The Girl He Never Noticed

761 27 1
                                    

"Who are you to make a nonsense news? At talagang pinost mo pa sa bulletin board."

"We're not romantically inlove with each other, mag bestfriend lang kami at hanggang dun na lang 'yon."

Bakit ganon? Kahit naman alam ko na 'yung mga sasabihin ni Tristan kanina, nasasaktan pa din ako?

Matagal ko naman ng alam na hopeless tong nararamdaman ko para sa kanya. Na hanggang best friends lang talaga kami— nothing more,  nothing less. Baka pumuti na nga ang uwak at lahat, imposible pa din na mahalin nya din ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Gaya nga ng linya ni Daniel Padilla sa movie na "Must Be Love": May babaeng gini-girlfriend, at may babaeng bine-best friend lang.

Ang sakit lang kasi dun ako na-fall sa category na tipo ng babaeng bine-best friend lang.

"Kaya pwede ba? Kung gagawa ka ng balita sa susunod, 'yung kapani-paniwala naman."

Muling may pumatak na luha mula sa mga mata ko. Kanina pa 'ko umiiyak. Magpapahinga lang ako saglit tapos iiyak na naman. Barado na nga ang ilong ko-- nahihirapan tuloy akong huminga.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit kasi hindi ko pinigilan 'tong lecheng feelings ko na 'to para kay Tristan?

Edi sana, hindi ko sya minamahal ng palihim for three years. Edi sana, hindi ko kaylangang magpanggap na best friend lang ang tingin ko sa kanya. Edi sana, hindi ako umiiyak at nasasaktan ng higit pa sa sobra ngayon.

Sana, buo pa ako.

Pero wala eh. Hindi ko napigilan. Nagpadala ako sa nararamdaman ko. Kinain tuloy ang sistema ko.

I took a step forward, but when I tried to take my step back, I fall instead. Para akong nahulog sa bangin. Hirap na hirap umahon— may posibilidad pa 'kong mamatay sa pagbagsak ko.

"Kim?"

Napaupo ako sa sofa.

"Are you there? Si Ella 'to."

Agad kong pinunasan ang pisngi kong basang basa dahil sa luha. Tinabi ko din yung mga tissue na pinagsingahan ko.

Shit, mahahalata nya ang mata ko! Hassle talagang mabroken! Kainis.

Humanap ako ng salamin at isinuot 'yon para matakpan ang namamaga kong mga mata.

Tumayo na ako at humugot ng hininga bago binuksan ang pinto.

Napailing sya ng makita ako.

"Bakit?" tanong ko.

Inalis nya ang salamin na suot ko.

"H'wag mo ng itago."

Sa sobrang lumanay ng boses nya, gusto ko na ulit umiyak. Nanubig tuloy agad ang gilid ng mga mata ko.

"Hep, hep! H'wag mo muna akong iyakan dyan. Magkwento ka muna then afterwards, pwede ka ng ngumawa dyan!"

"How can you be so sure na magkukwento ako sayo?"

Itinaas nya ang kamay nyang may bitbit na plastic. Dun ko lang napansin na may bitbit pala sya.

"Lalasingin kita, syempre."

••••

Tbc.

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon