Chapter 17

701 10 0
                                    

Gabi na nang magising si Nadia. Hindi na gaanong masakit ang ibaba niya ngunit mainit parin siya. Akma siyang bababa sa kama nang makitang may pagkain na nakapatong sa ibabaw ng mesa at may sulat na nakalakip doon.

  "Ako na ang bahala sa anak ko ngayong gabi. Make sure na bukas wala ka ng lagnat baka mahawa sayo ang bata. "

Kiligin na sana siya ngunit parang pinaparating ng sulat na kailangan niyang gumaling dahil may bata na maapektuhan sa sakit niya, hindi dahil may malasakit siya.

Inubos niya lahat ng pagkain at uminom ng gamot bago natulog ulit. Wala rin siyang gana na bumangon matapos mabasa ang sulat na galing kay Enrico.

Kinabukasan maayos na ang kanyang pakiramdam. Wala ng masakit sa kanya. Nakatulong ang ginawang hot compress ni Enrico sa ibaba niya. Nang kapain niya iyon hindi na rin iyon namamaga. Kahapon kasi parang nilamog siya.

Humugot muna siya ng isang malalim na paghinga bago kumatok ng tatlong beses saka pinihit ang pinto sa kwarto ni Enrico.

Kaagad na nagtagpo ang mga mata nilang dalawa nang mag angat ng tingin si Enrico. Hindi nag iwas ng tingin si Nadia. Pinatili niyang kalmado at kaswal ang sarili kahit parang mabasag ang kanyang dibdib sa lakas ng tibok ng puso niya.

Tuluyan siyang pumasok sa loob. "Aalis kayo? " tanong niya nang makita na nakabihis ng panglakad si Baby Gio.

"Mmm. Immunization niya ngayon, " kaswal na sagot ni Enrico habang hinahanda ang mga gamit ni Baby Gio na dadalhin. "Tinawagan ko na si Janice para samahan ako--"

"Ako na sasama.. "

Nilingon siya si Enrico. Naiilang na umiwas siya ng tingin dito. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip ni Enrico. Kaswal lang itong nakatingin sa kanya na para bang isa lang siyang ordinaryong tao na kaharap ng binata.

"Okay ka na ba? Hindi na ba masakit? " tanong ni Enrico sabay tingin sa pagitan ng dalawang hita  ni Nadia.

Pinamulahan ng mukha na itinago ni Nadia ang kalahating katawan sa likod ng crib. "Bakit kailangan mo pang tingnan?" Mataray na usal niya. "Maayos na ako. Wala na rin akong lagnat kaya pwede ko na alagaan ang pa-poging batang ito. "

Muntik na siyang madulas sa sasabihin. Kung nagkataon, bulilyaso na sana ang sikreto niya.

"Okay, sabi mo, e. " sagot ni Enrico dito.

"Ano na ang magdadala nitong bag, " mabilis na wika ni Nadia nang buhatin ni Enrico si Baby Gio.

Kinuha ni Enrico ang bag at isinukbit iyon sa balikat niya. "Ako na. Baka mabinat ka pa. "

"Si Baby Gio nalang ang kargahin ko--"

"It's fine. I can handle it."

"E, ano pa ang silbi ng pagsama ko kung wala akong dadalhin?! "

"Just, your self... " wika nito at naunang lumabas.

Padabog na sumunod si Nadia kay Enrico. Ang inis na kanyang naramdaman para dito ay sinarili niya lang. Baka mapagsabihan pa siyang 'Sino ba siya para magtaray. '

Nakabusangot ang mukha at masama ang tingin niya sa likod ni Enrico. Hindi man lang ito nahirapan sa pagkarga ng anak at may nakasukbit pang bag sa kanyang balikat.

"Mukhang sanay ka sa ganitong gawain, " hindi napigilan na wika ni Nadia.

"Yeah. Ilang pamangkin ko na rin ang nagdaan sa kamay ko kaya hindi na bago sa akin ito. "

"Ah, kaya pala. "

Ngayon alam na Nadia kung bakit mas marami pang alam si Enrico sa kanya sa usaping pag alaga sa bata dahil naranasan na niya ito sa mga pamangkin niya.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon