TGHNN

433 17 0
                                    

"Alam mo girl, kung may award lang na Dakilang Tanga of the Year, sayo 'yun." saad ni Ella "Ang bilis mong bumigay sa best friend mo, eh. Kahit ilang beses ka ng sinaktan." dugtong nya pa.

Dumapa na lang ako sa sofa at bumuntong hininga.

Okay na ulit kami ni Tristan. He didn't apologize to me. Basta after nung prom three days ago, bumalik na ulit kami sa dati.

Hindi ko alam kung dahil ba sa tugtog habang sumasayaw kami ang dahilan kung bakit naging okay na ulit ang lahat. O di kaya ay dahil sa mahigpit na pagkakayakap ni Tristan sakin habang gumagalaw kami sa ritmo ng kanta. Ang perfect atmosphere kaya?

Hindi ko talaga alam. Pero ng magkatitigan kami sa mata ay nawala lahat ng tampo ko. Tinunaw ng mga titig nya ang lungkot na bumabalot sa puso ko.

That night, sumayang muli ako.

"Ano? Natahimik ka na dyan?" saad ni Ella.

"Sorry, may naalala lang."

Umayos ako ng higa at humarap sa kanya. Nasa lapag kasi sya.

"Sus, ano na namang naalala mo? Yung prom night?" umirap sya "Inalala mo naman 'yung gabi kung saan may sweet and slow music, perfect ambiance--- mala-fairytale." pinitik nya ko sa noo "Mga tao talaga, hilig alalahanin 'yung mga panahong nagpapaka tanga sila."

Umupo ako mula sa pagkakahiga.
"Alam mo kasi Ella, ganun talaga pag inlove, okay? Palibhasa kasi masaya ang love life mo kaya hindi ka nagpapakatanga sa pag-ibig. Kaya hindi mo naiintindihan kung bakit ganito ako." saad ko.

"Kaya masuwerte ka, Ella. Dahil isa ka sa mga taong nahanap na 'yung kapares nila."

Ngumiti sya sa sinabi ko. Pero may iba sa ngiti nya. Ganun na ganun ang ngiti ko sa tuwing makakasalubong ko sa hallway si Tristan at Carmella. Ngiting pilit. Ngiting tinatago ang sakit.

"May problema ba? Bat ganyan itsura mo?"

May iba talaga eh. Nararamdaman ko.

"Kim, tulad mo lang din ako. Nagpapanggap na ayos kahit durog na durog na sa loob."

Lalong nadagdagan ang kunot sa noo ko.

"May problema ba kayo ni Ken? Nag away kayo?"

Umiling siya saka ngumiti.
"Hindi. Wala syang alam. Wala syang alam na alam ko na." nanginginig na ang boses nya. Maging ang gilid ng mga mata nya'y nanunubig na.

"Anong hindi nya alam na alam mo na?"

Fuck, nakikita ko ang sarili ko sa kanya. And it pains me to see her this way.

Ganito din kaya ang nararamdaman ni Ella sa tuwing nakikitang nasasaktan ako?

"Speak up, Ella. Kinakabahan ako. . ."

At sa basag na tinig ay sinabi nyang,
"May ibang mahal si Ken."

A tear drop from her eyes. Followed by another, and another, and another.

••••

"Are you sure, kaya mo na? I can spend the night with you. Gaya ng ginagawa mo pag ako ang broken." saad ko.

Nasa bahay pa din ako nila Ella. Ala sais pa lang ng gabi pero pinapauwi na nya agad ako. Mahirap na daw pag ginabi pa 'ko sa daan.

"No need. Kaya ko na." sagot nya "Darating na din naman si Mom maya maya."

"Are you sure? Ano ba kasing nangyari? Why won't you tell me?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng bahay nila.

Kanina ko pa sya kinukulit sa kung ano bang nangyari. Iba kasi ang pakiramdam ko.

Si Ella 'yung tipo ng tao na kukumprontahin ka agad pag may problema. Nagtataka lang ako at hindi nya pa sinasabi kay Ken 'yung nalaman nya na may iba 'tong mahal.

Inisip ko pa kung sino sa campus ang pwedeng matipuhan ni Ken. Tapos naalala kong may history ng pagka chickboy si Ken. Pero tumino na 'to dahil kay Ella.

Hindi ko naman pwedeng kumprontahin si Ken. Problema nila 'yon. I shouldn't stick my nose on it. Wala ako sa lugar para gawin 'yon.

"I still need to figure out the whole story. Ilan pa lang ang alam ko. Kaya hindi ko muna masasabi." saad nya.

I nod. "Just ring me if you changed your mind, okay?"

"Okay." masiglang sagot nya.

"Bye. Pakikamusta na lang si Tita." pagpapaalam ko.

Bago ako umalis ay niyakap ko sya ng mahigpit. Pakiramdam ko kasi kaylangan nya 'yon.

Napatawa naman si Ella. "Kaylan ka pa naging clingy?" saad nya sabay kumawala sa yakap "Chupi na, ingat ka."

"Gaga." natatawa kong saad.

Nagsimula na 'kong maglakad pauwi.
Hindi ko pa din mapigilang isipin ang sinabi ni Ella.

"May ibang mahal si Ken."

Sino? Sino ang ibang mahal mo, Ken Crisostomo?

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon