A/N: Beastmode talaga ako. As in super mega hyper sa beastmode. Effort effort pa akong magtype tapos nung ise-save ko na biglang "Cannot update stories while offline." Pucha, eh sa pagkakaalam ko pwede naman 'yon kase draft lang naman gagawin. Hay, nako. Gigil talaga si ako! Share ko lang. Hehez. Happy reading!
••••
Kung dati, laging nanonood sakin ang mga estudyante sa tuwing nakikita nila akong naglalakad, iba ngayon. Iiwas agad sila ng tingin o kaya ay aalis palayo.
Kaylangan pala naka busangot ang mukha ko para magsilayuan sila sa takot.
Sino ba naman kasing di lulukot ang mukha kung bukod sa maga ang mga mata ko, eh ang sakit sakit pa ng ulo ko? Buti na nga lang eh andun si Ella para alalayan ako. Kung nagkataon na ako lang mag isa sa bahay, ang dami na sigurong nasirang gamit dahil sa sobrang bwisit ko.
"Ate, wag ka ngang sumimangot dyan. Umaalis mga chickababes ko, eh."
Napairap ako. Binilisan ko nalang ang lakad ko at iniwan sya. Hinigit ko din si Ella sa kamay para makasabay sya sakin.
"Ate, teka lang!" sabi nya sabay lakad ng mabilis para makahabol samin "Bat nyo naman ako iniwan?"
"Para hindi umiwas ang mga chickababes mo, lumayo ka sakin."
"Joke lang, eh." sabi nya sabay akbay sakin.
Hindi na ako umimik at dumerecho na sa room. Andun na si Ken at Tristan.
Parang nanikip ang dibdib ko nang magtama ang paningin namin.
Alanganin syang ngumiti. So, I smiled back para isipin nya na okay lang ako.
Someone squeezed my hand. Si Ella pala.
"Breathe, Kim. Breathe"
I did as I was told.
"Sana matapos agad ang last subject, gusto ko ng umuwi." sabi ni Ken habang nag uunat.
Pumunta na ko sa upuan ko at umupo. "Bunso, may lakad ka mamaya?"
"Hmm, may basketball practice kami mamaya, Ate. Paniguradong gabi na ang tapos nun, bakit?"
Oo nga pala, malapit na ang laban nila Bunso. Sya pa ang team captain kaya paniguradong bugbog sa laro mamaya.
"Wala, wala. Papasama sana ako."
"Nakakaselos naman." biglang singit ni Tristan. Napatingin tuloy ako sa kanya.
"Ako 'tong best friend mo, pero kay Kiel ka magpapasama? Ang unfair mo, Kimmy." sabi nya sabay nguso.
Ikaw nga 'tong unfair, eh. Hindi mo ko mahal gaya ng pagmamahal ko sayo.
"Mas masaya kasi akong kasama kaysa sayo." pang aasar ni Kiel.
"So sinasabi mo bang boring ako?"
Nagfake gasp naman si Kiel. "Narealize mo din?"
Pabirong sinuntok ni Tristan si Kiel sa braso.
"Hindi naman ako boring kasama, di ba?"
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
Short Story"Star light. Star bright. Will you grant my wish tonight? Star light. Star bright. Please, bring back the time. Star light. Star bright. Let me do what is right. Star...