TGHNN

609 21 0
                                    

I'm still alive but I'm barely breathing. Saktong sakto ang lyrics na 'yan para i-describe ang nararamdaman ko— kinikilig kasi ako ng sobra. Hindi naman dahil sa pain ang dahilan ko kung bat hindi na 'ko halos makahinga.

Isang linggo na ang lumipas nang lumabas kami ni Tristan. After that, nag iba ang pakikitungo nya sakin.

He became sweeter, more caring---  bumabanat pa nga ang gago. Maya't maya sya kung mag text, nangangamusta. Tumatawag din sya minsan sa gabi. Yes, ganun na talaga kami dati pa, pero iba kasi talaga ngayon, eh.

Ano bang pwedeng maging dahilan kung bakit nagiging extra caring, sweet, and protective ang isang lalaki sa babae? Hindi ko alam kung kikiligin ba 'ko o maiinis kasi pati fb account ko hinihingi ang password.

"Dali na kasi, ang damot naman nito, eh." pangungulit nya.

"Bat ba kasi gusto mong kunin, ha?"

"Basta nga kasi."

Ayan na naman sa pa 'basta basta' nya. Psh.

"Eh, di manigas ka dyan. Pero di ko pa din ibibigay sayo."

Muli akong nagpatuloy sa paghahanap ng movie na magandang gawan ng movie reaction.

Nasa bahay kami nila Kiel ngayon. Kanina pang umaga kami nandito pero tanghali na wala pa din kaming nagagawa.

"Tristan, tantanan mo nga kasi muna si Kim. Anong oras na wala pa tayong nagagawa, eh."

"Oo nga, tama ang bebe ko." pag sang ayon ni Ken "May date pa kami mamaya, baka mabulilyaso pa dahil anong oras na di pa tayo nakakagawa."

"Ayon, ata na atat ka lang pala makatapos kasi may date kayo?" tanong ni Kiel na lumabas mula sa kusina.

"Pre, ganun ka din naman kung ikaw ang nasa posisyon ko."

"Ah, basta! Hindi ko titigilan si Kim pag hindi nya binigay ang password nya. Wala akong pake kung hindi kayo makapag date na dalawa."

"Eh bat mo nga kasi kaylangang pakielaman ang account ni Ate, ha?" tanong ni Kiel at inilapag sa mini table ang nachos at nestea.

"May titignan lang ako." sagot ni Tristan sabay iwas ng tingin.

"At ano naman 'yon?" si Ken naman ang nagtanong.

"Are you going to check her chat messages?" pinanliitan ng mga mata ni Ella si Tristan.

"Boyfriend ka ba nya para hingiin mo ang password ng account ni Ate?" seryosong tanong ni Kiel "Meron bang kayo, ha? Meron?"

Pakiramdam ko, tinusok ng karayom ang puso ko sa tanong na 'yon.


"Bakit? Kaylangan bang magkaro'n ng kami bago ko magkaro'n ng karapatan malaman ang password ng account ni Kim? We're best--"

"Tanga ka ba?" napalingon kami lahat kay Ella "Hindi mo pwedeng idahilan samin na mag bestfriend kayo. Masyado ng personal ang hinihingi mo."

"Tsaka, bat ba taeng tae ka makuha ang password ni Kim? Anong iche-check mo?" patuloy na tanong ni Ella "Bat di mo masabi kung ano 'yon?"

"Because it's personal." sagot ni Tristan.

"Oh, I'm sorry, Tristan. Pero masyado ding personal ang info na hinihingi mo kay Kim."

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon