Kanina pa gising si Enrico but his eyes were half open. Nakatitig siya kay Nadia. He was fantasizing her beautiful and innocent face. Ngunit may nangistorbo sa kanya. Si Nenita.
Si Nadia ang unang umiwas ng tingin. Para siyang mapapaso sa klase ng titig ni Enrico sa kanya. Naiilang rin siya kasi iba ang kanyang naiisip. Na baka pinagnanasaan na siya ni Enrico sa kanyang isipan.
Napansin ni Enrico na naiilang ang dalaga kaya umakto ito ng normal nang sa ganun mawala ang pagkailang sa kanya ni Nadia. Hindi niya tinapunan ng tingin ang dalaga nang tumayo siya at nagtungo sa kusina upang kumain nang humilab ang kanyang sikmura. Sakto at nakaluto na si Nenita kaya nauna na siyang kumain. Inaantok rin kasi siya at pagod sa buong maghapon sa munisipyo.
Napanguso na sinundan ng tingin ni Nadia si Enrico na paakyat sa hagdan. Galing ito sa kusina. Ni hindi man lang siya nito kinausap o nilapitan ang anak bago pumanhik sa itaas. 'Baka pagod lang. 'Sa isip niya at muling itinuon ang atensyon sa batang kumakawag.
Nang dumating si Don Emmanuel ito muna ang nag alaga sa apo. Kahit matanda na pagdating sa kanyang apo ay lumalakas siya. Para itong hindi nakaramdam ng pangangalay sa kamay habang buhat niya ang bata.
"Hindi man lang ito naranasan ni Debbie, " may ngiti sa labi na wika niya ngunit naroon sa mga mata nito ang lungkot at paghihinayang. "Kung bakit kasi ang aga niyang nawala. Hindi niya man lang hinintay na magkaroon siya ng apo, " natatawa niyang dugtong habang kay Baby Gio ang kanyang tingin.
Tahimik lang si Nadia sa isang tabi habang nakamasid kay Don Emmanuel. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin. Dahil gaya niya, maaga ring nawala ang kanyang Ina at hindi rin nito nasilayan ang kanyang apo.
Ngunit kung buhay pa ang kanyang Ina at nangyari parin ito sa Ate Silvia niya, siguro wala ngayon si Baby Gio sa poder nila. Siguro hindi siya makapasok sa mansyon ng mga Montefalco at hindi maging parte ng buhay nila pansamantala. Siguro isa lang siyang agiw na nangangarap parin na makatungtong dito. Isang ordinaryong tao na nangangarap na makita ang tatlong magkakapatid na Montefalco.
"Maghapunan ka na, hija. Sumabay ka na sa kanila ni Nenita, " wika sa kanya ni Don Emmanuel.
"Sige ho, " tugon niya at pumanhik sa kusina.
May mga edad na ang mga kasambahay at tanging sila lang ni Nenita ang dalaga. Hindi naman mga masungit, hindi nga lang sila gaanong palasalita katulad ni Nenita na walang preno ang bunganga.
Nang matapos siyang kumain kinuha niya si Baby Gio nang sa ganun makapaghapunan ang Don.
"Iwan mo nalang iyan dito. Si Nenita na ang bahala nito, " tukoy niya sa mga gamit ni Baby Gio. "Umakyat na kayo at mukhang inaantok na itong apo ko. "
'Apo ko. ' Ulit ni Nadia sa kanyang isipan. Masaya na malungkot na nasasaktan. Iyan ang kanyang nararamdaman sa tuwing marinig niya kung paano angkinin ng buo ng pamilyang ito ang kanyang pamangkin. Kahit anong pilit niyang iwasan na huwag makaramdam ng ganoon hindi niya parin mapigilan.
Piniling niya ang kanyang ulo upang mawaksi iyon sa kanyang isipan. Pero ano ba ang ikinababahala niya gayong wala namang ibang nakakaalam sa kanyang ginawa bukod sa sarili niya.
Mahimbing na natutulog si Enrico ang kanyang nadatnan pagkapasok niya. Dahan-dahan ang kanyang bawat galaw upang hindi makalikha ng ingay nang sa ganun hindi ito magising. Pinunasan niya muna si Baby Gio at binihisan ng pantulog na damit bago ito pinatulog. Antok na nga ang bata dahil kusang pumikit ang mata nito nang makadede.
Hindi napigilan ni Nadia ang sarili na titigan ang natutulog na si Enrico habang naghuhugas siya ng mga bote na pinaggamitan ni Baby Gio. Nakadapa na natutulog si Enrico. Walang damit pang itaas kaya kitang-kita ni Nadia ang makinis at magandang porma ng likod nito.
BINABASA MO ANG
A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETED
Roman d'amourYoung, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong silang na bata sa labas ng kanilang mansyon at siya ang sinasabing ama nito ayon sa sulat na nakalakip...