Tulala si Enrico na nakatingin sa bukas na cabinet sa loob ng kwarto ni Nadia. Hindi siya natulog. Dilat ang kanyang mata na hinintay ang umaga para muling tingnan si Nadia sa kanyang silid. Nawala ang pangamba sa kanyang puso nang hindi na naka lock ang pinto. Ngunit nang makita niya ang bukas na cabinet at wala na roon ang ibang gamit ng babae, nanghina siya at napatanong nalang ng, 'bakit? '.
Alam niya na kasalanan niya kung bakit umalis si Nadia dahil pinalayas niya ito, pinagsalitaan ng hindi maganda at binantaan pa ang buhay niya. Pero kung nagpaalam sa kanya ang dalaga, siguro magbabago ang desisyon niya na wag nalang umalis si Nadia.
Nadala siya sa kanyang galit. Hindi niya na control ang sarili at iyon ang pinagsisisihan niya. Sa lahat ng maari niyang saktan, isang babae pa. At ang babae na iyon ay espesyal sa kanya.
Huminga siya ng malalim at pinahid ang luha na lumandas sa kanyang mata. Kung pwede niya lang ibalik ang oras, hinding-hindi niya sasaktan si Nadia. Hinding-hindi niya ito pagbuhatan ng kamay at mas lalong hindi ito makarinig ng masakit at masamang salita galing sa kanya.
Pero tapos na. Nangyari na ang hindi dapat mangyari. Hindi niya lang sinaktan ng pisikal si Nadia dahil pati saloobin ng dalaga napuntirya niya. At hindi niya alam kung mapapatawad pa siya ng dalaga sa oras na humingi siya ng tawad sa kanyang ginawa.
Inayos niya ang damitan ni Nadia bago niya iyon sinara at lumabas ng silid.
"Nandito ka lang pala, " nagulat na wika ni Nenita. "Pina utos sa akin ng tatay mo na pumunta ka sa opisina niya. Nandoon raw ang tatay ni Baby Gio. "
Ginulo niya ang buhok ni Nenita nang makita na naiiyak ang babae. Sabay silang dalawa na bumalik sa opisina ni Don Emmanuel.
Nanikip ang kanyang dibdib nang makita na hawak ni Peter si Baby Gio. Masaya ang lalaki habang nakatingin sa bata. Iyong saya na naramdaman niya noon na hawak niya rin si Baby Gio unang gabi palang ng bata sa buhay niya.
Nabaling ang tingin ni Peter sa kanya, siya ring pag iwas niya dahil naluluha siya habang nakatingin sa bata na hawak na ng iba na minsan ay ipinagdamot niya.
"Alam ko mahirap ito sa inyo, pero babawiin ko na ang anak ko ngayon, " panimula ni Peter. "Iibahin ko rin ang nakasulat sa kanyang birth certificate. Ibig sabihin, pati apelyido niya tatanggalin ko. "
"P-pwede bang makiusap? " hilam ang mata na usal ni Enrico. "Can you please... don't change his name? Kahit iyon lang? "
Tumango ai Peter. "Sige, pagbigyan ko ang gusto mo since naging Ama ka rin ng anak ko. "
"And... Pwede mo parin ba kaming bigyan ng karapatan sa kanya? "
"Hindi ako madamot na tao para hindi iyon ibigay sa inyo. Malaki ang pagkakamali ko kaya siya napunta sa inyo at ipinagpasalamat ko iyon ng lubos. May karapatan parin kayo sa kanya na dalawin siya, makita siya, makasama, pero sa ngayon gusto ko muna bumawi sa anak ko. "
"I.. I understand," mariing napalunok na sagot ni Enrico sa pagpigil ng kanyang emosyon. "Can I hold him, sa huling pagkakataon? "
Tumayo si Peter at inabot si Baby Gio sa kanya. Nag ulap ang mga mata ni Enrico na niyakap si Baby Gio. Yakap ng isang Ama na nasasaktan dahil kaunting oras nalang mawalay na sa kanya ang anak. Yakap na puno ng pagmamahal na babaunin ng kanyang itinuring na anak.
"Kailangan na naming umalis, " wika ni Peter makaraan ang sampong minuto. "Naghihintay na sa amin ang asawa ko. Huwag kayong mag-alala dahil alam ng asawa ko ang tungkol sa kanya at siya ang nagtulak sa akin para bawiin ang anak klo. Mamahalin at aalagaan namin siya ng asawa ko kung paano niyo rin siya minahal at inaruga."
Emosyonal sina Ethan at Javier na nagpaalam kay Baby Gio. Si Don Emmanuel hindi napigilan ang pagtulo ng kanyang luha habang nagpapaalam dito.
"Mahal na mahal kita. At mamahalin pa ng lubos kahit naroon ka na sa totoo mong tatay. Huwag kang mag-alala, dahil dadalawin kita roon. At sa pagdalaw ko sayo, pangako, kasama ko ang Tita Nadia mo, " bulong niya sa tainga ni Baby Gio at nag uunahan ang mga luha na dumadaloy sa kanyang pisngi.
BINABASA MO ANG
A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETED
RomansaYoung, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong silang na bata sa labas ng kanilang mansyon at siya ang sinasabing ama nito ayon sa sulat na nakalakip...