Napaayos ng pag upo si Don Emmanuel sa sinabi ng anak. Lalo siyang nagtaka at naguluhan dahil hindi naman kusang lumalapit sa kanya si Enrico kapag ito ay may kailangan. Madalas ang mga kuya niya ang nagsusumbong sa kanilang Ama na siya ay may problema at kailangan nito ng kausap at doon lang mangingialam si Don Emmanuel.
Kilala niya ang anak. Hangga't kaya nitong hanapan ng paraan at sulosyonan ang problema hindi ito lalapit kahit pa sa kanyang pamilya. Kaya ganito nalang ang nararamdaman ni Don Emmanuel ngayon habang kaharap ang anak at humihingi ng tulong sa kanya.
"Maupo ka muna, " aniya kay Enrico. Umupo si Enrico sa bakanteng upuan na nasa harapan niya. "Ano ba iyang problema mo? Bakit kailangan mo ang opinyon ko? "
"Dahil sa bilis ng pangyayari na dumating ang anak ko ng biglaan sa bahay, hindi ko naisip na hindi ko pa pala siya nabigyan ng pangalan, " napahaplos siya sa kanyang batok na para bang kay bigat ng problema niya. "Ni hindi ko naiparehistro ang birth certificate niya. "
"And then? "
Mariing napalunok si Enrico at alanganin na tumingin sa kanyang ama. "Hindi ko kasi alam kung ano ang proseso na gagawin. Kaya ako narito para humingi ng tulong sayo para maiparehistro ang birth certificate ng anak ko. Gusto ko rin sana na pabinyagan siya."
Emosyonal si Don Emmanuel habang nakikinig sa kay Enrico na nagsasalita. Ngayon lang kasi sila ulit nag usap ng ganito na walang pagtatalo, walang pangaral at walang pamimilit. Ito rin ang unang pagkakataon na naging open sa kanya ulit ang anak simula nang mawala ang kanyang asawa na si Debbie. Napansin rin ni Don Emmanuel na parang malayo na ang loob sa kanya ni Enrico kahit minsan nagkukulit ito. Iyon bang parang may limitasyon na. Hindi kagaya noon na buhay pa ang kanyang asawa.
"Ano ang maging pangalan ng anak mo? " tanong ni Don Emmanuel.
"I name him Giovanni. Is it okay? "
Nakangiti na tumango si Don Emmanuel. "Beautiful name."
Nakahinga ng maluwag si Enrico nang maging pabor sa kanyang Ama ang maging pangalan ng anak.
"Ipaasikaso mo na lang iyan sa assistant natin o gusto mong ikaw na ang mag asikaso? " dugtong ni Don Emmanuel.
"Ako na, dad. Gusto ko rin maranasan. Magpapasama nalang siguro ako, " tugon nito.
"Okay, that's good. Isabay nalang natin ang binyag niya sa fiesta sa Sagada. May isang linggo pa para paghandaan iyan. At mag hire ka na lang ng tao para mag asikaso para mapadali. "
Sumang-ayon siya sa sinabi ng kanyang Ama. Sa ganoong mga okasyon talagang wala siyang alam. At kapag siya ang mag aasikaso malamang baka hindi maging maganda ang kahinatnan.
Pagkatapos nilang mag usap ng kanyang Ama umalis rin siya kaagad at dumiretso sa munisipyo. Dahil malaki ang impluwensiya ng kanyang pamilya, kilala na siya ng mga tao doon. Hindi siya nahirapan dahil mayroong nagkusa na i-assist siya. Doon lang siya nahirapan nang mag fill up na siya dahil wala naman siyang alam kung saan ipinanganak ang anak niya. Anong buwan ito iniluwal at anong petsa. Mabuti nalang talaga at well-known ang kanyang pamilya at pati siya, napadali ang pag proseso niya at nagawan ng paraan.
Halos apat na oras siyang nandoon sa munisipyo habang pina process ang birth certificate ng kanyang anak. Pagod at gutom siya pagkatapos. Doon niya lang naalala na hindi pala siya nakapagtanghalian.
Ngunit kahit ganon, masaya siya. Ibang level ng saya ang kanyang naramdaman habang nakatitig sa birth certificate ng kanyang anak na hawak niya.
"Ito ang patunay na may anak nga talaga ako, " emosyonal na usal niya. "Na akala ko ay bangungot lang pero totoo. "
Dumiretso muna siya sa Thumbayan para dalawin ang kaibigan bago umuwi sa kanilang mansyon. Sa bukana palang siya ng bar sinalubong kaagad siya ng dalawang babae. Tumaas ang dalawang kamay niya tanda na ayaw niyang makipag momol.
"Oh, that's new. Why, what happened, Enrico? " pasinghap na wika ng babae sabay haplos sa kanyang dibdib.
"I'm taken... "
Parang sinabugan ng bomba ang dalawang babae sa gulat sa sinabi ni Enrico. Bago pa sila makabawi sa gulat iniwan na sila ni Enrico at tumuloy sa ikalawang palapag. Humalumbaba siya sa railings habang nakatanaw sa mga tao sa ibaba na nagsisiyahan.
Noong wala pa si Baby Gio, walang araw na hindi siya naka tambay dito. Walang araw na hindi umiinom at may babae na kalampungan. Pero ngayon, bigla niyang naramdaman na nakakasawa pala ang ganoong gawain. Na sana sa ibang bagay niya inilaan ang mga oras na sinayang niya noon. Ngayon niya lang naramdaman ang pagsisisi dahil nangangapa siya sa bagong buhay na mayroon siya ngayon.
Makaraan ang ilang minuto na pagsisinti umalis na rin siya. Nagtext lang siya sa kaibigan na dumaan siya saglit at humingi ng pasensya na hindi man lang siya nagpakita dito.
Naintindihan siya si Ervin. Dahil bukod sa kanyang pamilya isa si Ervin sa mga taong kilala ang tunay na siya. Hindi man nagsasabi sa kanya si Enrico ngunit sa mga galaw nito at paiba-iba ang mood, alam niya na may problema ang kaibigan. At lagi siyang nariyan, gumagabay at umaalalay sa kaibigan.
Nasasabik na bumaba si Enrico sa kanyang sasakyan pagkadating niya sa mansyon. Bagay na ngayon niya lang ulit naramdaman pagkalipas ng ilang taon simula nang nawala ang kanyang Ina.
Noon, halos isumpa niya sa sarili na hindi na siya uuwi rito kaya nasa Thumbayan siya inuumaga. Pero ngayon, halos takbuhin niya ang pinto ng bahay at nasasabik nang makapasok.
When he saw his son, kusang siyang napangiti sa ligaya na naramdaman. Mahimbing na natutulog si Baby Gio sa kanyang crib. Siguro dahil sanggol palang kaya panay ang tulog niya. Sa isip ni Enrico. Nabaling ang kanyang tingin kay Nadia na mahimbing rin na natutulog sa sofa. Patagilid itong nakahiga paharap sa crib at ang isang kamay nito nakahawak doon.
Dahil tulog pa ang kanyang anak, umupo siya sa katapat na sofa. Nakatitig lang siya sa kanyang anak na mahimbing na natutulog habang naglalakbay ang kanyang isipan. Hanggang sa hindi niya namalayan na naka idlip na pala siya at nakalimutan niyang hindi pa pala siya nakakain.
"Anak ng tupa! Hoy, bakit dito ka natutulog? Umakyat ka doon sa kwarto mo. "
Naalimpungatan si Nadia ng marinig ang boses ni Nenita. Unti-unti niyang minulat ang mga mata. Akala niya siya ang pinagsasabihan nito pero hindi pala. It was Enrico.
Pasandal na naka upo si Enrico. Nakapatong ang isang braso sa kanyang noo at nakapikit ang mata. Napakurap ng ilang beses si Nadia at bumangon. 'Kailan pa siya dumating? ' tanong ni Nadia sa sarili. Inayos niya ang kanyang mukha at pinahiran ang gilid ng labi baka may bakas ng laway doon.
'Nakakahiya. Nadatnan pa ako ni Enrico na mahimbing na natutulog. Baka isipin niya patulog-tulog lang ako rito, 'himutok ni Nadia sa sarili.
"Hay naku talaga ito gisingin tulog mantika, " wika ni Nenita at muling ginising si Enrico.
Nakatingin lang sa kanila si Nadia. Biglang nagsalubong ang kilay nito sa trato ni Nenita sa amo. Para kasing may iba.
"Hindi ako tulog. Nagpapahinga lang ako, " wika ni Enrico na nakapikit parin ang mata nito.
"Bakit ang tagal mong sumagot kung ganun naman pala, " sagot ni Nenita at tinalikuran siya.
Kumabog ng malakas ang puso ni Nadia nang pagmulat ni Enrico nagtagpo ang kanilang mga mata. Ang mapupungay na mata ng binata na may kung anong enerhiya na humihigop sa kanya para siya ay mapatulala.
Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng tibok ng kanyang dibdib. Kung bakit siya ay kinakabahan at kung bakit parang may kung ano sa loob ng kanyang katawan na hindi niya mapangalanan.
Nalilito siya, nagtataka dahil ngayon niya lang ito naramdaman sa tuwing kaharap niya ang binatang amo.
BINABASA MO ANG
A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETED
RomanceYoung, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong silang na bata sa labas ng kanilang mansyon at siya ang sinasabing ama nito ayon sa sulat na nakalakip...