PROLOGUE
Nakakatanga lang 'yung mga na-iinlove sa best friend nila. Lalo na yung mga gagamit ng linyahang, "Hindi ko alam, hindi ko napigilan." Eh, pucha, diba dapat expected mo na na malaki ang chances na mafall ka sa best friend mo? Narito ang mga sumusunod na dahilan kung bakit:
Una, kayo palagi ang magkasama. Kulang na lang tumira kayo sa iisang bahay dahil hindi na kayo mapaghiwalay.
Pangalawa, alam nya lahat ng tungkol sayo. Positive, negative, secrets— as in lahat. Kulang na lang pati kulay ng panty na suot mo alam na nya. Open kayo sa lahat ng bagay. Kumbaga, pinagkakatiwalaan mo na sya ng buo. Andun na 'yung trust. Hindi katulad sa iba na ibi-build mo pa din pero may doubt.
Pangatlo, kapag may kaaway ka, yung best friend mo agad ang to the rescue. Kung maka-react mas affected pa sayo. Pag malungkot ka, he'll definitely find a way just to make you happy. Kahit na magmukha pa syang tanga mapasaya ka lang. Sobrang caring, sweet, over protective pa. Minsan naman malakas din ang trip, nagsusungit, daig pa babaeng may dalaw pag sinumpong. Madalas yung 'ideal guy' mo nakikita mo na sa kanya.
Kaya tangna talaga yung mga nahuhulog sa best friend nila. Alam nilang pwede silang ma-fall, hindi pa pinigilan sarili--- di pa umiwas. Ang predictable kaya ng ganun.
But then I realized, hindi din pala talaga ka-predict predict yun. Hindi pala sya kapigil-pigil.
Yung isang bagay na hindi ko inaasahang mangyari dahil alam ko sa sarili ko na imposible--- nangyari.
I fell inlove with my best friend.
Huli na nang mapagtanto ko, dahil hulog na hulog na ko.
I tried to find a way out, but I failed.
Dun ko din napatunayan na falling inlove with your best friend is one of the hardest thing could happen.
It hurts, big time.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
Short Story"Star light. Star bright. Will you grant my wish tonight? Star light. Star bright. Please, bring back the time. Star light. Star bright. Let me do what is right. Star...