THE GIRL HE NEVER NOTICED
E P I L O G U E
"Ano? Ready ka na ba? Ang tagal tagal mong mag ayos dyan. Ikaw na lang ang hinihintay." saad ni Ella habang papasok "Alam mo— bang ikaw ang pinakamagandang babaeng nakita ko ngayon?"
Napatawa ako sa naging reaksyon ni Ella.
"Bibig mo, oy. Baka pasukan ng langaw."
"Omygosh, bessy. You're so pretty— I mean, gorgeous pala!"
"Sus, nambola pa."
"Di, ah." sabi nya "Oh, ano. Okay ka na? Ready ka na ba?"
Muli akong humarap sa salamin. Maging ako'y hindi makapaniwala sa nakikita ko.
Ako ba talaga 'to?
Tumayo na ako at inayos ang suot kong magarbong gown.
Naiilang ako dahil hindi naman ako sanay magsuot ng ganito. Kung hindi lang kaykangang ganito ang suot sa simbahan edi sana nagpantalon na lang ako.
Kita ko sa salamin na nakatayo sa likod ko si Ella.
"We've got this."
With a shaky breath, I murmured, "We've got this. . ."
"Ano? Okay na ba ang lahat? Mag start na tayo, okay?" sigaw nung wedding coordinator.
Kinakabahan ako ng sobra. Peste naman kasing gown to, eh. Masyadong mahaba. Naka heels pa ako. Paano kung matapilok ako?
I swear, sana lamunin ako ng carpet pag nangyari 'yun.
Nadinig ko ang pagtugtog ng wedding song. Forevermore ang kanta.
Yun na ang cue ko para lumakad.
Sa pagbukas ng pinto ay sya agad ang una kong nakita.
Pinakatitigan ko ang gwapo nyang mukha. Lalo syang pumogi sa suot nyang kulay grey na suit.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko't napaiyak na ako. Tahimik na iyak lang— yung pigil.
Lumapit sya sa akin ng makarating ako sa harap. Pinunasan nya ang mga luhang dumaloy mula sa aking mga mata.
"Sshh, don't cry. Masisira ang make-up mo."
Pabiro ko syang hinampas sa dibdib. "At talagang 'yung make-up ko pa ang naisip mo!"
Napatawa sya ng marahan. "Joke lang. H'wag ka na kasing umiyak. Alam kong tears of joy 'yan pero ireserve mo nalang 'yan para mamaya."
Ngumiti ako. "I'm just so happy I can't contain my tears anymore." saad ko habang patuloy sa pag iyak.
Napahawak ako sa left part ng chest ko. Damn, stop squeezing.
"Halata nga." natatawa nyang sabi "O sya, lakad na. Susunod na ang misis ko."
Nanginig ang mga labi ko sa sinabi nya. Pero agad kong kinagat 'yon para tumigil sa panginginig.
"C-congrats. . . Best wishes, best friend."
With that, nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hanggang sa marating ko kung saan ba dapat ako nakapwesto.
Malayo sa kanya. Sa hindi ko sya maaabot.
"I'm sorry." saad nya.
"I'm so sorry, Kim."
"Patawarin mo 'ko sa pag iwas ko. Sa pag alis ko ng walang paalam— sa paglayo." saad nya.
"Kaya ko lang naman ginawa 'yon ay dahil sa nalilito ako. Hindi ko alam kung si Carmela ba talaga ang mahal ko o ikaw."
Nang bitiwan nya ang nga katagang 'yon ay nagkaroon ako ng pag asa.
Pag asa na baka pwede. Na meron.
"Pero ngayon, alam ko na kung sino, Kim."
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Namalayan ko nalang na umiiyak na pala ako.
May kumawalang luha mula sa mata nya. Nasundan pa ito ng nasundan.
"Kim. . ."
Ang sakit pakinggang ng tinig nyang puno ng sakit.
"Sshh, I know. I know." marahan kong hinaplos ang mukha nya at pinakatitigan sya sa mga mata.
"I'm sorry. . ."
"Pero si Carmela talaga ang mahal ko."
Alam ko, Tristan. Alam ko.
Alam kong sa una pa lang ay talo na 'ko.
That night, I went home with my body but without my heart. Iniwan ko 'yun kay Tristan. Kahit wasak na wasak na. Hindi ko pa kayang kunin. At kahit na walong taon na ang lumipas, wala pa din akong kakayahang kunin 'yon.
Nang gabing 'yon ay ibinuhos kong lahat ang sakit sa kwarto ko. Sa dilim. Ala una na ata nang umaga ako natapos sa pag iyak no'n. Do'n ko lang nakuhang kumalma. Napagod na din siguro ako.
Then I remember what my Dad told me. 'Yung mga stars daw na nakakabit sa kisame ko ay may kakayahang tupadin ang anumang hilingin ko.
So that night, I clasped my hands together and closed my eyes.
Bumilang ako mula isa hanggang siyam. Saka ibinulong ng tatlong beses ang hiling ko.
'Star light. Star bright.
Will you grant my wish tonight?Star light. Star bright.
Please, bring back the time.Star light. Star bright.
Let me do what is right.Star light. Star bright.
Let me heal the pain inside.'At pagkagising ko. Laking gulat ko nang muling bumalik ang oras.
Oras na kung saan ipapasa na ni Kiel ang assignment ko. Kinuha ko 'yun mula sa kamay nya at ibinigay ang isa ko pang gawa.
Nung Buwan Ng Wika, hindi ang gawa ko ang nanalo. Kung hindi ang gawa ni Carmela. It was a poem for Tristan. Confessing how much she loves him.
I was there. I witnessed how Tristan lift Carmela with his arms— spinning her around. And of course, ending the scene with a kiss.
Inabuso ko na din ang mga bituin sa kisame ko. The next night, I silently wish to erase Ken, Ella, and Kiel's memory. 'Yung parte lang na narealize nila na mahal ko na si Tristan.
No one remembered a thing about me being inlove with Tristan. Maliban sakin, syempre. Mas okay na 'to. 'Yung ako na lang ang nakakaalam. Ako lang ang nasasaktan. Ang sama ko naman kung idadamay ko pa sila sa heartbreak ko, 'di ba?
I endure the pain for eight years on my own. And I can say na until now, masakit pa din. Bawat araw parang bago pa lang 'yung sugat sa puso ko— yung sakit.
"You may now kiss the bride."
At ngayon, sasaksihan ko naman ang pag iisang dibdib ng taong mahal ko at ng taong mahal nya.
Palapit ng palapit ang mukha ni Tristan kay Carmela. At sa paglapit nito, ang sya ding paglapit sa katapusan ko. Dahil nang maglapat ang mga labi nila ang syang tuluyang pagguho ng mundo ko. Habang ang mundo nilang magkaiba ay naging isa.
Kaya't ibinubulong ko na lamang sa hangin
Sa tuwing sasapit ang gabi
Na tanging bwan, at mga bituin lamang ang saksi sa dilim.
Mahal kita. Minamahal kita, at mamahalin kita kahit di mo pansin.
•• T H E E N D ••
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
Short Story"Star light. Star bright. Will you grant my wish tonight? Star light. Star bright. Please, bring back the time. Star light. Star bright. Let me do what is right. Star...