Chapter 10

784 14 0
                                    

Nagmadali siyang pumasok sa kanyang kwatro para maligo habang tulog pa ang alaga niya. Nanggigigil siya kay Enrico ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili na hindi makasabi dito ng masamang salita. Baka bukas ay wala na siyang trabaho kung pairalin niya ang galit at inis dito.

Matapos mag ayos ng sarili binalikan niya ang sanggol. Gising na ito ngunit tahimik lang. Nasa banyo parin si Enrico. Kinuha niya ang sanggol upang papaarawan ito saglit. Hindi niya kasi alam kung paliguan ba ito muna, o sino ang magpapaligo. Hindi niya pa kasi nasabi kay Enrico na hindi siya marunong magpaligo ng sanggol.

"Good morning ho, Don Emmanuel. " nakangiti na pagbati ni Nadia ng makasalubong niya ang matanda sa hagdan. Pa akyat ito. Siguro ay pupunta sana ito sa kwarto ni Enrico para silipin ang apo.

"Magandang umaga, hija. Magandang umaga rin sa aking apo, " magiliw na wika niya na may matamis na ngiti sa labi. Hinaplos niya ng marahan ang ulo ng sanggol. "Tanggalin mo ang lahat ng suot niya bago paarawan. "

"Opo, Don Emmanuel. "

"Umuwi na ba ang tatay niya? "

"Saglit lang po siya umalis kahapon. Bumalik rin naman kaagad. "

Don Emmanuel nooded, sana nga talaga magbabago na ang  kanyang bunsong anak para makampante na siya.

"Ipabantay mo siya mamaya sa ibang katulong nang makakain ka ng agahan. "

"Opo."

Hindi akalain ni Nadia na ganito pala kabuti ang isang Emmanuel Montefalco. Tama nga si Nenita, maganda ang trato nila sa kanilang mga trabahador.

"Doon kayo sa likod, doon sa harap ng harden. Maganda ang ambiance ng lugar at ng makalanghap rin ng sariwang hangin ang apo ko. "

"Opo, Don Emmanuel. "

Hindi napigilan ni Nadia ang makaramdam ng konsensya sa pagmamahal at pagtanggap ni Don Emmanuel sa kanyang pamangkin bilang apo niya. Hindi niya inaasahan na ganito ang kanyang maramdaman. Ngunit wala na siyang magagawa pa. Narito na siya sa sitwasyong ito at isa pa maayos at maganda ang buhay na tatamasain ng kanyang pamangkin. Kailangan niya lang tibayan ang kanyang loob, maging bato ang kanyang puso at patayin ang konsensya na naramdaman sa kanyang maling ginawa sa pamilyang ito nang sa ganon masiguro niyang maging matagumpay ang kanyang sinimulang plano.

Aalis rin siya balang araw. Kapag natagpuan na ni Enrico ang babaeng magpapabago sa kanya. Kapag nagkaroon na ng nanay ang kanyang pamangkin, alagaan ito, mahalin, protektahan at hindi iparamdam dito na hindi siya ang tunay nitong Ina. Aalis siya at ipagkatiwala ng buo kay Enrico ang kanyang pamangkin kapag nasiguro na niyang kaya ng gampanan ni Enrico ang tungkulin nito bilang isang Ama.

Pangarap ni Nadia ang makapasok dito sa loob ng mansyon. Nasasabik siyang masilayan kung gaano ito ka laki at kaganda katulad sa mga kwento ni Nenita sa kanya. At ngayong narito na siya, pinagsawaan niyang pagmasdan ang paligid. Sa laki nito, nasisiguro niyang baka hindi niya ito maikot hanggang sa makaalis siya balang araw.

Napanganga sa pagkamangha si Nadia ng makita ang flower garden. Nanonoot rin sa ilong niya ang halu-halong bango ng mga bulaklak na naroon. Pakiramdam niya nasa isang flower farm siya.

"Sayang, hindi ko nadala ang phone ko, " aniya.

Gusto niya sanang lumapit doon kaso baka ma allergy ang alaga niya gayong sensitibo pa ang balat nito.

"Parang palasyo lang na nakikita ko sa telebisyon. Ang ganda dito, no. " kausap niya ang pamangkin. Nakapikit ito nasisilawan sa sinag ng araw.

Hiyang ang kanyang pamangkin sa bahay na ito. Siguro ay dahil sa klima, malamig kasi ang buong bahay at maaliwalas. Kapag dito sa labas ang presko ng hangin at malamig.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon