TGHNN:

443 16 0
                                    

"Kim, may shooting star oh, let's wish!"

Pinagdikit ko ang dalawa kong kamay at tsaka pumikit.

'Sana, kami ni Tristan hanggang sa dulo.'

"Anong winish mo?" tanong nya.

"Bat ko sasabihin? Edi hindi nagkatotoo."

"Sabagay." pang sang ayon nya.

Umakbay sya sakin at pinakatitigan akong maigi.

"Bat mo ko tinititigan?" naiilang kong tanong sa kanya.

"Masama ba?" natatawa nyang sagot.

I pouted my lips. "Tawa ka dyan? Psh."

"Pikon ka na nyan?" natatawa pa din sya "Teka, eto na. Tapos na kong tumawa."

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.

"Ibibigay ko na nga pala ang regalo ko, Kim."

Napangiti ako ng malapad. "Akala ko wala kang regalo sakin eh, asan na?"

Ngumiti sya ng matamis. "Happy thirteenth birthday, Kim."

His next move surprised me.

He pressed his lips next to mine. For a second, we became one as our lips connected.

"Kim, wake up. Please."

Nakaramdam ako ng marahang haplos sa mukha ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Puti. Purong puti ang nakikita ko.

Nasa langit na ba ako?

Napatawa ako. Paanong mapupunta sa langit ang katulad ko?

"Kim, you're awake!"

Napatingin ako sa gilid ko.

"How are you feeling? May masakit ba sayo?" nag aalala nyang tanong.

"God, Kim. Magsalita ka. Mababaliw na ko sa kaba dito!"

Pabalyang bumukas ang pinto.

"Bakit ka sumi— Ate!" patakbong lumapit si Kiel sakin. "Okay ka na ba? God, you scared the hell out of me."

Sunod na pumasok si Ken at Ella.

"May kaylangan ka ba, Ate? May masakit sayo? Anong gusto mo?" sunod sunod na tanong ulit ni Kiel. "Ate---"

"Pwede bang kumalma ka, Kiel?" pagputol sa kanya ni Ella.

"Oo nga. Kumalma ka nga dyan." saad ni Tristan.

"Eh ikaw nga sumisigaw pa kanina!" sabi ni Kiel at muling ibinalik sakin ang tingin.

"Pwede bang manahimik kayo at naririndi ako." saad ko "Ano bang nangyari?"

"Napansin kasi namin na ang haba na ng pila sa labas ng cr. Kaya tumawag kami ng janitor na may hawak ng susi." pagpapaliwanag ni Ella.

"Nagulat kami ng makita ka naming nakahiga sa sahig. Kaya binuhat agad kita papunta sa clinic." sabi ni Kiel.

"Sabi naman ng nurse walang dapat ipag alala. You passed out because of stress. Wala din daw laman ang tyan mo." pagpapaliwanag ulit ni Ella

"Bat kasi hindi ka kumain? Nasa canteen kayo kanina, di ba? Ano 'yon, tumambay lang kayo 'don?" galit na saad ni Tristan "At bat ka stress? Anong nagpapa stress sayo?"

"Baka sino?" sabat ni Ella.

Nangunot ang noo nila Kiel.

"Sino? Bakit? May nanggugulo ba sayo, Kim?" tanong ni Ken.

"Oo, hindi lang nanggugulo. Nananakit pa." si Ella na ang sumagot.

"Sinong gagong lalaki ang nanakit sayo, Kim? Sabihin mo at nang magulpi!"

Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Tristan.

Ikaw Tristan. Ikaw ang nananakit sakin.

"Ano Kim, magsalita ka!" napahigpit ang hawak nya sa magkabilang braso ko.

Ewan ko, pero dapat nakakaramdam ako ng sakit sa paraan ng paghawak nya sakin. Pero wala. Manhid na yata ako.

"Bitiwan mo si Ate, nasasaktan na sya." saad ni Kiel.

"Sorry." lumuwang na ang pagkakapit nya sa braso ko.

"Kapag ba nalaman mo kung sino 'yun, ano ang gagawin mo?" tanong ni Ella kay Tristan.

Tristan looked into my eyes and said, "Ipaparanas ko sa kanya ang sakit na nararamdaman ng best friend ko. Walang sinoman ang may karapatang manakit sa best friend ko."

"Talaga? Well simulan mo ng—"

"Ella, tama na. Please."

"Bat mo pinapatigil si Ella? Hayaan mo syang sabihin sakin kung sino."

"Gusto ko nalang u-umuwi."

Hindi ko na namalayan na may pumatak na palang luha sa pisngi ko.
Gusto ko ng umuwi para magpahinga. Pakiramdam ko, pagod na pagod ako.

Ikinulong ako ni Tristan sa mga braso nya. Sobrang init sa pakiramdam ng yakap nya. Pakiramdam ko, safe ako. Posible pala 'yon, 'no? 'Yung maramdaman mo na safe ka sa piling ng taong mismong nanakit sayo.

"Sshh, don't cry. Uuwi na tayo."

Tristan, walang tayo. Ang mero'n lang ay 'kayo.'

••••

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon