Hindi napigilan ni Nadia na ipagkumpara ang dalawang magkapatid na Montefalco. Habang sakay sa tricycle at hanggang makarating siya sa bahay iyon ang iniisip niya.
Parehong gwapo ang magkapatid. Maganda ang pangangatawan. Tipikal na magugustuhan ng kababaihan. Ngunit kanina habang nakatitig siya sa mukha ni Enrico, napasabi siyang mas angat si Enrico sa kanyang kuya sa panlabas nitong anyo. Gwapo, matangos ang ilong, mga matang nakaka-akit, matangkad at makisig ang katawan.
Ang lakas ng karisma. Iyong tipo na mapapatulala ka kapag nasa harapan mo siya. Lalo ka kapag ito ay ngumiti, mapapanganga ka. Sino bang babae ang hindi papatol dito? Halos lahat sa kanya na. Well, maliban kay Nadia na walang interes dito.
"Gwapo nga babaero din naman. Wala rin. Hindi rin papasa sa standards ko, " himutok ni Nadia sa isipan. "Tsk. Sino ba ako para pag interesan niya? Yung puri ko kamo baka oo. "
Sa isiping isa siyang babaero, ekis na kaagad siya sa isipan ni Nadia. Nadia hates a womanizer. Dahil bumabalik sa kanyang isipan na iyon ang dahilan kung bakit lumaki siyang walang kinikilalang tatay.
Niloko ng tatay niya ang kanyang ina. Ang sabi ng kanyang ina sila ay pangalawang pamilya ng kanyang ama. Sa madaling salita, isang kabit ang nanay niya dahil sa pangangaliwa na ginawa ng kanyang tatay sa legal nitong asawa.
Sinusumpa niya ang ganoong klase ng tao. Kaya ganoon nalang ang galit at inis niya sa katauhan ni Enrico.
Pagod si Nadia ng makarating sa kanyang bahay. Inilapag niya altar ang bouquet at ang trophy na bunga ng kanyang pagkapanalo ngayong gabi. Malungkot siyang ngumiti habang hinahaplos iyon. Ilang trophy na ang naiuwi niya. Ilang panalo na ang naipalo niya pero ni isang beses walang sumalubong sa kanya upang batiin ito at kung gaano ito ka proud sa galing niya.
Labing siyam na taong gulang siya nang namatay ang kanyang ina. May isa siyang kapatid na babae ngunit lumuwas ito ng Maynila at sumama sa boyfriend nito pagkatapos ng libing ng kanilang ina. Sa loob ng labing siyam na magkasama silang tatlo, bigla ay mag-isa nalang siya.
Anim na taon na siyang mag-isa sa bahay na ito. Hindi narin umuwi pang muli ang kanyang ate. Sa telepono lang sila nag uusap at nagkakamustahan. Miss na miss na niya ito. Miss na miss na niya ang kanyang ina. Mahirap man ang kanyang pinagdaan lumalaban parin siya dahil mayroon siyang pangarap. Pangarap na makaluwas ng Maynila. Pangarap na maging isang sikat na mag aawit. At ang pangarap na makasama niyang muli ang kanyang Ate Selvia.
"Ang lahat ng ito ay alay ko sa inyo, mama, ate. Sana kasama ko pa kayo, " garalgal ang boses na usal niya nang sumibol ang kirot at lungkot sa kanyang puso. "Ang hirap mamuhay na mag isa. Kahit hanapin ko si papa, wala paring kasiguraduhan na maging parte ako ng pamilya niya. Ayoko bigyan ang sarili ko ng pag-asa na makita at makilala ko siya. Dahil baka sa huli ang patutunguhan ko rin ay ang maging mag isa sa buhay. "
Ang kanyang Ate Selvia lang ang nakakita sa kanilang ama. Hindi pa siya nag isang taong gulang ay bumalik na sa Spain ang kanilang ama at hindi na bumalik. Nagpapadala lang ito ng sulat at pera para sa sustento nila ngunit kalaunan at tumigil rin at hindi na nagparamdam.
Hanggang sa lumaki na sila. Wala silang balita rito. Nang nasa saktong edad na silang magkapatid doon inamin ng kanilang ina na may pamilya ang ama nila sa Spain. Kabit ang kanyang ina. At sila ang bunga ng kasalanan ng kanilang ama.
Doon nagsimula ang galit ni Nadia sa ama. Sa mga lalaking laruan at parausan ang tingin sa mga babae. Na pagkatapos pakinabangan ay itatapon nalang, iiwan at ituring na isang basura.
She promised to herself na hanggang kamatayan ay hindi niya babalakin na hanapin ang kanyang ama. Na ituring na niya itong patay na katulad ng kanyang ina.
BINABASA MO ANG
A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETED
RomanceYoung, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong silang na bata sa labas ng kanilang mansyon at siya ang sinasabing ama nito ayon sa sulat na nakalakip...