Chapter 45

2.7K 35 0
                                        

"Nabalitaan ko kay Nenita ang nangyari sa barangay namin. Ang sabi niya pa ikaw raw iyong bumili ng lupa ni congressman, " umalis siya mula sa pagyakap sa lalaki at hinarap ito ng maayos. "Nangangamba lalo ang ka baryo ko baka tuluyan na talaga silang mapaalis doon. "

Ginawang unan ni Enrico ang magkabilang braso. Walang   damit ang lalake kaya kitang-kita ang magandang hulma ng kanyang katawan.

"Wag mo akong akitin sa maganda mong katawan. Hindi parin ako bibigay. "

Natawa si Enrico sa reaksyon ni Nadia. Nakasimangot ang babae ngunit nasa mata nito ang natutukso sa kaharap na nakahubad.

"Binili ko iyon pero hindi ako ang may-ari... Binili ko iyon para sayo. Pagmamay-ari mo iyon. "

Nanlaki ang mata ni Nadia. Kumikibot ang kanyang bibig ngunit wala siyang mahagilap na salita.

"Isa ang bahay mo sa masali sa demolisyon. Alam ko kung gaano ka importante sayo ang bahay niyo. So I bought it. "

"P-pero sabi mo ako na ang may-ari niyon... B-bakit? "

"Kolatiral... Baka maisipan mong ayaw magpakasal sa akin—aww. Bakit mo naman hinampas ang ano ko? " nakangiwi na usal niya nang matamaan ni Nadia ang tumitigas niyang ari nang hampasin niya ito sa hita.

"Sorry, " naka peace sign na sambit ni Nadia. "Ang tindi ng kolatiral mo. Hindi ko kayang takasan, " nang uuyam na tinitigan niya ang lalake. "Patay na patay ka talaga sa akin, e, no? "

"Hindi pa rin ba halata? " malamlam ang mata na balik tanong ni Enrico sa kanya.

Nadia crossed her arm. Tila nag-iisip na nakipagsukatan ng tingin kay Enrico. "Sa nakikita ko ngayon, mukhang mahal mo pa ako kaysa sa sarili mo. "

"Yeah... I love you more than my self."

Napaingos nalang si Nadia at hindi sinagot ang lalake. Ngunit ang totoo, wala talaga siyang maisagot dahil lumulubo ang puso niya sa kilig at tuwa. Sino naman kase talaga ang normal na tao na bibili ng lupa sa malaking halaga tapos ibibigay lang iyon sa iba.

"I have a lot of properties. At lahat ng mga iyon ay saiyo rin. Kung ano ang mayroon ako ngayon ay saiyo rin iyon. Sana naintindihan mo, " ani Enrico at kinindatan si Nadia bago bumangon at bumaba ng kama.

Napatanga nalang si Nadia ng ma proseso ang lahat ng sinabi n Enrico sa kanyang isipan.

Naintindihan niya kung maraming mga properties si Enrico, mayaman siya. Kaya niyang bilhin ang mga bagay na gusto niya. Ang hindi lang talaga maintindihan ng lubos ni Nadia ay kung bakit nadadawit na naman ang sarili niya.

Binato niya ng unan si Enrico. Natatawa naman na dinampot iyon ng lalake at ibinato muli sa kama. Natutuwa siyang tingnan ang bahagyang namumula na pisngi ng babae. Ang curious nitong mga mata na nababalutan ng tuwa at inis.

Buo ang kumpiyansa ni Enrico na mapasakanya muli si Nadia kaya lahat ng bagong lupain na binili niya ay nakapangalan iyon sa  kanilang dalawa. Dahil balang araw ang anak nila ang makinabang ng lahat ng mga iyon.

Lumapit sa kanya si Enrico. Lalong humaba ang nguso ni Nadia nang kunin ni Enrico ang kanyang dalawang kamay at pinaikot iyon sa sariling bewang. Natawa si Enrico nang mahinang tampalin ni Nadia ang likod niya.

Tumingala si Nadia sa kanya. Hindi mapigilan ni Enrico na haplusin ang pisngi ng babae at pakatitigan ang mukha ng babaeng mahal niya. Ang mukha na kahit nakapikit siya ay malinaw niya iyon nakikita.

"Date tayo, " malambing sa usal niya.

Nagulat si Nadia sa biglaang sabi ni Enrico. Ngayon lang kase siya niyaya nito.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon