Chapter 30

754 14 0
                                    

Ikatlong araw.

Ikatlong araw na  nila sa paghahanap kay Nadia ngunit kahit anino man lang ng dalaga hindi nila ito nakita.

Sinubukan niya ring tawagan ang numero ni Nadia na galing kay Nenita pero mukhang hindi na ginagamit ni Nadia iyon.

Gusto na niyang sumuko. Isang lugar nalang ang hindi pa nila napuntahan. At kapag wala pa roon si Nadia, hindi niya alam kung saan muli hahanapin ang babae.

"Hindi kaya nalaman ni Nadia na hinahanap mo siya- aray! Nakadalawa ka na sa akin, " naghahamon na usal niya kay Ervin nang batukan ito ng lalaki.

Pinanlakihan siya ng mata ni Ervin at ininguso si Enrico na nakayuko ang ulo at nakasandal sa sasakyan. Malalim ang iniisip. Malungkot, nasasaktan ang nakabalot na awra sa kanyang mukha.

Iyon rin ang iniisip ni Enrico. Na baka natunugan ni Nadia na hinahanap siya nito. Kasi kahit ang number niya hindi ma contact na iyon naman ang ginagamit niya noong nagkausap sila ni Nenita.

Nagbitiw siya ng salita kay Nadia. Pinagbantaan pa. Kaya siguro lumayo si Nadia at hindi ipinaalam ang pagbubuntis nito sa kanya dahil natatakot sa kanya ang dalaga sa maari niyang gawin.

Tumingala siya sa madilim na kalangitan. Kahit ang langit nakikisimpatya sa kanya sa mga oras na ito.

Pinagsisisihan niya ang ginawa niya kay Nadia noon. At ipinagsisihan niya rin kung bakit hindi niya kaagad pinuntahan si Nadia nang malaman niyang umalis ito sa kanilang bahay noon. At ngayon, hindi na niya mahanap ang babae.

Tinawagan niya ang kanyang mga kuya.

"Umuwi na tayo ng Sagada, " aniya.

"Ha? Pero hindi pa natin nakita si Nadia." Si Javier

" Akala ko ba hindi tayo titigil  sa paghahanap hanggat hindi natin siya nakita, " sabat ni Ethan.

"For sure, namimiss na kayo ng mga anak niyo. At saka, nasuyod na natin ang buong bar dito sa Malita pero... hindi parin natin siya nakita, " kalmadong wika niya kahit kanina pa gustong pumatak ng kanyang mga luha.

"Tss, ayaw nga ako pauwiin ni Liel, e. Ako ba naman ang sinisi bakit hinahanap natin si Nadia ngayon, " tunog pagtatampo na wika ni Ethan.

"Akala ko ako lang, " segunda ni Javier. "Tinalakan ako noong pag alis ko sa bahay. Hindi pa ako kinakausap kapag tatawag ako. Kung bakit daw kasi hindi ako naniniwala sa kanya na may namagitan sa inyong dalawa ni Nadia. Kaya walang silbi ang pag uwi natin dahil for sure hindi rin kami papasukin sa bahay. "

Habang nakikinig sa mga sinasabi ng kanyang kuya, nakangiti siya. Malakas talaga ang pakiramdam ni Janice. At hindi nga siya nagkamali noon sa kanyang sinabi na 'BALANG ARAW, MAY BABAE RING DARATING SA BUHAY NI ENRICO NA SIYANG MAGPAPATINO SA LALAKI.

"May isang lugar pa tayong hindi napuntahan. At kung wala parin doon si Nadia, I think kailangan na natin ang media, " suhestiyon ni Ethan na sinang ayunan ni Javier.

"Makikita natin si Nadia. Naniniwala ako na makita mo siya at muling makasama kasama ang anak ninyo. Tiwala lang. Nandito pa kami. Hindi susuko at hindi ka iiwan sa paghahanap sa kanya, " dugtong ni Ethan na nagpalakas muli ng loob ni Enrico.

"Ituloy ang paghahanap! " sigaw ni King, nakataas pa ang isang kamay na parang susugod sa giyera.

"Bawal sa isang buntis ang magpuyat. Alas-onse na, " singhal ni Ervin at dinutdot pa ang braso niya sa mukha ni King kung saan naroon ang relo niya. 

Natatawa na umiling nalang si Enrico habang nakatingin sa dalawa. Nagpapasalamat siya at ito ang kanyang kasama. Bukod sa maingay ang dalawa nirerespeto rin nila ang pananahimik ni Enrico tungkol sa kanyang naramdaman. Kumbaga, naka suporta sila sa ganoong paraan.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon