiti si Nadia at hindi na lang siya sinagot. Sumandal siya sa balikat ni Enrico at tiningala ang lalake. Pinagsiklop ni Enrico ang kanilang kamay at hinalikan siya sa noo. Ang mga mata ni Enrico ay kumikislap sa saya. Sa tuwing titigan niya si Nadia ang kanyang mga mata ay puno ng pagmamahal sa babae. Na isa itong mamahaling bagay na ayaw niyang mawala sa kanyang paningin.
"I... wag na nga lang pala, " pagbawi kaagad ni Nadia sa dpat na sasabihin.
"Ano 'yon? Gusto ko marinig, " nasasabik na wika ni Enrico. Nasa mata nito ang koryosidad kung ano ang sasabihin dapat ni Nadia.
"Magic word. "
Namula ang mukha at tainga ni Enrico nang ma gets ang sinabi ni Nadia. Ngunit hindi siya umiwas ng tingin. Proud siyang hinarap si Nadia at ipakita kung gaano ka lakas ang impact sa kanya ang mga sinasabi ni Nadia.
Mahinang tumikhim si Enrico. "I want to hear it. "
"Baka mamutla ka na naman at himatayin. "
"Hindi dahil sa sinabi mo kaya ako hinimatay—fine, " pagbawi niya kaagad nang makita ang nanunuya na tingin ni Nadia. "First time ko makarinig, okay? "
Lalong namula ang kanyang mukha sa pinaghalong hiya at kilig na nararamdaman. Imbis na umiwas, he claimed Nadia's lips. Mabilis lang iyon pero natigilan parin si Nadia. Gusto niya rin hampasin si Enrico nang marinig ang panunukso ng mga pinsan nito dahil nakita nila ang ginawa ni Enrico.
"Don't mind them. Naiinggit lang ang mga iyan, " aniya kay Nadia at sinamaan ng tingin ang mga pinsan.
"Ceasefire! Ceasefire! Baka may dumanak na dugo! " pang aasar pa ni King.
Mahina siyang tinampal ni Nadia sa hita. "Ikaw kase ang harot mo. "
"Inggit lang 'yan. Palibhasa kase walang girlfriend, " inikot ni Enrico ang braso sa bewang ni Nadia at umusod palapit sa babae. Sa kanyang dibdib na ngayon naka sandal ang babae. "Gusto mo kumain? "
BINABASA MO ANG
A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETED
RomantikYoung, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong silang na bata sa labas ng kanilang mansyon at siya ang sinasabing ama nito ayon sa sulat na nakalakip...