"May isang anak na naman ang magselos sa kanyang ama. "
Patay malisya na pagparinig ni Janice kay Enrico dahil hindi maipinta ang mukha nang binata ng salubungin ni Don Emmanuel ng yakap si Nadia samantalang siya ay hindi pinansin ng ama.
Nag ulap ang mga mata ni Nadia nang mainit siyang salubongin ng buong pamilya. Kompleto silang lahat. Pati mga magulang ni Liel ay narito ang mga ito upang makilala siya. Ang tiyahin ni Janice at si Manang Sonya. Maliban sa mga angkan ng Montefalco walang ni isa na narito at ipinagpasalamat iyon ni Nadia dahil wala pa siyang lakas ng loob para harapin ang mga ito. Hindi naman kase malabo na wala silang alam tungkol sa pinagdaaan ng pamilya dahil sa ginawa niyang panloloko dito.
Nag mistulang fiesta ang ibabaw ng mesa sa dami ng handa. Iba-ibang putahe iyon ngunit wala man lang sa mga iyon ang nagustuhan ni Nadia. Ang paging matakaw niya sa pagkain ay biglang nawala dahil sa samo't saring emosyon na kanyang nararamdam kasama ang mga taong may malaking ngiti sa labi at masaya ang mga mata.
Nilingon niya si Enrico nang ipaghila siya ng upuan ng binata. Masuyong ngiti ang iginawad ni Enrico sa kanya at inalalayan siyang maupo. Nahihiya na napayuko siya ng ulo upang itago ang namumulang mukha nang marinig niya ang nanunuksong pag ubo ni Ethan at Javier.
Matiwasay na natapos ang hapunan. Walang may ibinanggit ang pamilya tungkol sa nakaraan. Walang may nagtanong kung bakit siya umalis at nagtago. Kaswal ang lahat at masayang nagkukwentuhan. Parang noong dati lang , na yaya pa siya ni Baby Gio.
Matapos ang hapunan ipinagpaalam na siya ni Enrico sa lahat na kailangan na niyang magpahinga. Kanina niya pa sana gustong sabihin kay Enrico iyon ngunit nahihiya siya dahil nagkukwentuhan pa silang mga babae tungkol sa journey nila sa pagbubuntis.
"Kaya mo bang umakyat?" tanong ni Enrico, ang palad nito ay nakahawak sa siko at ang isa ay nakaalalay sa bewang ni Nadia.
"Umm, ayos nga ito. Magandang exercise." aniya at humakbang paakyat.
"Sigurado ka?"
"Oo nga. Hihingalin lang siguro ako pagkarating natin sa taas."
Walang nagawa si Enrico kundi ang alalayan siya ng maayos at balewala ang mga pagparinig ng dalawang kuya niya sa nasa kanilang dalawa ni Nadia ang paningin. Kanina niya pa napapansin na naiilang si Nadia sa mga panunukso nila ngunit nakalulukong ngisi lang ang iginanti ng kuya niya nang pagsabihan niya ito.
"Bukas doon na tayo sa ibaba matutulog. May guest room naman doon," wika ni Enrico ng makarating sila sa ikatlong palapag kung saan ang kwarto niya..
Natigilan si Nadia nang iangat ni Enrico ang laylayan ng kanyang damit upang ipunas iyon sa kanyang noo na may pawis. Kahit malamig ang buong kabahayaan ay pinagpawisan siya sa pag-akyat na makailang beses huminto dahil mabigat ang kanyang tiyan at nangangalay na ang balakang. Dagdag pa ang mainit na palad ni Enrico na naroon sa kanyang bewang.
"Tara na, pasok na tayo."
Nang buksan ni Enrico ang pinto ng kanyang silid dinaga ang dibdib ni Nadia . Ngayong lang nag sink in sa kanyang isip na magsasama na sila ni Enrico matulog sa isang silid at magkatabi na hihiga sa iisang kama. Ang bagay na ito ay hindi niya napaghandan ng lubos. May pag-alinlangan siyang pumasok ngunit naiisip niya, "Bakit pa ako maiilang at mahihiya, e, na buntis na niya ako? Ngayon pa ako mahiya gayong noon ginagawa na namin ang bagay na ito."
Masuyo siyang nginitian ni Enrico nang abutin nito ang kamay ni Nadia at inalalayan na mahiga sa kama. Tumagilid paharap sa kanya si Nadia kaya ang isang unan ay inilagay niya ito gilid ni ng babae upang maging suporta sa kanyang tiyan.
"Komportable ka na ba?" malambing ang boses na tanong nito.
Maliit na ngumiti si Nadia sabay tango. "Sa paa ko rin lagyan mo ng pang tanday ko. Hindi ako makatulog kapag wala iyon."
BINABASA MO ANG
A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETED
RomanceYoung, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong silang na bata sa labas ng kanilang mansyon at siya ang sinasabing ama nito ayon sa sulat na nakalakip...