TGHNN:

441 19 3
                                    

I am now facing the consequences of the risk I made.

Katulad ng sinabi ni Ella, may nagbago. May nawala.

Matapos ang pangyayari sa Buwan Ng Wika ay hindi ko nakita si Tristan ng isang linggo. Hindi sya nagpaalam. Ni isa saming mga kaybigan nya'y walang nakaka alam kung asan sya.

Pumunta ako sa kanila to check if he's there. Pero tulad ng inaasahan ko ay wala sya do'n. Wala ding alam sila Tita kung asan si Tristan. Basta ang sabi lang sa kanila nito bago umalis ay kaylangan nya daw makapag isip isip. He needed to clear his head.

Ilang beses ko syang tinext, chinat at tinawagan. But he didn't respond even once.

Sobrang alalang alala ako. Baka may kung ano nang nangyari sa kanya.

Nagpasama na din ako kila Ella sa mga lugar na pwede nyang puntahan. Sa lugar na madalas naming puntahan no'ng mga bata pa kami.

Pero wala.

Nang dahil sa isang gabi, nawala ang lahat ng meron kami.

Nasa school grounds kami. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin pero ipinagsawalang bahala ko lamang 'yon.

"Bakit?"

Napatingala ako ng magsalita si Tristan.

Gaano na nga ba kami katagal nakatayo dito?

May higit na sa isang oras.

"Tristan. . ."

Shit, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Why, Kim? Why?!" tumaas na ang boses nya.

"Why do you have to fall inlove with me? I thought you hate cliché stories—boring movies. Why turn your story into one? Why—"

"Hindi ko alam, okay? Hindi ko alam!" sigaw ko pabalik "Basta isang araw nagising na lang ako na mahal na kita. You think I want this? Sa tingin mo ba gusto kong mahalin ka, ha? Well, you're wrong. Dahil hindi ko gugustuhing masaktan ng higit pa sa sobra dahil lang sa nahulog ako sayo."

Sunod sunod na pumatak ang mga luha ko. Parang dam na napuno kaya umapaw na. Walang tigil. Parang agos ng tubig.

I swallowed the lump formed in my throat before continuing.

"Wala naman akong balak umamin eh. Kaya nga naitago ko ng tatlong taon."

"I've been living and dying then living again for three damn years." ani ko sa basag na tinig.

"So don't you ever say that I turned my life in a boring one. It may be clichè as fuck. But hell, those cliché story is the most painful one."

Humakbang ako palapit sa kanya. Nanatiling naka focus ang tingin nya sakin.

I can see pain in his eyes.

What have I done?

"Tristan Santos, mahal kita."

A tear escaped from his eyes.

Fuck, don't cry.

"Bakit kaylangan mo pa 'kong mahalin?"

Napatawa ako nang mapakla.

"Wala, eh. Ikaw kasi 'yan. If it wasn't you, wala sanang drama na ganito."

Sa malalaking hakbang ay tinawid nya ang natitirang pagitan saming dalawa. Sabay pulupot ng kamay nya sa bewang ko at yakap sakin ng mahigpit.

"Kim, h'wag mo na lang akong mahalin. Please. Nakikiusap ako. Tumigil ka na sa pagmamahal sakin."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako makatulog ng ayos. Gabi gabi akong umiiyak. Praying that he'll comeback.

And he did.

Bumalik sya.

Bumalik lang sya pero wala na 'yung Tristan na kilala ko. 'Yung best friend ko.

I approached him. Gusto ko sanang makapag usap kami tungkol sa nangyari. But he pushed me away.

Ayaw nyang makipag usap. Wala naman daw kaming dapat pag usapan.

For a month, sinuyo ko sya. Kahit na palagi nya 'kong hindi pinapansin.

Nag iba na din ang tingin sakin ng mga estudyante. Kung noon ay takot sila--- awa na ang nakikita ko sa mga mata nila.

Sino ba naman ang hindi maaawa sa isang babaeng pilit ipinagsisiksikan ang sarili nya sa lalaking ayaw na, 'di ba?

But hell, I don't give a damn on what they think. Mas mahalaga sakin na makapag usap kami ni Tristan kaysa sa iniisip nila.

Wala naman kasi akong pake sa image ko. Sila lang ang gumawa no'n.

"Tristan, please. Mag usap naman tayo."

Hindi sya kumibo at patuloy lang sa pagbabasa ng libro. Nasa classroom kami ngayon at kami na lang ang tao.

"Kahit saglit lang. Pahingi naman ng oras mo." saad kong muli "Kahit minuto lang." dagdag ko pa.

Nararamdaman ko na ang pangingilid ng luha ko. Leche, alam kong mukha na akong tanga dito pero wala akong pake. At kapag nagsalita ako ay paniguradong basag ang boses ko.

"Kahit segundo na lang, kung 'yun lang ang kaya mong ibigay. Okay lang."

Tuluyan ng nabasag ang boses ko. Pero hindi pa din natitinag si Tristan.

Wala na talagang pag asa.

Kinuha ko na ang gamit ko at isinukbit ang bag ko sa balikat.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palabas.

"Bukas. Sa playground ng Day Care Center. 4pm."

Halos lumundag ang puso ko sa tuwa ng madinig ko 'yon.

Tang'na. Sa wakas.

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon