Nanginginig, walang lakas ang buong katawan ni Nadia nang marinig ang pangalan na iyon. Ngunit pinipilit niyang kinukumbinsi ang sarili na ang pangalan na binanggit ni Norma at ang taong iniisip niya ay magka iba.
Walang nakakaalam sa kanyang ginawa bukod sa kanyang sarili. Iilang tao lang din ang nakaalam sa kanilang baryo ang tungkol sa kanyang Ate Selvia. Kaya imposible na natunton siya ni Peter dito sa mga Montefalco.
At kung totoo man na ang tao na iyon at si Peter ay iisa, ano ang pakay niya?
"Papasukin mo siya, Norma."
Natinag si Nadia at napatingin kay Don Emmanuel na kakapasok palang. Galing siya sa likod doon sa garden na sila lang ang may karapatan na pumasok doon.
"Nadia, dalhin mo muna sa itaas ang apo ko. Doon muna kayo sa silid, " aniya. "Norma, ihatid mo sa office ko ang lakaki. Enrico, tawagan mo ang mga kuya mo. Sumunod ka rin sa akin. "
Nagmadali na bumalik sa labas si Norma. Si Nadia hindi alam ang gagawin dahil nangingibabaw ang kaba na nararamdaman niya. Ramdam niya rin ang pamumutla niya at wala sa sarili na nakatulala sa kawalan.
"Hey, are you okay? " untag ni Enrico sa kanya. Kaswal lang ang mukha nito at parang wala lang sa kanya na may estranghero silang bisita. "Come on. Sa taas muna kayo. Nag iingat lang si Dad gayong hindi naman namin kilala ang bisita, " aniya at siya na ang nagbuhat kay Baby Gio.
Doon lang nahimasmasan si Nadia nang hawakan ni Enrico ang kanyang pulso at hinila patayo sa kinaupuan niya.
Doon lang siya binitawan ni Enrico nang makarating sila sa kanyang silid. "Are you sure you okay? " bumadha ang pag alala sa magandang uri na mata ni Enrico na tanongin nito si Nadia. Bigla kasi itong tumahimik. Malamig rin ang kanyang kamay at nanginginig.
Marahang tumango si Nadia. "O-oo.. Ayos lang ako. " aniya at binigyan ng maliit na ngiti si Enrico. "Lakad na. Hinihintay ka na ng tatay mo. "
"Tumawag ka lang sa ibaba kung may kailangan ka, " wika ni Enrico at umalis na ito.
Nanghihina na napa upo si Nadia sa gilid ng kama na mahigpit na nakayakap sa kanyang pamangkin.
Sampong minuto ang lumipas nang magpadala ng mensahe si Enrico sa kanyang dalawang Kuya narito na sila ngayon. Parehong humahangos.
"Why? What happened? " habol hininga na tanong ni Javier. Naka jacket ito na luma at pantalon na butas butas. May mga putik rin ang kanyang kamay. Napangiwi siya sa ayos ng kanyang Kuya, mukhang pinarusahan naman ito ng asawa niya.
"Anong klase na urgent at emergency ba ito? Tungkol ba kay Dad?" Puno ng pag alala na tanong ni Ethan. Magulo ang kanyang buhok, gusot ang damit at naka boxer lang. "Wag mo akong tingnan ng ganyan. Ilang araw na akong nagtitiis, " dugtong ni Ethan.
"Ano na naman ang mga kasalanan niyo at pinarusahan kayo? " nakangiwi na tanong niya sa dalawang Kuya na mukhang mga kawawa.
"Yung nasa text mo ang ipinunta namin rito, hindi ang mang usisa ka kung bakit kami ganito, " wika ni Javier.
Nakangisi na tinalikuran niya ang mga ito. "Nasa loob ang kasagutan sa mga tanong niyo dahil hindi ko rin alam, " saad niya at naunang pumasok sa opisina ng kanilang Ama.
Naka upo si Don Emmanuel sa upuan sa harap ng kanyang table. Umupo ang tatlong anak sa bakanteng sofa at sa harap nila ang lalaking nagngangalang Peter.
Ka edad lang ito ni Javier. Mestiso ang lalaki at mukhang may ibang lahi. Yumuko ang kanyang ulo pagbigay galang sa tatlong lalaki na kaharap, sabay lahad ng kanyang palad.
"I'm Peter Chua, " pakilala niya sa mga ito.
Nakipagkamay ang tatlong lalaki at pinakilala rin ang sarili.
BINABASA MO ANG
A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETED
RomanceYoung, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong silang na bata sa labas ng kanilang mansyon at siya ang sinasabing ama nito ayon sa sulat na nakalakip...