Ella's P.O.V
Sa bahay ko muna inuwi si Kim. Paniguradong pupuntahan na naman sya nung Tristan na gago na 'yon dun pag nagkataon. Mabuti na dito, hanggang sa labas lang ang mokong na 'yon.
Nanggigigil talaga ako sa Carmelandi na 'yon. Parang tuko kung makakapit kay Tristan. Ayaw nang humiwalay.
Hindi na 'ko nakapagpigil kanina dahil naiirita talaga ako sa pag iitsura nya. Napaka baba ng tingin nya kay Kim. Akala mo kung sino. Asungot lang naman sa tropahan namin.
I badly wanted to erase the smirk on her lips with my hands. Isang sapak lang, okay na. Alam kong gustong gusto ding gawin ni Kim 'yon. But something is holding her--- at si Tristan 'yon. Ayaw na nyang magkagalit sila ni Tristan. Ibang iba si Kim kanina. Ni hindi na nya mapakita yung bitchy side nya, kaya ako ang gumagawa no'n para sa kanya.
Sinabi ko na din kay Ken at Kiel na sa bahay muna si Kim. Kiel wanted to go and spend the night, pero sinabihan ko na h'wag na.
"Hmm.."
Napalingon ako kay Kim. Dahan dahang namulat ang kanyang mga mata.
"Nasaan ako?"
"Sa bahay." saad ko "Dito ka na muna."
"Anong nangyari kanina?" tanong nya at umupo.
"Nawalan ka ng malay dahil sa katangahan mo."
"Nakakadalawa ka na, ah." saad nya "Pumapatol ako sa kaybigan." pagbabanta nito.
"Sus, pero sa best friend mo hindi ka na maka angal?"
"Let's not talk about him, pwede?"
"Bakit? Naaalala mo 'yung katangahan mo?"
"Nawiwili ka na, ah!"
Napatawa ako. "Sorry. Inaabuso ko na. Aba, minsan lang may tumanga sa Ice Princess ng school."
"Ikaw pa lang ang tumanga sakin." saad nya at tumayo "At puwede? Wag mo kong matawag tawag na ganun. Ang jeje ng pota."
"Naiinis?" asar ko pa "Alam mo kasi, Kim. Mag move-on kana kay Tristan, okay? Madami namang iba dyan."
"Easier said than done." pagkontra nya sakin.
Napairap ako. "Whatever. Basta humanap ka na ng ibang boylet, okay?" saad ko.
"Bat hindi mo itry si Casper? Aba'y patay na patay sayo 'yun first year pa lang tayo." dagdag ko pa.
Sya naman ang umirap. "That fuccboi? No thanks. Mas gusto ko ng magpakatanga kay Tristan kaysa pumatol sa tulad nya."
"Edi si Andrei na lang. Number one fan mo 'yon. Remember nung nag confess sya sayo? May pa harana and chocolates pa sa auditorium."
"Too sweet. Not my type." komento nya.
"Aha!" nagulat naman sya sa pagsigaw ko bigla kaya nag peace sign ako. "Sorry, may naalala lang."
"Ano na namang naalala mo?"
"Si Mark. Remember him? Yung nakiusap sa Principal na wag muna mag flag ceremony dahil may importante syang sasabihin? And then boom! Nag confess sya sayo."
"Napaka OA ng lalaking 'yon. Nangingilabot ako pag naaalala ko. Kasuka."
Binatukan ko si Kim. 'Yung lumagutok sa sobrang lakas.
"Punyeta, para sa'n 'yon?"
"Para magising kana at makita mong may ibang handang ialay ang puso nila para sayo. Kesa nagpapaka tanga ka sa lalaking wala manlang alam sa nararamdaman mo."
Yan! Edi natahimik ka ngayon?
"Pfft."
Napataas ang kilay ko. "Oh, bakit?"
Nagulat ako sa biglaang pagtawa ni Kim. "Hala, nabaliw ka na?"
Umiling lang sya. "Sira, dami mo kasing alam. Tara na nga't kumain na tayo. I'm starving."
Tignan mo 'to. Akala ko naman natauhan na sa sinabi ko. Tsk.
••••
Kim's P.O.V
"Thank you." saad ko "Thank you sa kanina pati ngayon."
Nanlaki naman ang mga mata ni Ella na umaarteng parang gulat. "Omy, asan si Kim? Ibalik mo ang kaybigan ko! Sino ka?!"
I fake a laugh. "Ha. Ha. Funny mo po."
Tumawa naman sya at niyakap ako mula sa likod. "'To naman, joke lang eh. My pleasure to help you!"
"Oh sya, bitaw na. Hindi na 'ko makahinga, eh." saad ko.
"Tch. Pag si Tristan gustong gusto."
"Ella." saad ko sabay irap "Naghuhugas kasi ako ng pinggan, oh."
"Reasons." saad nya at bumitaw na "Bilisan mo dyan Ice Princess!"
Napatawa na lang ako. Loka loka talaga 'tong bruhang 'to.
••••
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
Short Story"Star light. Star bright. Will you grant my wish tonight? Star light. Star bright. Please, bring back the time. Star light. Star bright. Let me do what is right. Star...