Chapter 36

725 20 0
                                    

Dalawang araw na ang lumipas binabagabag parin ang inisapn ni Nadia sa huling pag-uusap nila ni Enrico. Nang araw din iyon nagpaalam sa kanya si Enrico na hindi siya makakadalaw ng ilang araw dahil pupunta ito ng Cebu. Nag iwan lang ito ng maraming groceries at nag abot ng pera kay Nadia for her personal needs.

Sa mga raw na hindi niya nakikita si Enrico naging malungkot siya. Wala siyang lakas na bumangon o gumalaw. Gusto niya lang mahiga buong maghapon-magdamag. Ngunit hindi iyon pwede. Kailangan niya rin asikasuhin ang sarili niya.

"Ineng, iyon bang lalaki na palaging pumupunta sa bahay mo ay boypren mo?" tanong ni Aling Rosa nang gumawi si Nadia sa kanyang tindahan. "Bilib rin ako sa batang iyon, mantakin mo ba naman bente-kuwatro oras iyan nagbabantay sayo. Muntik pa nga ako tumawag ng tanod dahil baka isa siyang masamang tao. Pero nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nakatanaw sa bahay mo, naku, awang-awa ako sa kanya. Talaga nga'y ikaw ay tunay niyang minamahal. Bihira lang ang lalaki na ganoon. Hay, kung ano man ang nangyari sa inyong dalawa sana magkaayos na kayo."

Tulala si Nadia na nakatingin sa kawalan nang makauwi siya. Gulong gulo ang isipan niya. Hindi niya akalain na naroon si Enrico sa labas ng kanyang bahay binabantayan siya na akala niya ay umuuwi ang lalaki sa bahay nila o kung saan man siya namamalagi rito sa Malita.

Ngayon lang sumagi sa kanyang isipan na kaya maaga pa lang ay naroon na si ENrico sa harap ng kanyang bahay ay dahil nasa malapit ang sa kanya ang binata.

"Nang kinausap ko siya, nakiusap siya sa akin na maari ba siyang dito sa bahay ko magluto ng pagkain para ibigay sayo. Kase gusto niya na kahit hindi ka niya kasama magawa niya ang bagay na iyon sayo," iyon ang huling sinabi ni Aling Rosa na tumatak sa isipan ni Nadia.

Limang araw na ang lumipas hindi parin dumadalaw si Enrico sa kanya, ibig sabihin no'n hindi pa ito nakauwi galing Cebu. Ngunit iba ang tumatakbo sa isipan ni Nadia. Na baka hindi na nga talaga babalik si Enrico. Na pinangakuan lang siya nito pagkatapos magsabi ng matamis na salita sa kanya.

Araw-araw siyang nag-aabang. Para siyang isang anak na naghihintay ng isang ina na siya ay babalikan. Kapag may dadaan na sasakyan tinitingnan niya ito at baka si Enrico na iyon. Ngunit pinapaasa niya lang ang sarili dahil umabot na nang isang linggo wala paring Enrico na bumalik.

Nagising siya sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog nang tumunog ang kanyang cellphone. Nagtataka siya kung sino ang tumatawag sa kanya. Landline iyon. Wala naman siyang inaasahan na tawag dahil maliban kay Nenita wala naman siyang ibang tao na pinagbigyan ng kanyang numero. Ngayon niya lang din ulit binuksan ang cellphone niya makaraan ang ilang buwan dahil natagpuan na siya ni Enrico.

"Hello, Nadia? Ikaw ba ito? Oh my god, si Liel ito, girl." bahagya niyang inilayo ang cellphone sa tainga dahil sa tinis ng boses ng babae. "Kamusta ka na? Pasensya ka na, ha, gustuhin ko man na puntahan ka diyan hindi ko magawa. I have a twins, girl. Dagdag pa ang tatay nila na sakit sa ulo."

Napangiti siya habang nagkukwento si Liel sa kabilang linya. Akala niya magalit sa kanya ang babae. Awayin siya nito at pagsalitaan ng masama dahil sa ginawa nitong kasalanan noon.

"We missed you, Nadia. Sana umuwi ka na rito," may himig na lungkot sa boses ni Liel. "By the way, nagkikita ba kayo ni Enrico? Kung hindi mo masamain ang tanong ko, he he."

"Ayaw ko siyang makita," tungon ni Nadia. "Galit ako sa kanya."

"Aww, poor him," hagikhik na usal ni Liel. "Ethan Jake, sabihin mo sa kapatid mo na ayaw siyang makita ni Nadia at galit pa," dinig niyang sigaw ni Liel sa kabilang linya.

"Ayoko, hindi na baleng sa labas ng kwarto ako matulog baka mapatay ako no'n, payag ka?" sagot dito ni Ethan kasunod ang halaklak ni Liel.

"We're excited to see you soon, Nad. Mag ingat ka diyan. You can call me anytime kapag gusto mo ng kausap."

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon