TGHNN:

464 21 0
                                    

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko.

Isang buwan na ang lumipas matapos ang nangyari sakin sa CR. For two weeks, sinamahan ako ni Ella sa bahay, wala pa din kasi si Mommy. Hindi naman sya nagsesend ng email o kaya tawag kaya wala akong balita sa kanya.

Kaya ko naman na ako lang mag isa sa bahay. But Ella insisted. Baka kung ano daw ang gawin ko. Napatawa ako ng mapakla. Iniisip nya siguro na baka magpakamatay ako or what dahil broken ako kay Tristan. Hindi naman ako ganun.

So far, kinakaya ko namang mabuhay. Kahit sa isang bwan na lumipas parang araw araw akong pinapatay.

Palagi nang sumasama samin si Carmela. Hindi ko na kasabay si Tristan sa paglalakad dahil ang girlfriend na nya ang sinasabayan nya.

"Babe, try this." saad ni Carmela sabay subo ng salad kay Tristan "Masarap?"

Tristan smiled at her then nod.

Isang bwan na din pala kaming halos di na nakakapag usap ni Tristan. Hindi na sya nakakapag text, chat, or tawag. Siguro, sa isang bwan na lumipas, limang text lang ang nasend nya sakin. At ang dahilan?

"Nagseselos kasi si Carmela, eh. Kaya sorry, ah? Hindi na muna tayo makakapag usap palagi."

Gusto ko sanang magreklamo. Bestfriends naman kami, ah? Ako ang una nyang nakilala. Ako ang kasama nya ng matagal. Ako ang andun nung wala pa sya, at andito pa din kahit na dumating na sya sa buhay ni Tristan.

Pero hindi pala por que ikaw ang nauna, nando'n at nakasama ng matagal, eh, may karapatan na ako. Wala pa din pala.

Dahil best friend nya lang ako at girlfriend nya si Carmela. Ano namang panama ko 'dun di ba?

Naiinis ako. Sobra sobra. Bat kasi kaylangan pang dumating ni Carmela? Bat kasi kaylangan nya pang maging perpekto? Nafall tuloy si Tristan sa kanya.

Bakit kasi hindi na lang ako?

"Putapete!" napamura ako nang malakas dahil may sumipa sa paa ko mula sa ilalim ng mesa.

Napatingin ako sa mga kasama ko. Halatang si Ella ang may kasalanan.

"Kim, anong sabi ko?" saad ni Tristan "Iwasan mo ang pagmumura, di ba?"

Kung dati, pinapaiwas nya ko sa pagmumura dahil nakakasira daw ng image ko, iba na ngayon.

Pinagsabihan daw kasi sya ni Carmela na kung hindi daw ako titigil sa pagmumura, wag daw syang sasama sakin. Baka daw kasi mahawa pa sya sa pagmumura ko. Masama daw 'yun. Anghel ang pota, di ba?

Ano bang meron ang babaeng 'to at sunod ng sunod sa kanya si Tristan?

"Punyeta kasi, sinipa ni Ella paa ko. Ang sakit." pagdadahilan ko.

"Hindi sapat 'yun para magmura ka!" sabi ni Tristan sabay tayo.

"Teka nga, bat mo sinisigawan Ate ko?" tumayo na din si Kiel "Anong problema mo kung nagmumura si Ate?"

"Pinagsasabihan ko lang si Kim na dapat iwasan nya ang pagmumura. Kasama natin ang girlfriend ko at hindi sya sanay—"

"Eh bat kaylangan mong sumigaw?"

"Eh kasi hindi sya nakikinig!"

Tumayo na din si Ken tapos ay pumagitna sa dalawa. "Tumigil na nga kayo. Ang daming tao, oh."

"Punyetang buhay 'to, oh."

"Kim, ano ba!"

"Don't boss me around!" sigaw ko sa kanya pabalik "Don't order me around just because she told you so. Magmumura ako kung kelan ko gusto! Hindi ko kaylangang tumigil dahil lang sinabi nya sayo."

Napatayo na din ako. Mas lalong dumami ang tao sa canteen.

"Kung ikaw sunud sunudan sa kanya— not me. I'll do whatever I want. I'll say what the fuck I want. Ako ang batas, ako dapat ang sinusunod. At kung lalayo ka sa katulad ko dahil nga sa nagmumura ako, na masama according dyan sa girlfriend mong perpekto— fine. I have lost my best friend a month ago. Hindi mo lang siguro napansin. Pero Tristan, ang tagal mo ng wala--- wala na 'yung best friend ko."

Dinampot ko na ang bag ko at isinukbit sa balikat ko.

"It's funny how you accepted who I am--- every piece and side of me for years then suddenly changed just because of her."

Itinuon ko ang atensyon ko kay Carmela. Bakas ang iritasyon sa kanyang mukha.

Ngumisi ako. "Balita ko nagseselos ka daw sakin?" napatawa ako nang marahan "May insecurities ka din pala sa katawan?"

"Tsaka isa pa, h'wag kang umasa na mag-aadjust ako dahil sayo. Ikaw ang nakikisama. Ikaw ang bago sa tropahan. Ikaw ang mag adjust."

Napansin kong kumuyom ang kamao nya. Psh. Ano? Salita!

Muli akong tumingin kay Tristan. Hindi ko mabasa ang mukha nya. Is he in pain? Nah, imposible. Galit sya. Malamang, pagsabihan ko ba naman ang perpekto nyang girlfriend. Tch.

"Tutal, mukhang willing ka namang lumayo sakin kapag hindi ako tumigil sa pagmumura--- sige lang. Mas matimbang naman talaga 'yung relationship nyong isang bwan kumpara satin na anim na taon na."

Pumihit na ako patalikod at nagsimulang maglakad.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko, parang tinutusok ng milyun-milyong karayom ang puso ko, katawan— buong pagkatao.

Tang'na kang sakit ka. Kelan ka ba mawawala?

••••

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon