TGHNN

416 16 0
                                    

Tristan's P.O.V

Paulit-ulit pa din na nag e-echo sa utak ko ang mga sinabi ni Kim.

Hindi ko maiwasang masaktan lalo na nang makita ko kung gaano kabigat ang nararamdaman nya. She's hurting because of me and I'm such a jerk for not noticing it. Kung hindi siguro sumabog si Kim kanina, hindi ko pa din malalaman.

Hindi ko pa malalaman na nasasaktan ko na pala ang best friend ko. Na para sa kanya, matagal na pala akong wala.

Alam kong may kasalanan talaga ako. But I thought she would understand. Kilala ko kasi sya, eh. Naiintindihan nya lahat. Kaya hinayaan ko lang. Hindi ko namalayan na naaabuso ko na pala sya.

I no longer text, chat, or call her. Hindi na din kami lumalabas. Carmela is so jealous of her. Sobrang close daw kasi naming dalawa. Mapagkakamalan nga daw kaming mag boyfriend-girlfriend. Hindi nya daw naisip na magkakagusto ako sa kanya dahil ang akala nya ay sa best friend ko ako inlove--- hindi ko lang daw alam sa sarili ko o takot lang akong aminin.

Natawa ako nang sabihin nya 'yun. Nakakatawa naman kasi, 'di ba? Best friend ko si Kim, eh. Bat ako maiinlove sa kanya? Oo, sige mahal ko sya. Pero bilang best friend lang. Nothing more, nothing less. Alam naman ni Kim 'yon.

Napahugot ako ng hininga. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sa inasal ko kanina. Nasaktan ko ng sobra sobra si Kim. Kitang kita ko 'yon sa mga mata nya. Para syang namamaalam kanina. Dahil alam nya na I'll choose Carmela over her.

Gago ba 'ko? Kung si Carmela nga ang pipiliin ko? Damn, mahal na mahal ko si Carmela. At ngayong kami na, tsaka ko pa ba sya iiwan? Hindi ko kaya.

Pero hindi ko din kayang mawala ang best friend ko.

Kaya heto ako ngayon sa tapat ng bahay nila Kim. Dapat kanina ko pa 'to ginawa. Dapat kanina ko pa sya hinabol at humingi ng tawad. Pero hindi ko nagawa dahil inuna ko na naman si Carmela.

Alas onse pasado na ng gabi. Buti na lang at may duplicate ako ng susi ng bahay nila Kim. In case daw na maisipan ko daw pumunta sa kanila.

Binuksan ko na ang naka lock na pinto at pumasok sa loob. Agad akong nagtungo sa kwarto ni Kim sa taas. Pinihit ko ang sendura at agad itong bumukas. Wala pa ding pinagbago si Kim. Hindi pa din nagsasara ng pinto. Paano kung may biglang nanloob dito? Tsk. Pasaway talaga.

Pumasok na ako sa kwarto. Madilim. Tanging ang glow in the dark na stars at moon lang sa itaas ng kisame ni Kim ang nagbibigay ng kaunting liwanag.

Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama ni Kim. Mahimbing itong natutulog. Nakabalot pa ng kumot eh hindi naman malamig. Napatawa ako ng mahina. Ginawin talaga 'tong babaeng 'to.

Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa mukha nya. Pinakatitigan kong maigi ang natutulog nyang pigura. Ang ganda talaga ng best friend ko kahit hindi nag aayos ng sarili. Almond-shaped eyes, small pointy nose, pinkish lips--- naalala ko tuloy nung hinalikan ko sya bilang regalo. Actually, palusot ko lang 'yon. Hindi naman talaga 'yon ang regalo ko. Na-tempt lang talaga 'kong halikan sya. She has an inviting lips kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko lang sinasabi sa kanya na maganda sya at baka lumaki ang ulo. Mahirap na.

Humiga ako sa tabi nya. Dito na ako matutulog dahil gabi na masyado. Tinatamad na din akong mamisikleta pauwi.

Inamoy ko ang kanyang buhok. Ang bango bango talaga. Tulad pa din ng dati ang amoy— strawberry. Hinalikan ko sya sa noo at ilong.

"Sorry best friend. Babalik na 'ko, I promise. I love you."

Inilagay ko ang kamay ko sa likod nya at inusog sya palapit sakin--- kinulong sa mahigpit na yakap. I missed this kind of feeling.

Babawi ako. Promise 'yan, Kim.


••••

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon