Chapter 33

753 15 0
                                    

"Ano ang nangyari sa lakad ninyo? " salubong na tanong ni Don Emmanuel kay Enrico nang umuwi ito saglit sa kanilang mansyon.

Maliit na ngumiti si Enrico sa ama. "We found her... Pero ayaw niya sa akin. Ayaw niyang sumama sa akin. "

"Then, chase her back. Ipakita mo sa kanya na mabuti ang intensyon mo. Huwag kang sumuko  lalo na kapag alam mong may pag-asa ka pa sa kanya, " pampalakas-loob ng kanyang ama. "I'm rooting for your happiness, son. "

Bago bumalik sa bahay ni Nadia nagdala siya ng kaunting damit. Balak niyang maghanap ng maupahan na bahay malapit doon. Ngunit bago iyon, nagluto muna siya ng agahan para kay Nadia. Dumaan rin siya sa farm ng kanyang kuya Javier at namitas ng mga prutas doon para iabot kay Nadia.

Buong oras nasa loob ng kanyang sasakyan si Enrico. Hindi nito inaalis kahit sandali ang paningin sa nakasaradong bahay ni Nadia. Baka malingat siya at hindi niya mabantayan ang paglabas ng babae.

Hindi niya alam kung anong oras pumapasok si Nadia sa bar na inaawitan niya. O kung papasok pa ba itong muli pagkatapos ng panghaharass na nangyari sa kanya kagabi.

Tumiim ang bagang ni Enrico nang maalala ang pangyayari na iyon. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ng kanyang mga pinsan at kuya sa lalaking panot. Hindi naman nagsabi ang mga ito sa kanya. Dahil kung siya ang masusunod, pinakulong na niya iyon, baka nga putulan pa niya ito ng mga kamay.

Nang kumalam ang kanyang sikmura, sa loob ng kanyang sasakyan rin siya kumain. Para malaya siyang makagalaw, kinuha niya ang cellphone at binuksan ang camera apps. Tinapat niya iyon sa bahay ni Nadia bago pinindot ang video button.

Para siyang detective sa kanyang sitwasyon. Pero masaya siya, naaaliw at natutuwa sa kanyang ginagawa para sa babaeng mahal niya.

Sunod-sunod siyang umiling. "Ganito pala ang isang tao kapag nagmahal. Gagawin ang lahat kahit nagmukha ng tanga alang-alang sa kanyang minamahal. Bumabalik na yata ang karma sa akin sa mga pinagsasabi ko sa mga kuya ko noong panahong baliw rin sila sa kanilang asawa ngayon. "

Napabalikwas siya sa kinaupuan nang makitang bumukas ang pintuan sa bahay ni Nadia. Lumabas roon ang babae. Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata na may ngiti sa labi nang makita niya ang umbok ng tiyan ni Nadia.

"Anak ko... "

Bumaba siya ng sasakyan ng paalis si Nadia sa bahay. Lihim niya itong sinundan kung saan man pupunta ang babae. Alas-singko na ng hapon kaya inisip ni Enrico na baka may bibilhin lang ito ngunit sa bar patungo si Nadia. Nang makapasok ang babae, sumunod rin siya. Sa dulo sa isang sulok na madilim na parte siya umupo. Gusto niya man magpakita sa babae nag-aalangan siya. Baka matakot lalo si Nadia sa kanya at baka lalo itong hindi magpakita sa kanya.

Kahit hindi maganda ang nangyari kay Nadia sa kamay ni Mr. Jiao, bumalik parin siya sa bar at mag aawit roon. Hindi siya umalis dahil nanghihinayang siya sa kikitain niya. Malapit na siyang manganak at samantalahin niya muna ang pagkakataon na kaya niya pang umawit para sa pera.

Natuto na siya sa nangyari sa kanya kagabi at hindi na niya hahayaan na mangyari pa iyon ulit.

Wala si Mr. Jiao. Hindi iyon ang ipinagtataka ni Nadia kundi itong sobre na hawak niya. Inabot iyon sa kanya ng kanang kamay ni Mr. Jiao nang makarating siya. Sahod niya raw iyon kagabi ngunit nang bilangin niya subra ang pera na iyon.

"Baka dala na ito sa ngayong araw ko na sahod, " aniya at itinago iyon sa kanyang bag.

Nang marami na ang customer umakyat na siya sa intablo at nagsimulang umawit.

Hanggang alas-siyete lang siya ngayon. Gayong malapit na ang buwan ng kanyang kapanganakan kailangan na niya mag triple ingat at alagaan ang kalusugan lalo na ang kanyang oras ng pagtulog. Wala namang problema iyon kay Mr. Jiao dahil hawak ni Nadia ang karapatan niya sa oras ng kanyang trabaho.

A Womanizers Karma(Montefalco Series #3):COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon