"Yang labi mo, baka mapunit na sa kakangiti." pang aasar ni Ella."Kakangiti ka dyan? Nakangiti ba 'ko?" painosente kong tugon.
"Aysows," sabi nya sabay nangalumbaba sa mesa "Ibe-break ko si Ken pag hindi ka nakangiti. Halatang kinikilig, eh."
Napakagat ako sa labi ko. "Halata ba masyado?" napatakip ako ng mukha gamit ang kamay ko.
"Haller? Yung ngiti mo abot-langit kaya. Ano ba kasing nginingiti ngiti mo dyan?"
Hindi ko makwento sa kanya kasi nahihiya ako, tsaka kinikilig ako ng sobra kaya baka mahirapan akong sabihin.
Inabot ko nalang sa kanya 'yung phone ko tapos pinakita sa kanya 'yung text ni Tristan.
Nanlalaki ang nga mata ni Ella na tumingin sakin. "Omygosh. Omygosh. Omygosh."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napangiti. Buti na lang walang masyadong tao sa canteen.
"Bat di ka nagreply? Tanga tanga neto, eh!"
"Eh kasi naman, wala akong load." pagdadahilan ko.
"Gaga mo, sana nangutang ka muna sa smart. O kaya nagpaload ka nalang. Palusot mo bulok."
"Baka kasi.." I trailed off. Sasabihin ko ba?
"Baka kasi?" pag uulit nya sa sinabi ko.
"Baka kasi mamaya wrongsend lang sya."
Kumunot naman ang noo ni Ella sa sinabi ko.
"Bat mo naman naisip 'yon, ha?"
"Hindi nya ko sinasabihan ng 'I love you' ng walang best friend. Basta sa lahat ng text nya laging may 'best friend'."
"So dahil walang 'best friend' echos 'yung text nya sayo kagabi, naisip mo na hindi 'yon para sayo?"
I nod.
"Hay nako, Kim. Ewan ko ba naman sayo. Edi sana nag text dapat ulit sya sayo ng 'sorry, wrongsend'. Eh, wala naman, oh."
"Malay mo naubusan ng load kaya di na natext."
"Nako Kim Emerald Anderson! Napaka nega mong tao. Malay mo naman gusto ka din ni Tristan. Wala ka bang tiwala sa sarili mo?"
Napatawa ako. "Sakin? Tingin mo ba magkakagusto si Tristan sa tipo ko?"
"Why not? Gosh Kim, you're smart, pretty, talented--- you're a total package—"
"Hindi, Ella." pagputol ko sa kanya. "You only mentioned my good side, but not the bad ones."
"I'm a cussing machine. Takot at ilag sakin ang mga estudyante dahil sa ano? Tingin ko? Aura ko? That's bullshit. Alam ko naman na sa ugali ko sila takot, hindi ba?" dagdag ko pa.
"And who would want to fall inlove with that kind of person? I'm a mess, Ella. Total mess." saad ko sabay ngiti ng bahagya— ngiting malungkot.
"Mali ka, Kim. Lahat naman may bad side—"
"How ironic that it's only the bad side people always remember."
"Ang seryoso ata ng pinag uusapan nyo?"
Sabay kaming napalingon ni Ella ng madinig namin ang boses ni Ken. Kasama nya si Kiel. Asan si Tristan?
Humalik naman si Ken sa noo ni Ella. Si Kiel naman ang humalik sa noo ko.
"Okay na kayo?" pabulong na tanong ko kay Bunso.
He smiled and nod.
"So, ano nga 'yung pinag uusapan nyo?" tanong ulit ni Ken.
"Si Tristan."
And when the moment his name escape from Ella's lips, dumating 'to.
May kasama syang babae.
Naramdaman ko ang pagbagal ng tibok ng puso ko--- para akong pinapatay.
They look perfect. The Boy Next Door and the Campus Sweetheart— Carmela Sanchez.
Para silang si Barbie and Ken. Perfect match. Mapagkakamalan talaga silang magboyfriend-girlfriend. Samantalang pag ako ang katabi ni Tristan, mapagkakamalan mo lang talaga akong best friend nya.
Pumunta sila sa table namin. Tristan gave me a smile.
"Guys, may sasabihin ako." ngiting ngiting sabi ni Tristan.
"Si Carmela Sanchez nga pala..."
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Pag lingon ko, si Ella pala. Mukhang tulad ko ay alam na nya kung ano ang sasabihin ni Tristan.
Bago pa sya magpatuloy sa pagsasalita ay tumayo ako.
"CR lang."
Binitawan ni Ella ang kamay ko. Hahakbang na sana ako ng may humawak na naman sa kamay ko. This time, si Tristan na.
"Mamaya na best friend. Hindi mo na ba kayang pigilan? Mahalaga 'tong sasabihin ko."
Hindi ko kayang pakinggan ang sasabihin mo, Tristan. Hindi ko kaya.
Nakita ko ang pag asa ni Tristan na hihintayin ko muna ang sasabihin nya bago ako umalis. His eyes were begging for me to stay-- to hear what he was about to say.
Alam ko na Tristan, hindi ko na kailangang madinig dahil kitang kita ko naman.
Sa ngiti pa lang sa labi mo pag pasok mo kasama sya. Kitang kita ko kung gaano ka kasaya dahil kasama mo sya. Proud na proud ka pa.
That smile. 'Yung tipo ng ngiti na ngayon ko lang nakita--- ngiting ngayon lang kumurba sa labi mo. Ngiting hindi ko nakita sa tinagal na magkasama tayo.
Ngiting inlove.
"Bilisan mo na. Ihing ihi na talaga 'ko."
Ngumiti sya. Tipid na ngiti. Hindi katulad ng ngiti nya kanina.
"So I was saying, si Carmela Sanchez nga pala.." hinawakan nya ang kamay nung babae at itinaas nya 'to.
"Girlfriend ko."
At nang sabihin nya 'yon, muling kumurba ang labi nya sa isang matamis na ngiti. Bumalik na 'yung ngiti nya kanina.
"Wow, congrats pre!" si Ken sabay tapik sa braso ni Tristan.
"Congrats." bati din ni Kiel "Kelan ang kasal?" pagbibiro pa nito.
Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Tumigil na ata ang buong sistema ko. Shit.
"Oh, hindi mo manlang ba iko-congrats ang best friend mo?" may himig ng pagtatampo sa boses nya. "Hindi ka ba masaya na may girlfriend na 'ko?"
Tell me, Tristan. Paano kong makukuhang maging masaya kung ang taong mahal ko ay pag-aari na ng iba?
A lump formed in my throat. Nangingilid na din ang mga luha ko. Nang maramdaman ko na hindi ko na kaya ay dali dali akong lumakad palayo.
"Congrats!" sigaw ko ng hindi lumilingon sa kanila at mas lalo pang binilisan ang paglakad ko.
Nag uunahan sa pagpatak ang mga luha ko pagka pasok ko sa banyo. Buti na lang walang tao. Nilock ko na din 'yung pinto. Wala akong pake sa mga mag c-cr. Dun muna sila sa banyo ng mga lalaki makigamit.
For now, I needed to take off everything in my chest.
Hindi na kasi kayang kimkimin ng puso ko ang lahat. Lalo na kung ang mundo ko ay gumuho na.
••••
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
Short Story"Star light. Star bright. Will you grant my wish tonight? Star light. Star bright. Please, bring back the time. Star light. Star bright. Let me do what is right. Star...