Chapter 23

1.8K 29 5
                                        

"Ang aga mo naman uminom. Masakit pa ang sikat ng araw, o. " wika ni Ervin nang iabot niya kay Enrico ang alak na ipina utos niya.

Alas-tres palang ng hapon pero bote na ng alak ang kanyang hawak.
Nasa rooftop siya ng building, nakatanaw sa malawak na lupain na  may bakas ng sunog.

Mahinang napabuntong hininga si Ervin. "Kahit pilitin kita na magsalita kung ano ang problema mo hindi mo parin iyon gagawin. Kaya iwan na muna kita rito. Kapag kailangan mo ng kausap o kasama, nasa ibaba lang ako." Tinapik niya ito sa balikat bago umalis.

Gusto niya munang mapag-isa ngayon. Iyong tahimik. Walang ibang iniisip habang nilalanghap ang sariwa at malamig na hangin. Ngunit ang gusto niya ay hindi umayon nang bumalik si Ervin at ibalita dito na umamin na ang mga taong nagsunog ng palayan niya.

"Kilala mo naman iyong Pascual, di'ba? Iyong nakabili ng lupa diyan sa harap. Iyong taong nakatikim lang ng kaunting yaman tingin niya isa na siyang hari na maghari-harian sa barangay niya. Iyon ang nag utos sa mga kawawang tao na iyon na sunugin ang palayan mo. "

Sumimsim si Enrico ng alak sa baso na hawak. "Magkano naman ang ibinayad niya sa mga tao na iyon? "

"Dalawang libo bawat isa. Inutang niya pa raw iyon sa Bombay. Iyon ang sabi ng mga tauhan niya, e. "

Hindi niya alam kung nagsasabi ba ng totoo si Ervin dahil medyo lasing na ito. Sinasabayan niya lang ito dahil hindi naman titigil sa pagsalita ang kaibigan.

"Akala niya ikabagsak mo ang pagsunog na ginawa niya, " tumawa ito. "Siya lang rin ang namulubi. Nagkaroon pa ng utang doon sa malaki ang interes. Wag kang mag-alala. Naipa-blater ko na siya. Hindi magtatagal, maghimas rehas na iyon. "

Wala naman siyang pakialam kung sino ang tao na iyon. Ang sa kanya lang, mabigyan ng hustisya ang nangyari sa mga tauhan niyang napinsala. Maliit na bagay lang iyong pagsunog na nangyari para tanggalan niya ng padre de pamilya ang isang pamilya.

Siguro panahon na para makipag-ugnayan siya sa mga tao na iyon upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

Nang magdilim na, nagpasya na siyang umuwi. Lasing siya ngunit kaya pa niyang ipagmaneho ang sarili pauwi. Iyon nga lang mabagal ang pagpapatakbo niya.

Kanina pa nagugutom si Nadia pero hindi siya bumaba. Hindi rin siya pinatawag ni Don Emmanuel sa kasambahay na pababain siya.

"Siguro hindi pa nakahanda ang hapunan, " sambit niya at hinimas ang kanyang sikmura. Naduduwal rin siya at nahihilo. "Ganito yata ang epekto ng isang taong gutom na gutom, " sambit niya at nagtungo sa banyo para dumuwal.

Mabuti nalang talaga ang behave si Baby Gio. Panay lang ang kanyang tulog. Nang matapos sa pagduduwal, nanghihina na humiga siya sa kama. At hindi niya namalayan na nakatulog na siya ulit.

Paggising niya, alas-otso na ng gabi.  Napabalikwas siya ng pagmulat niya ng mata wala si Baby Gio sa kanyang tabi. Mabilis siyang bumangon at nagmadali na lumabas.

Naabutan niya si Enrico. Tatawagin niya sana ito ngunit naisara na nito ang pinto ng kanyang kwarto. Naitikom ni Nadia ang kanyang bibig, natigilan, nakaharap sa nakasaradong pinto ng kwarto ni Enrico.

"Gising ka na pala, " untag ni Norma. Nilingon niya ang babae at kaswal na ngumiti dito. "Pinapasabi ni Don Emmanuel na siya na muna ang mag alaga kay Baby Gio ngayong gabi. "

Iyon lang ang sinabi nito at umalis na. Hindi man lang siya nito sinabihan at inaya na kumain ng hapunan. Matamlay na binuksan niya ang kanyang silid. Bago tuluyang pumasok, tiningnan niya muna ng ilang minuto ang nakasaradong pintuan na kwarto ni Enrico. Nagbabakasali na magbukas iyon at lalabas si Enrico.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon