Chapter 11

930 18 2
                                    

Si Nadia ang may hawak sa sanggol habang tinuturuan siya ni Liel kung ano ang kanyang gagawin sa tamang pagpaligo sa bata. Hindi naman nahirapan si Nadia at nakuha niya kaagad ang mga tinuro dito. Behave ang pamangkin niya. Gustong-gusto niya na pinapaliguan siya. Doon lang siya umiyak nang iahon na siya sa tubig.

"Itong bata talaga na ito baliktad ang iyak, " magiliw na saad ni Liel. "Saka ka na magtagal sa tubig kapag malaki ka na. Naku, baka magka pulmonya ka ako pa sisihin ng tatay mo. "

Hindi na siya tinuruan ni Liel sa pagbihis dito dahil alam na niya iyon. Pagkatapos bihisan ay pinadede na niya ito at nakatulog ang kanyang pamangkin.

"May pangalan na ba iyang anak mo?" Tanong ni Liel habang pumapapak ng apple na sinasawsaw niya sa bagoong. Napangiwi si Nadia at parang nasusuka na nakatingin kay Liel na sarap na sarap sa kinakain.

"Oo nga. May pangalan na ba iyan? Mag isang linggo na iyan dito, " segunda ni Ethan.

"Wala pa--"

"Anak ng tupa! " palatak ni Liel. Mahinang tinapik ni Nadia ang puwitan ng pamangkin ng pumiksi ito nagulat sa pagtaas ng boses ni Liel. "Wag mong sabihin na pati pangalan sa anak mo wala kang maisip, " dugtong niya.

Napakamot sa ilong si Enrico. "Parang ganun na nga. "

Napatampal sa noo si Liel. Na konsimisyon ito saglit. Si Nadia sa isang tabi ay tahimik lang na nakikinig. Karga parin nito ang pamangkin. Bahagyang inilapit ni Enrico ang katawan sa kanya at mahinang nagsalita. "Ano sa palagay mo ang magandang ipangalan sa kanya? "

Napakurap at saglit na natigilan si Nadia. "B-bakit sa akin ka nagtatanong? "

"Wala. Naisip ko lang, " lalo pa itong lumapit dahilan ng malalim na paglunok ni Nadia. "So, ano nga? "

"Baby Gio? " patanong na sagot ni Nadia.

Hindi naitago ni Liel ang ngisi sa labi habang nakatingin sa kanyang bayaw. Sinusuway siya si Ethan dahil baka mahalata siya ni Enrico ngunit sinimangutan niya lang ang asawa. "Mukhang nahanap na ng kapatid mo ang kanyang katapat, " hagikhik na bulong ni Liel sa asawa.

Umayos ng upo si Enrico ngunit kay Nadia parin ang tingin. "Why Gio? "

"Meaning, God's gracious gift. Iyon ang pagkakaalam ko. "

"Mismo! " untag ni Liel.

Nabaling ang tingin ni Enrico sa kaharap na mag asawa. Salubong ang kilay at nakabusangot ang mukha. "Umuwi na nga kayong dalawa, " may himig ng pagkapikon ang boses niya.

"Iparehistro mo na iyang birth certificate ng anak mo nang sa ganon hindi na iyan kulorom. "

Bago pa tuluyang mag iba ang mood ni Enrico, inalalayan ni Ethan ang asawa na tumayo. "May appointment ka pa ngayon sa doktor. Kailangan na nating umuwi, " wika niya sa asawa.

"Magsabi ka lang kung kailangan mo ng tulong, kahit maselan ang pagbubuntis ko sasamahan kita, " hirit pa ni Liel bago ito nagpatianod nang akayin siya ni Ethan palabas ng mansyon.

Mahinang napabuntonghininga si Enrico nang mawala sa paningin ang mag asawa. Hindi naman ganyan noon ang hipag niya sa kanya, ngayon lang ito naging mapang asar nang dumating ang anak niya. Siguro ay dahil buntis, paiba-iba ang mood swing.

Napaiktad si Nadia nang lingunin siyang muli ni Enrico. Nagugulat siya, kinakabahan sa tuwing titingnan siya ng binata. At hindi niya alam kung bakit gayong wala namang nakakatakot dito maliban nalang kung masama ang timpla ng kanyang mukha at kapag ito ay seryoso.

"Ilipat mo na siya sa crib. Matulog ka rin habang natutulog pa siya, " kaswal na wika ni Enrico. "Wala kang ibang gagawin dito kundi alagaan at bantayan siya. Yaya ka ng anak ko at iyon lang ang trabaho na gampanan mo. "

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon