Chapter 35

922 20 0
                                    

"Thank you for letting me to experience this, Nad. "

Tango lang ang sagot ni Nadia at na unang naglakad. Nang makita ang masayang kislap ng mga mata ni Enrico may mainit na humaplos sa puso ni Nadia. Iyong saya na kakaiba. Saya sa mga mata ni Enrico na ngayon lang nakita ni Nadia.

"Akin na ang bag mo, ako na magdadala, " saad ni Enrico nang maabutan niya si Nadia.

"Hindi na. Hindi 'to mabigat. "

Kusa iyon kinuha ni Enrico sa kanyang balikat. "Yung sa kanya nga mas maliit pa sa bag mo ang dala pero kasama niya yung nagbitbit, " aniya tukoy sa babaeng buntis na nasa kanilang harapan.

Masama ang tingin na binalingan siya ni Nadia. "Tumahimik ka, " pagbabanta nito.

"Sige, subukan ko. Hindi ako sanay na tahimik lang kahit saglit. "

'Mali talaga na nag-suggest akong sumama siya, "himutok ni Nadia sa isipan.

Nakukulitan siya sa ingay ni Enrico. Hindi naman ito ganoon dati ka daldal noong magkasama sila sa mansyon nila. Ngayon panay ang putak ng kanyang bibig at ang ingay pa.

"From day 1 dito ka na nagpa-check up?" Maya-maya ay tanong ni Enrico.

"Umm, noong mag three months-"

"Bakit noong three months? Diba dapat magpa check up kaagad kapag nalaman mong buntis ka? "

Malalim na napabuga ng hangin si Nadia. Naubusan na siya ng pasensiya kay Enrico. Ewan ba niya at iritang-irita siya kapag nagsasalita o kaya kay nang uusisa si Enrico sa kanya.

"Doon ko lang naisipan, " tipid na sagot ni Nadia at naglakad muli.

Ngunit ang totoo takot taalaga siyang lumabas noon sa pag-aakalang nasa paligid lang si Enrico at minamanmanan siya. Gusto niyang sabihin kay Enrico ang mga pinagdaanan niya ngunit hindi pa siya handa sa ngayon. Tinitimbang niya rin ang maaring maramdaman ni Enrico. Dahil kahit anong tanggi niya hindi niya parin maikaila na mas mahalaga ang nararamdaman ni Enrico kaysa ang nararamdaman niya.

"Dito ka rin ba manganganak?" tanong na naman ni Enrico nang maka upo silang dalawa.

Pagtango lang ang sagot ni Nadia. Maraming buntis ngayon at siya ang panghuli sa pila. Sandali palang siyang nakaupo ngunit ramdam na niya ang pagkabagot.

Napansin iyon ni Enrico. Kanina rin niyang napapansin na walang sa mood si Nadia. Na ayaw nito sa tuwing kinakausap siya. Masakit iyon sa kanya ngunit hindi niya pinapahalata sa babae. Pinapakita niya rito na wala siyang pakialam kung magalit o mainis si Nadia sa kanya.

Gulat na nilingon siya ni Nadia nang lagyan ni Enrico ng earpods ang kanyang tainga. Tipid na nginitian siya ni Enrico at ibinaling ng binata sa iba ang tingin.

Ngunit nang matuon ang paningin niya sa mga buntis na kasama nito ang kanilang asawa, parehong masaya, may matamis na ngiti sa labi habang hinahaplos ng lalaki ang tiyan ng kanyang asawa. Hindi maiwasan ni Enrico na humiling na sana ganoon rin siya ngayon kay Nadia.

Inalis niya ang tingin roon at mapait na ngumiti. Kase sa sitwasyon niya ngayon hindi mangyayari ang hiling niya. Nagpapasalamat siya at binigyan siya ni Nadia ng pagkakaton na samahan ito ngayon. Ayaw na niyang humiling pa baka masubrahan si Nadia at pagbawalan pa siya.

Kahit malakas ang tugtug wala roon ang atensiyon ni Nadia kundi nasa kay Enrico na nasa kanyang tabi. Gusto niyang abutin ang magkasiklop na kamay ng lalaki at ilagay iyon sa kanyang tiyan nang makita niya sa mukha ng lalaki ang inggit habang naroon ang tingin sa kanyang harapan sa mag-asawa.

Ngunit mataas ang pride niya. Pinanindigan niya na ipagkait ang lahat kay Enrico bilang kabayaran sa lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan niya. Muntik na siyang makunan noon sa labis na stress at pag-iisip ng negatibong bagay dahil sa pagbabanta ni Enrico. Kaya kahit ano pang matatamis na salita at paawa ang pinapakita ni Enrico sa kanya hindi parin iyon mananaig.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon