Chapter 14

694 11 0
                                    

Lumipas ang mga araw unti-unti ng natanggap ni Nadia na ang kanyang pamangkin ay kabilang na sa pamilyang Montefalco. Sa pamamahay na ito wala siyang ugnayan sa bata kundi isang yaya at hindi bilang tita nito. Magka ugnay lang sila sa dugo ngunit hindi  sa karapatan.

Naging madalang nalang ang pagbisita ng mga kuya niya at bayaw kaya ang buong pag aalaga sa bata ay si Nadia. Madalas rin siyang umaalis para pagtuunan ang mga negosyong hawak niya at isa na ang DZM. Pressure iyon para kay Enrico dahil natatakot siyang magkamali, natatakot siyang mabigo ang mga taong umaasa sa kanya lalo na sa kanyang Ama na mataas ang expectation nito sa kanya.

Isang linggo na siyang pagod at stess. Dumagdag pa sa kanyang iniisip ang pagkahumaling kay Nadia. Para maiwasan ang pagkabuhay ng katawang lupa ni Enrico, iniiwasan niya si Nadia. Madalang niya lang ito kinakausap. At uuwi siya sa gabi na tulog na ang dalaga. Pero naging mahirap sa kanya ang ganoong senaryo. Aminin niya man o hindi, nasasabik parin siyang makita ang dalaga. Nasasabik siyang ito ay hawakan at tikman.

"Aalis muna si daddy, ha. Maghahanap lang ako ng future mommy mo, " ani nito sa kanyang anak at hinalikan sa noo. Hinarap niya si Nadia. "Alagaan mong mabuti  anak ko. " sabi nito at umalis kaagad.

Kung hindi niya man makuha ang nais sa dalaga, mainam kung sa iba nalang muna. Baka magkasakit siya kung magtitiis pa siya. Sa iba nalang muna siya magparaos habang kumukuha ito ng tamang tiyempo kay Nadia.

Sakit na niya ito. Kaya niyang iwasan ngunit hindi niya kayang pigilan lalo na at isa iyon sa kanyang pangangailangan.

Matalim ang tingin na sinundan siya  ni Nadia. Tumunghay ito kay Enrico na patakbong bumaba sa hagdan.

"Kailan ka pa ba magbabago? Kahit may anak ka na kati sa bayag mo parin ang prayoridad mo," matiim na wika ni Nadia.

Nang matapos ang after party sa binyag ni Baby Gio, napansin ni Nadia na naging seryoso si Enrico. Hindi ito nagsasalita, hindi siya nito kinakausap. Malaking pabor iyon sa kanya dahil nasisiguro niyang hindi ang isang tulad niya ang pagsamantalahan ni Enrico. Ligtas ang pagkababae niya.

Naka double lock rin ang kanyang kwarto kapag natutulog siya. Narinig niya kasi si Nenita at Enrico na nagbabangayan tungkol sa walang sinasanto si Enrico pagdating sa kama at kapag nangangati ito. Natakot siya na baka pasukin ng lalaki ang kanyang silid at pagsamantahan siya.

Mali man na iyon ay isipin ngunit hindi niya maiwasan lalo na at babae siya, sexy at malaki ang hinaharap.

Alas nuwebe na hindi parin naka uwi si Enrico. Inaantok na siya ngunit pinipigilan niya ang sarili na makatulog dito sa silid ng binata. Iniisip niya na baka makauwi si Enrico at mahimbing ang kanyang tulog ay baka siya ay gapangin nito.

Inaaliw niya ang sarili sa pag aayos ng damitan ni Baby Gio. Nilabhan niya rin ang marumi na damit ng bata. Hinugasan ang mga bote, inayos ang dapat ayosin para lang hindi siya dalawin ng antok. Ngunit nang sumapit ang alas-onse hindi na kaya ng kanyang mata, kusa iyong sumuko hanggang na nakatulog siya sa kama ni Enrico.

Kung senisentinsyahan lang ang pag ungol sa ibang pangalan at sa pag imagine sa ibang tao, habang buhay siguro ang pagkakulong ang ipapataw kay Enrico.

Paano ba naman kasi, habang umiindayog siya sa ibabaw ng babae si Nadia ang nakikita niya. Pangalan ni Nadia ang binabanggit niya. Balewala lang din iyon sa babae ang mahalaga pareho silang makaraos sa init ng katawan.

"Why did you stop? " iretableng wika ng babae ng umalis sa kanyang ibabaw si Enrico.

Tinanggal ni Enrico ng  puting bagay na nakabalot sa kanyang pagkalalaki at itinapon iyon sa basurahan. Ni hindi siya nilabasan kahit kaunti. Mainit ang kanyang ulo na nagbihis at nag iwan ng pera sa babae saka ito iniwan.

Nilunod niya sa alak ang sarili. Napailing nalang si Ervin at hinayaan siya. Ayaw naman ito magsabi kahit pilitin pa siya ni Ervin kung ano ang dahilan bakit siya nagpakalasing.

Ganito ang nangyayari sa kanya sa tuwing iniisip niya si Nadia sa babaeng kaniig niya. Kusa siyang nawawalan ng gana. Na para bang may sumpa ang pangalan ng babae sa oras na siya ay nasa mainit na tagpo.

Kaya inilunod  niya lang ang sarili sa alak nang sa ganon mahimasmasan siya. Ayaw niyang umuwi na mainit pa ang katawan niya baka hindi niya mapigilan ang sarili at baka mapuwersa niya si Nadia. Makulong pa siya ng hindi sa oras. Rape na iyon.

Madaling araw na ng maka uwi siya. Ngunit ang babaeng kanyang iniiwasan ay nasa ibabaw ng kama niya, mahimbing na natutulog. Natigil ang mga paa niya sa pagpasok. He's drunk. At kapag sinunod niya ang sarili na lapitan ang dalaga, hindi siya makakasiguro kung kaya niya pa bang pigilan ang sarili sa sunod sa mangyayari.

Hangga't kaya niya pang umatras, tumalikod siya at sinara ang pinto. Sa kwarto ng Kuya Ethan niya siya dumiretso at doon nalang naisipan na matulog.

Maganda ang gising ni Nadia kinabukasan dahil kompleto ang tulog niya. Dalawang beses lang yata siya nagising nang umiyak si Baby Gio dahil nagugutom. Ngunit ang ganda ng umaga niya ay napalitan ng kaba at takot ng pagkadilat niya siya ring pagpasok ni Enrico sa kanyang kwatro.

Hindi nagawa ni Nadia na ayosin ang sarili sa kaba na naramdaman nang makita ang seryoso na mukha ni Enrico. Mabilis siyang bumaba sa kama ng humakbang si Enrico papasok.

"Why did you sleep here? " malamig na tanong nito hindi inaalis ang tingin kay Nadia.

Kandalunok naman si Nadia at nangangapa sa isasagot. "A-ano kasi.. Ang... Ang tagal mong umuwi. Hindi ko naman maiwan ang anak mo na mag-isa dito. P-pasensya na. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako, " hindi makatingin na paliwanag ni Nadia.

Nilagpasan siya ni Enrico. "Lumabas ka na, " malamig parin na wika nito.

"A... May sasabihin sana ako, " blangko ang tingin na hinarap siya ni Enrico. "Gusto ko sana na doon nalang sa kwarto ko matulog ni Baby Gio," kumunot ang noo ni Enrico dahilan para mataranta si Nadia. "Para hindi na maulit itong nangyari ngayon. Promise, wala akong gagawin na hindi maganda sa anak mo--"

"Mabuti kung ganon. Make sure lang na hindi naka lock ang kwarto mo. Gusto ko parin silipin ang anak ko nang makasigurado, " wika nito at tumuloy sa banyo.

Mariing napapikit si Nadia at minura ang sarili. Sa kanyang suggestion binigyan niya ng rason si Enrico na malayang makapasok sa kanyang kwarto. Hindi niya iniisip na paano nalang kung nasa mahimbing siyang pagtulog at doon naisipan ni Enrico na silipin ang anak niya, edi malaki ang chance na mapagsamantalahan siya.

Nagpupuyos sa inis na sinabunutan niya ang sarili. "Bahala na. Hindi ko naman hahayaan na magtagumpay siya kung totoo man ang hinala ko na may masamang balak siya sa akin. " pangumbinsi niya sa srili.

Ayaw niya na  isang Enrico Montefalco ang makakuha ng virginity na iniingatan niya. Hangga't maaari, hindi mahawakan o masilayan ni Enrico ang kanyang katawan. Kaya nga balot na balot ang katawan niya sa damit na suot niya. Mabuti nalang ang may aircon ang buong bahay, hindi siya naiinitan sa suot niya.

Sinadya niya talaga ito nang sa ganon hindi maakit sa kanya si Enrico. Hindi naman kasi iyon ang rason kung bakit nagtitiis siyang manilbihan rito. Kaunting tiis nalang aalis na rin siya rito. Matutuloy na rin ang pangarap niyang makapunta sa Maynila. At ang pangarap nito na maging isang magaling na mang aawit.

Pero bago iyon, kailangan niya munang magtiis ng dalawang buwan. Sayang rin ang kikitain niya kung ngayon kaagad ay aalis siya gayong nasimot ang perang naipon niya mula sa pagpanganak sa kanyang ate, sa pagpalibing dito at sa gastos niya sa pamangkin.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon