Nasa mansyon sila habang nagl-labor si Nadia. Tumawag rin si Enrico sa pinsan niya para humingi ng advice sa kalagayan ni Nadia.
"Kapag may kakaibang vaginal discharge nang lumabas sa kanya dalhin niyo na siya rito sa hospital. Sa ngayon, maglakad-lakad muna siya o mas mas maigi sa kama kayong dalawa mag-exercise."
Naroon si Janice at Liel umaalalay kay Nadia kung ano ang gagawin. Naka hawak naman si Enrico sa kanya upang doon kumuha ng lakas ang babae sa tuwing hihilab ang tiyan niya. Hinahaplos ni Enrico ang balakang ng babae at paulit-ulit na hinahalikan ang ulo ni Nadia and saying kung gaano niya ito ka mahal.
"Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain? " masuyong tanong ni Enrico.
Kahit hindi maintindihan ni Nadia kung alin masakit sa katawan niya, nagawa niya pang irapan si Enrico. "Sa tingin mo makakain ako sa lagay kong 'to? "
"I'm sorry... Kung pwede lang ipasa sa akin ang sakit at hirap na naramdaman mo para hindi ka na mahirapan ginawa ko na. "
"Ayos lang ako. Ayusin mo lang iyang pagmumukha mo dahil ako ang natataranta para sayo. "
Nang mag alas-sais ng gabi nagtungo na sila sa hospital. Sunod-sunod na ang paghilab ng tiyan ni Nadia at hirap na hirap na ang babae. Naiiyak si Enrico at parang pinipiga ang puso niya sa tuwing naririnig niya ang masakit at paghihirap na pagdaing ni Nadia.
Si Javier ang nagmaneho. Habang dumadaing si Nadia, hinahalikan ito ni Enrico sa ulo at hinahaplos ang tiyan ng babae. Ipinaparamdam niya na nariyan siya sa tabi ni Nadia sa hirap at sakit na pinagdadaanan niya ngayon.
"Dito ka lang, " pigil ni Marsha sa kanya nang nasa tapat na sila ng delivery room
"Pinsan... " nakikiusap na usal niya.
"Naintindihan ko ang nararamdaman mo, Enrico. Pero baka hindi mo kayanin sa loob. Ayaw kong may nahihimatay na tatay roon. "
Inabot ni Nadia ang kanyang palad. "Ayos lang ako, Enrico. Maging maayos kaming dalawa ni baby. "
"Nad.. "
Napabuntonghininga si Nadia at tumingala kay Marsha. "Isama mo na sa loob. Kapag nahimatay, ilibing ko na lang ng buhay. "
Nasa tabi ni Nadia si Enrico. Hawak ang kamay ng babae habang inaasikaso ito ni Marsha. He keep saying beautiful words to Nadia. Hinahalikan ang kamay at masuyo itong nginingitian.
"Ahhhh! Ahhh!"
Ang palad ni Nadia na mariing nakakapit sa kamay ni Enrico ay pinugpog ng halik iyon ng binata habang umi-ire ang babae.
"Good. Very good, Nad. I-ire mo pa, " malumanay na sabi ni Marsha.
Sinunod ni Nadia ang mga sinabi ni Janice at Liel sa tamang pag ire. Nahihirapan na siya sa subrang sakit. Pero nang makita niya si Enrico na lumuluha, na mahigpit na nakahawak sa kanyang kamay, Nadia did her best para mailabas ang kanilang anak na walang problema.
"Nandito lang ako. Kapit ka lang sa kamay ko. Kasama mo ako, " Enrico said.
"Dapat lang, " singit na sagot ni Marsha upang gumaan ang pakiramdam ni Nadia dahil napansin niyang pasigaw na ang paraan ng pag ire nito. "Magkasama kayong dalawa sa sarap habang ginagawa ang anak niyo tama lang rin na hindi mo siya iiwan. Push, Nad. " sinunod iyon ni Nadia. "Hinga ng malalim, Nad, isang ire nalang. "
"You can do it, heart. Do you can do it, " may ngiti sa labi na usal ni Enrico habang hinahalikan ang likod ng palad ni Nadia.
"Ahhhhhh! " sa ika-apat na pagkakataon, isang malakas at mahabang pag ire ang ginawa ni Nadia kasunod ang isang iyak ng sanggol.
BINABASA MO ANG
A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETED
RomanceYoung, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong silang na bata sa labas ng kanilang mansyon at siya ang sinasabing ama nito ayon sa sulat na nakalakip...