Chapter 28

776 16 2
                                    

"A-ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?! "

Sigaw niya sabay tayo makaraan ang ilang minuto na pagkatulala sa gulat.

"Saan ang bahay niya?"

"Sa amin rin- Sir, sandali! " habol na sigaw ni Nenita nang malalaki ang hakbang na umalis si Enrico. "Wala na siya doon, " dugtong niya nang tuluyang makalabas ng bahay ang lalaki.

Nagmadali siyang umalis at hindi na pinatapos ang salita ni Nenita. Para siyang nakalipad sa ulap sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Hindi na siya makapaghintay na makita si Nadia. Ngayon, may dahilan na siya para pabalikin si Nadia sa buhay niya.

Nakapunta na siya sa bahay nila Nenita, kaya lang may kalakihan ang Barangay Malasila at hindi niya pala naitanong kay Nenita kung saan banda ang bahay ni Nadia. Kaya bawat may tao siyang nakakasalubong sa daan nagtatanong siya kung saan ang bahay ni Nadia.

"Pasensiya na ho, sir, wala kaming kilala na Nadia. "

Ilang tao na ang napagtanungan niya ngunit pareho lang ang mga sagot nito. Dumidilim na rin ngunit hindi parin siya pinaghihinaan ng loob at nagbabakasakali parin na makatungtong siya sa bahay ni Nadia. Na matatagpuan niya rin ang babae.

Puno ng excitement ang kanyang puso sa isiping makikita niya rin sa wakas si Nadia pagkatapos ng ilang buwan na hindi niya nasilayan ang dalaga.

"Iyang may maliit na tindahan na nakasarado, iyan ang bahay ni Nadia. Pero parang wala na yatang nakatira riyan. Tingnan mo nalang doon nang masiguro mo. "

Gusto niyang sumigaw sa tuwa nang sa wakas may nakaalam rin kung nasaan ang bahay ni Nadia. Ngunit hindi niya nadatnan si Nadia sa bahay nito. Nakakandado ang pinto at walang kahit isang ilaw na nakabukas. Maraming tuyo na dahon sa bakuran at mataas na ang mga damo.

Buntong hininga na umupo si Enrico sa kahoy na upuan na naka konekta sa maliit na tindahan ni Nadia. Gayong wala rito ang Nadia, saan niya ito hahanapin? Wala ring halos na nakakilala sa kanya rito, wala siyang mapagtanungan.

Ilang oras siyang nanatili roon bago naisipang umuwi. Ang daming tumatakbo sa isip niya ngunit ang bukod-tanging tanong niya, bakit hindi iyon sinabi ni Nadia sa kanya. Bakit inilihim ng dalaga ang pagbubuntis niya at bakit ito lumayo at nagtago sa kanya.

Malalim ang iniisip na sumisimsim ng wine si Enrico. Hindi siya makatulog sa kakaisip kung nasaan si Nadia. Kung saan niya ito hahanapin at kung makita niya pa ba ang babae.

"Ano ang ginagawa mo rito? Malalim na ang gabi. "

Nilingon niya ang Ama. Galing ito sa garden dahil may bitbit pa itong isang kumpol ng rosas.

Inilapag ni Enrico ang wine glass sa mesa na gawa sa semento at naupo roon sa kaharap na upuan. Tumingala siya sa payapang kalangitan at pinagmasdan ang mga bituin.

"May problema ka ba? Gusto mo ba ng kausap? " dugtong ni Don Emmanuel at nilapitan ang anak.

"I'm sorry, dad..."

Umupo si Don Emmanuel sa tabi niya at nakakunot ang noo na tinitingnan siya. Nagtataka kung bakit humihingi nh tawad ang bunsong anak. Palagay niya may malalim itong pinagdaanan dahil nakikita niya sa mga mata ng anak ang lumbay doon.

"I'm sorry, I failed... I'm a failure. I'm a useless. I am worthless. I'm sorry, dad...I failed you as your son," puno ng disappointment na mahinang usal ni Enrico.

Umawang ang labi ni Don Emmanuel at hilam ang mga mata sa binitawang salita ng anak.

"Gusto ko lang naman ipakita sayo at iparamdam sayo ang worth ko. Ipakita ang mga sakripisyo ko. Ang mga paghihirap ko... Pero hindi parin sapat," napayuko ng ulo si Enrico nang pumatak ang butil ng kanyang luha. "Hanggang ngayon wala parin akong napapatunayan sayo. All my life isa lang ang gusto ko, ang maging katulad nila kuya na may maipatunayan sayo. Na kahit ganito ako proud ka parin sa akin sa mga nakamit at narating ko. Sa mga magandang nagawa ko," hindi siya makatingin ng diretso sa Ama nang mag angat ito ng ulo. "Pero paano ko magawa na maging proud ka sa akin kung purt failure ako?"

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon