Chapter 25

708 18 0
                                    

Wala siyang lakas para bumangon. Lumapit sa kanya si Ethan at inalalayan siyang tumayo. Muntik pa siyang mabuwal ng bitawan siya ng lalaki ng makatayo siya. Hindi siya makatingin dito. Lalo na kay Don Emmanuel.

Ang takot niya ay hindi parin nawawala. Akala niya kanina siya ang binaril nang Don. Akala niya katapusan na niya, kasabay sa pagtapos ng kanyang matinding sikreto na ginawa sa buong pamilya.

Gusto niyang magsalita, magpaliwanag kung bakit niya iyon ginawa ngunit parang tinahe ang kanyang bibig na hindi niya ito mabuka.

"Umaalis ka na muna," wika ni Ethan sa mababang tono. "Sa ngayon, hindi pa namin kaya na pakinggan at intindihin ang paliwanag mo. "

Mabagal na tumango si Nadia bilang tugon. Naka alalay na hinatid siya ni Ethan sa labas ng opisina ni Don Emmanuel.

"Alam namin na may malalim kang dahilan kung bakit mo ito ginawa. Kakausapin ka namin bukas, " wika ni Ethan bago sinara ang pinto.

Sinikap niyang humakbang paalis. Ngunit dahil sa kahian ng kanyang buong katawan, natumba siya at wala ng lakas para bumangon.

Lihim siyang napahikbi sa samot saring emosyon na naramdaman. Ngunit lamang ang sakit sa kanyang puso. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi ni Enrico sa kanya kanina. At ang lahat ng iyon tumatak sa isipan niya.

Hindi man lang siya hinayaan ng binata na magpaliwanag. Hindi man lang siya nito hinayaan na makapagsalita upang sabihin ang kanyang dahilan. Hinusgahan kaagad siya nito. Pinagsalitaan ng masakit na salita at binantaan pa ang buhay niya.

Nasasaktan siya dahil mahal niya si Enrico. Ngunit ang kaharap niyang Enrico kanina, hindi iyon ang Enrico na minahal niya.

Gumapang siya upang magtago nang makarinig ng yabag na papalapit. Kung noon, kampante siya at malaya na pagala-gala sa buong kabahayan. Ngayon, takot na siyang harapin ang sino man na mga tao dito higit na ang magkapatid at si Don Emmanuel.

Nang pakiramdam niya kaya na niya, kumapit siya sa pader bilang suporta sa sarili para makatayo. Pinilit niya ang sarili na makalakad pabalik sa kanyang kwarto.

Hindi natuloy ang pagpihit niya sa pinto nang marinig ang kalabog sa loob ng kwarto ni Enrico kasunod niyon ang puno ng hinanakit na sigaw niya.

Napatakip si Nadia sa kanyang bibig upang pigilan ang hikbi. Ngunit ang hikbi niya ay naging hagulhol nang marinig ang  garalgal na boses ni Enrico.

"Ano ang kasalanan ko, Kuya, bakit ito nangyari sa akin? Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin ang anak ko, " basag ang boses na wika nito habang ang mga luha ay walang tigil sa pag agos sa kanyang mga mata.

Dinaluhan ni Javier ang kanyang kapatid. Sa buong buhay nila, bukod sa pagkawala ng kanilang Ina, ngayon niya lang ulit nakita ang bunsong kapatid na umiyak ng ganito at subrang nasaktan.

"Ito ba ang parusa ko sa pagiging babaero ko? Kung ito nga, deserve ko ba?"

Walang maisagot si Javier sa kanya. Nakatingin lang ito na puno ng awa ang mga mata.

"Napamahal na sa akin ang bata, Kuya. Tulungan mo naman ako.... Hindi ko kaya na mawala siya, " umiiyak na pakiusap ni Enrico sa kanyang Kuya.

"Lahat kaya kung gawin para sayo, alam mo iyan... Pero ang tungkol kay Baby Gio, wala tayong magagawa. Hindi lang ikaw ang nagmamahal sa kanya. Hindi lang ikaw ang nasaktan sa katotohanan, kami rin. Hindi maipaglaban ng pera natin ang katotohanan na hindi natin siya kadugo."

Hindi na kayang pakinggan ni Nadia ang mga salita na nanggaling sa loob ng silid ni Enrico. Nagmadali siyang pumasok sa kanyang silid at doon umiyak ng todo.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon