Isang hakbang lang palapit sayo ang aking ginawa.
Ngunit mali yatang humakbang ako ng isa pa.
Dalawang beses akong humakbang pabalik,
Pero kahit na ano'ng gawin ay 'di na 'ko makapanhik.Dahil tuluyan na akong nahulog.
Nahulog sa matatamis mong ngiti.
Sa mga mata mong nagniningning.
Sa bawat salitang iyong isinasatinig.
Nahulog ako. Sa 'yong halakhak na musika sa pandinig.Gustong gusto kita at gusto ko nang umamin.
Ngunit 'di magawa dahil matalik na kaybigan lamang ang tingin mo sakin.
Hanggan doon lang. Hindi maaaring lumagpas, 'di maaaring humigit.Gusto kita. Mahal kita.
Damdaming gusto nang ilabas.
Mga salitang pinipigilang iutas.
Nang dilang nais nang ianas— Mahal kita.At sa anim na taon na ating pagkakaybigan, tatlong taon na kitang lihim na minamahal.
Mahal kita, alam mo ba?
Malamang ay hindi.
Dahil mas pinili kong manahimik, itinagong pilit.
Hinayaang mamayani ang takot sa 'king dibdib.
Takot sa maaaring magbago.
Takot na bigla kang lumayo— maglaho.Kaya't ibinubulong ko na lamang sa hangin.
Sa tuwing sasapit ang gabi.
Na tanging bwan, at mga bituin lamang ang saksi sa dilim.
Mahal kita. Minamahal kita, at patuloy na mamahalin kahit 'di mo pansin.There you have it! Last na talaga 'to. Hahaha. Salamat ulit sa pagbabasa. Saranghae.
— Miss Bee
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
Short Story"Star light. Star bright. Will you grant my wish tonight? Star light. Star bright. Please, bring back the time. Star light. Star bright. Let me do what is right. Star...