Ella's P.O.V
"Lecheng Tristan na 'yan! Bat kasi sobrang sweet at bait nya? Bakit kasi pakiramdam ko napaka special ko para sa kanya? Bakit kasi nasa kanya lahat ng hinahanap kong katangian ng ideal guy ko, bakit?!"
Kanina pa rant ng rant si Kim tungkol kay Tristan. Hinahayaan ko na lang para kahit papa'no, mailabas nya 'yung nararamdaman nya.
Minsan kasi talaga, dapat ilabas mo 'yung mga kinikimkim mo sa loob. Mahirap kasi pag hindi mo na kaya, sasabog at sasabog 'yan--- triple pa ang sakit.
"Bat ba kasi hindi na lang ako umamin sa kanya, 'no?" tanong nya sabay lagok ng red horse "Para natatapos na. Para nailalabas ko na. Nahihirapan na kasi ako."
Damang dama ko ang sakit sa bawat salitang sinasabi nya.
I know she's inlove with Tristan--- matagal na. Hindi ko naman na kaylangang iconfirm pa sa kanya. She's like an open book--- ang dali nyang basahin. Masyado kasing transparent ang feelings nya para sa best friend nya. Pati nga sila Kiel alam 'yun. Kaya ganun na lang ang kilos ni Kiel 'don sa scene sa canteen.
Napabuntong hininga ako.
"Kapag ba inamin mo kay Tristan 'yang feelings mo, handa ka sa magiging kapalit?"
Natigilan sa paglagok ng alak si Kim.
"Kapag umamin ka, asahan mo na may magbabago— may mawawala."
"Pero Kim, malay natin, inlove din pala si Tristan sayo? Nahihiya lang syang aminin dahil gaya mo, takot syang mawala kung ano 'yung meron kayo ngayon."
"Suuus! 'Yon? May feelings sakin? Wala 'no. Malinaw pa sa sikat ng araw! Wala. Andun ka naman kanina, di ba? Sa hallway. Sa harap ng madaming estudyante--- sinabi nya na kahit katiting na porsyento, hindi sya maiinlove sakin."Napakagat sya sa lower lip nya. Pinipigilan na nya sigurong umiyak. Aba, magang maga naman na kasi ang mata.
"Kung ganon, are you still willing to take a risk then face the consequences after?" tanong ko.
May bumagsak na luha mula sa mga mata nya. Sunod sunod. Parang patak ng ulan. Walang tigil— parang hindi na matatapos.
I was about to wipe the tears when she passed out.
I sighed. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Kiel. Hindi ko kayang mag isa si Kim.
Limang bahay lang naman ang pagitan nila kaya sya na ang tinawagan ko at hindi si Ken. Mamamasahe pa 'yun, eh.
Dumating din naman agad si Kiel habang nililigpit ko ang pinag inuman namin ni Kim.
"Bat mo kasi nilasing ngayon si Ate?! May pasok tayo bukas!" singhal nito.
"Kung hindi ngayon, kelan? Pag mas mabigat na 'yung nararamdaman nya? Pag hindi na nya kakayanin?"
He sighed.
"I'll stay here. Ikaw na din. Masyado ng gabi para umuwi ka pa, delikado sa daan." sabi nya habang buhat ang Ate nya at inilagay sa sofa.
"'Yun nga ang plano ko. Dala ko naman ang uniform ko. Paano ka?"
"I'll set an alarm. Aalis ako bandang six. Ayoko din namang malaman ni Ate na nandito ako. Maiilang 'yun pag nalaman nyang may alam ako."
I nod. Pumunta na din ako sa taas para kumuha ng mga unan at kumot, pati na din ng panlatag.
Habang pababa ako ng hagdan, I saw Kiel staring at Kim. Hinawi ang buhok nito at hinalikan sa noo.
Maswerte si Kim at merong Kiel na tumatayong kapatid nya. Kahit papa'no, may pumalit sa posisyon ni Tita na laging wala dahil sa kakatrabaho.
Nilatag na namin 'yung comforter at nahiga na.
Sana, pwede pang mabago ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
Short Story"Star light. Star bright. Will you grant my wish tonight? Star light. Star bright. Please, bring back the time. Star light. Star bright. Let me do what is right. Star...