Chapter 24

810 16 0
                                    

Hindi napigilan ni Enrico ang galit na naramdaman kay Nadia. Tatlong araw siyang umiwas sa dalaga. Tatlong araw niyang kinumbinsi ang sarili na walang kinalaman si Nadia sa mga pinagsasabi ni Peter. Pero ngayon, ang lahat ay  nabigyan ng katotohanan.

Hindi niya anak si Baby Gio. Subrang sakit para sa kanya dahil tinanggap at minahal niya ang bata.  Masakit dahil ang buong akala niya anak niya ito pero...

"Niloko mo'ko! How dare you to ruined me?! " muling sigaw niya kay Nadia.

Kahit nanginginig sa takot si Nadia hindi siya umiwas ng tingin. Sinalo niya ang nagbabaga na mga mata ni Enrico sa galit na anumang oras kaya niyang saktan si Nadia dahil sa ginawa nito sa kanya.

"Mag... Magpapaliwanag ako-"

Mabilis na hinawakan ni  Ethan at Javier ang  magkabilang braso ni Enrico nang sa isang iglap  dinaklot niya sa braso si Nadia.

"Enrico, stop it! " magkasabay na sambit ng kanyang kuya.

Pati si Don Emmanuel ay napatayo rin sa kanyang upuan sa pagiging marahas ng anak sa isang babae.

"Paliwanag? Ngayon ka magpapaliwanag gayong tapos na? Tanga ka ba?!"

Hindi inalintana ni Nadia ang sakit sa braso mula sa pagkahawak ni Enrico. Ang lahat ng galit, masakit na salita na binitawan ni Enrico ay tinanggap niya.

"Bitawan mo siya, Enrico. Nasasaktan siya-"

"Nasasaktan? " balik na tanong niya kay Javier. "Bakit ako, hindi ba ako nasaktan sa ginawa ng putang inang babae na ito, ha?! "

"Enrico." Nagbabanta na sambit ni Ethan nang humakbang siya palapit kay Nadia. Napaatras naman ang babae dahil hawak niya parin ito sa braso.

Malakas na tinabig ni Enrico ang kamay ng kanyang mga Kuya na nakahawak sa kanya. Napabitaw ang mga ito ngunit mabilis rin nila itong nahawakan ulit upang pigilan.

"Manloloko ka... Maninira ka ng buhay. Ganyan ka na ba ka desperada na pati ang bata dinamay mo makalapit lang sa akin?! "

"Hindi, " umiiling na sagot ni Nadia. Nanginginig parin siya. Wala ring lakas ang kanyang tuhod na anumang oras matutumba siya. Ngunit hindi niya kayang umiwas sa mga mata ni Enrico na punong-puno ng samo't saring emosyon. At nangingibabaw doon ang sakit at galit.

"Enrico, tama na. Let go of her. She's hurting, " mahinahon na wika ni Javier.

Galit rin si Javier  sa panloloko na ginawa ni Nadia. Ngunit gusto niya pa rin marinig ang paliwanag ng babae dahil kahit papaano pamilya na rin ang tingin ni Javier sa kanya.

"Let go of her. Saka na natin ito pag-usapan kapag-"

"Anong kasalanan ang ginawa ko sayo para gawin mo ito sa akin?! " mariing wika ni Enrico ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ni Nadia ang pagpiyok ng kanyang boses. "Anong kasalanan ko bakit mo ito ginawa sa akin! " sigaw ni Enrico.

Napapikit siya ng yugyugin ng malakas ni Enrico ang balikat niya. Bigla siyang nahilo.

Sa kanyang muling pagdilat, parang hiniwa ang kanyang puso nang makita ang magandang uri na mata ni Enrico  ngayon ay nabalutan na ng hinanakit, at galit. Wala na iyong malamlam niyang mga mata, ang amusement, ang kinang, sa tuwing titingnan niya noon si Nadia. Ang mga mata na tanging si Nadia lang ang nakaalam sa emosyon na bumabalot doon.

"Enrico, mag... magpapaliwanag ako, please.. " nanginginig ang boses na usal ni Nadia.

Hindi na niya kaya na makita si Enrico na subrang nasasaktan. She wanted to cry. Hindi niya kasi inaasahan na mangyari ito kaya hindi niya napaghandaan. Kampante kasi siya na hindi mabubunyag ang kanyang sikretong ginawa.

Ngunit walang sikreto na hindi nabubunyag. At ngayong araw ang oras na nakatadhana para maisiwalat ang kanyang sikreto. At tanging magagawa niya lang ay tanggapin ang maging resulta nito.

"Magpapaliwanag ako... "

"Shut up! Shut the fuck up!!!!" Galit na sigaw niya. Kahit nakikita niya na natatakot at nasasaktan si Nadia sa kanya wala siyang pakialam. Nawala ang awa niya dito dahil ang kanyang naramdaman ngayon ay puro galit at pagkamuhi sa babae.

"Enrico-"

Tinabig ni Enrico ang kamay ni Nadia nang subukan ni Nadia na abotin ang kanyang pisngi. Binigyan niya ng blangkong tingin si Nadia.

"Putangina! Ginawa mong katawa-tawa ang buhay ko. Hindi lang ako ang niloko at pinaglaruan mo kundi ang buong pamilya ko... Anong klaseng babae ka? Anong pakay mo sa pamilya ko bakit mo ito ginawa?! Anong pakay mo sa akin bakit pinaglaruan mo ang buhay ko?!"

"E-Enrico..." Nanginginig ang boses na usal ni Nadia kasabay ang pagpatak ng butil ng luha sa kanyang mga mata. Subrang sakit na ng kanyang braso. Pakiramdam niya madudurog ang buto niya roon sa higpit na pagkahawak ni Enrico.

Ramdam ni Nadia ang panginginig ng mga kamay ni Enrico. Namumula rin ang mga mata nito sa pagpigil ng kanyang iyak. Gusto niyang pakinggan ang paliwanag ni Nadia ngunit sarado ang isip niya sa mga rebelasyon na natanggap niya ngayon.

Don Emmanuel wiped his tears seeing his son how hurt it is. Sa ginagawa ni Enrico ngayon, naalala niya ang kanyang sarili noon sa pananakit na ginawa niya kay Debbie. Ganitong-ganito si Enrico. At nasasaktan siya, nagagalit sa kanyang sarili dahil sa lahat na pwedeng pagmanahin ng kanyang mga anak, ang pagiging bayolente at marahas pa ang nakuha ni Enrico sa kanya.

Ayaw magpa awat ni Enrico sa kanyang mga Kuya. Nawala na ito sa kanyang sarili at hindi nakikita na nasasaktan na ang babaeng kaharap niya.

"Enrico, let go of her, " mariin na utos ni Javier. "Mababalian mo siya-"

"Then good for her! She deserve this for what she did to me-"

Umalingawngaw ang isang putok ng baril. Saglit na nahinto ang paghinga ni Nadia nang mga sandaling ito. Pinakiramdaman niya ang sarili kung may masakit ba bukod sa kanyang braso na hawak ni Enrico. Nakahinga siya ng maluwag na walang ibang masakit sa kanya bukod doon.

Tigagal ang tatlong magkakapatid sa ginawa ng kanilang Ama. Si Enrico nanatiling nakatingin kay Nadia na namumutla sa takot ang babae. Hindi niya parin ito binibitawan.

Sa kabila ng galit na naramdaman niya, nakaramdam pa siya ng pag alala dito nang makitang nakatulala si Nadia at naka awang ang mga labi sa gulat at takot na naramdaman.

"Tumigil ka na, Enrico! Kung ayaw mong sa iyo ko iputok itong baril na hawak ko. " ma awtoridad na wika ni Don Emmanuel na dumagundong sa buong silid.

"Umalis ka sa harapan ko," doon natinag si Nadia. "At 'wag mo ng tangkain pa na magpakita kahit pa anino mo! Pinaglaruan mo ang buhay ko, Nadia." His jaw tightened. "Umalis ka sa pamamahay na'to. At kapag nakita kita kahit anino mo.... papatayin kita nang higit pa sa ginawa mong kasalanan sa akin. "

Pabalya niyang binitawan si Nadia. Dahil sa panghihina, natumba siya sa sahig. Tiningala niya ai Enrico. Walang bakas ng awa ang mukha nito. Bago siya umalis, binigyan niya pa si Nadia ng nakakamuhi na tingin na para bang hindi niya sinamba ang katawan ng babae ng ilang beses.

'Totoo nga ang sinabi ni Nenita, na daig pa ng isang bulkan na nag aalburoto ang mga Montefalco kapag sila ay galit.' Saad ni Nadia sa isipan habang luhaan na nakasunod ng tingin kay Enrico.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon