TGHNN

433 19 0
                                    

"Best friends forever?"

"Best friends forever!"

"Kimmy, asan ka na? Nasa labas na 'ko ng bahay nyo."

"Eto na eto na, saglit nga! Taeng tae?!"

"Habulin mo ko.~"

"Leche ka, pag nahabol kita patay ka sakin!"

Habang tumatakbo ako ay bumabalik ang mga alala namin noon. Nung mga bata pa kami.

Nung best friend pa ang tingin ko kay Tristan.

Nung hindi ko pa sya mahal.

Pwede bang bumalik nalang ulit sa dati?

Pwede bang magsimula nalang ulit mula sa umpisa.

Para maiwasan ko nang mahulog sa kanya.

Gusto kita. Mahal kita.
Damdaming gusto ng lumabas.
Mga salitang pinipigilang iutas
Ng dilang nais nang ianas— Mahal kita.

Narating ko ang venue kung saan ando'n ang pagtatanghal na magaganap.

Madaming tao. Sobrang dami. Walang wala sa mga taong nasa hallway kanina.

Sa anim na taong pagkakaybigan nati'y tatlong taon na kitang minamahal.
Gusto kita. Gustong gusto kita.
Damdaming nilimot na ng panahon.
Pakiramdam na pilit ibinabaon.
Ngunit kahit na anong gawi'y pilit na umaahon.

Hinanap agad ng mga mata ko si Tristan.

Sana wala sya dito.
Sana. Sana. Sana.

Mahal kita, alam mo ba?
Malamang ay hindi.
Dahil mas pinili kong manahimik— itinatagong pilit.
Hinayaang mamayani ang takot saking dibdib.

Takot— sa maaaring magbago.
Takot na bigla kang lumayo— maglaho.

Pero kung nandito sya, kaylangan ko syang mailayo agad.

Hindi nya pwedeng madinig ang laman ng mensahe ko.

Mapapansin nyang para sa kanya 'yun.

Tang'na naman kasi, eh. Bakit pa kaylangang sabihin kung sino ang gumawa?

Punyetang buhay naman 'to, oh.

Kaya't ibinubulong ko na lamang sa hangin

Fuck, Tristan. Asan ka—

Sa tuwing sasapit ang gabi

Natigilan ako ng makita ko ang hinahanap ko.

Tristan is staring at me. Malapit lang sya sa stage.

Hindi ko mabasa ang mukha nya.

Na tanging bwan, at mga bituin lamang ang saksi sa dilim.

Pero isa lang sigurado ako.

Hindi sya masaya.

"Tristan, saglit lang!"

Mahal kita. Minamahal kita, at mamahalin kita kahit 'di mo pansin.

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon