Tuwing sabado pinapasyal ni Enrico si Baby Gio at kasama si Nadia. Family day kasi iyon ng mga Kuya niya nang magkaroon na ito ng pamilya at ngayon isa na siya sa kasama dito.
Katulad ngayon, nasa park sila na pagmamay-ari ng mag-asawang Liel at Ethan. At para silang mag-asawa tingnan kasama si Baby Gio.
"May something talaga sa kanilang dalawa, e."
"Feeling ko rin. Matagal ko na iyan napapansin, hindi ko lang sinabi. Pero ngayon, parang iba na e. "
Nagbubulungan na nag-uusap sina Liel at Janice habang nakatingin kina Enrico at Nadia. Magkaharap silang dalawa na naka upo sa nakalatag na mat at pinagitnaan nila si Baby Gio na naroon sa strawler. Nagbabalat si Enrico ng orange at si Nadia ang taga kain.
"Anong binubulong bulong ninyong dalawa d'yan? " untag ni Ethan sa dalawa.
Hinila ni Liel ang laylayan ng kanyang damit kaya napa upo siya sa tabi ng asawa. "Hinaan mo yung boses mo. Kaya nga kami bumubulong, e. "
Napa 'Oh' nalang si Ethan at patango-tango ang ulo na sinundan ng tingin kung saan nakatingin ang asawa at si Janice.
Dumating rin si Javier at tumabi kay Janice habang ang kanilang mga anak ay kinukulit ang lolo habang nagsisinti sa isang tabi.
"In love na yata iyang kapatid niyo kay Nadia. Hindi na ako mag-aanak kapag nagkatotoo. "
"Anong pinagsasabi mo?! Hindi pa nga tayo naka kalahati, " reklamo na sabat ni Javier sa binitawang salita ng asawa.
Siniko siya ni Janice. "Tumahimik ka. "
Tumahimik naman ito at nakinood narin kina Enrico at Nadia na may mga sariling mundo doon sa unahan.
"Ayoko na, " tanggi ni Nadia nang abutan siya ni Enrico ng huling orange na binalatan niya. "Hindi matamis. "
Bahagyang nagkasalubong ang kilay ni Enrico at napatingin sa hawak niyang orange. "Hindi matamis pero isa nalang natira? "
"Ngayon ko lang nalasan ng maayos."
"Ah, okay. " tungon ni Enrico kahit nagtataka siya. Kaya kinain niya ang huling orange dahil sayang naman kung itapon. Napatakip siya sa kanyang bibig nang malasahan kung gaano ito ka asim.
"Sigurado ka na hindi matamis? " nakangiwi na tanong niya ulit kay Nadia.
"Oo, kulang siya sa tamis. Hindi masarap. "
Anong kulang sa tamis at hindi masarap, e, ang asim nito. Sa isip ni Enrico. Sarap na sarap kasi si Nadia habang kumakain nito kanina kaya akala niya ay matamis.
Nagpatay-malisya ang mag-asawa nang balingan sila ng tingin ni Enrico. Na para bang hindi sila nakamasid dito.
"Kuya, saan galing itong orange? Bakit ang asim? Akala ko ba masarap at matamis mga pananim niyo? " wika ni Enrico.
"Anong orange? Wala kaming dala na orange, " sagot ni Javier. "Kayo ba nagdala? " tanong niya kay Ethan.
"Hindi, " sabay na sagot ng mag-asawa.
"Ako ang nag pitas niyan sa farm nila Janice, " sagot ni Nadia kaya napatingin sa kanya si Enrico. "Marami kasing hinog kaya nanguha ako."
"Saang puno mo iyan banda kinuha? " tanong ni Janice sa kanya.
"Sa likod ng bahay niyo. Iyong nag-iisang puno doon. Bawal ba? Sorry, hindi ko alam-"
Napatampal sa noo ang lahat nang malaman kung saan iyon pinitas ni Nadia.
"Sinusumpa na puno iyon ni Nemfa at Nenita. Kaya walang pumipitas doon sa subrang asim," paliwanag ni Enrico.
"Sorry, hindi ko alam, " she said apologetically. "Pero hindi naman maasim, a. "
BINABASA MO ANG
A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETED
RomanceYoung, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong silang na bata sa labas ng kanilang mansyon at siya ang sinasabing ama nito ayon sa sulat na nakalakip...