TGHNN

860 26 0
                                    

"Kimmy, sorry na talaga. Bati na tayo."

Ewan ko sayo. Peste ka! Dahil sayo mugtong mugto mga mata ko pagkagising ko. Sobrang sakit pa ng ulo ko. Parang pinupukpok ng martilyo. Tunanghali pa ako ng gising! First time kong magkaroon ng absent. Perfect attendance ako simula kindergarten. Tapos ngayon--- limang subject ang hindi ko napasukan. Mabulok ka sa kakahingi ng sorry mo dyan, lintek ka!

Syempre, sa isip ko lang nirarant yon. Kahit na kanina pa ako nanggigigil dito. Pag ako di nakapagtimpi, hahalikan kita sa lips— ano ba Kim! Bat yan ang iniisip mo?! Aish.

Nakakainis naman kasi, sa lahat ng ijo-joke, ayun pa? May nakakatawa ba 'don? Wala naman.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko at inilagay sa bag. Kakatapos lang ng Advance Statistics namin. May fifteen minutes break pa bago ang last subject.

Kinuha ko na ang wallet ko mula sa bag. Tumayo na din ako. Nasa pintuan na si Kiel, nakaabang sa paglabas namin habang kausap si Jerome--- kaklase namin.

"Hoy, kayong dalawa dyan. Hindi pa ba kayo tapos maglandian? Kanina pa yan, ah."

Bwisit 'tong dalawang 'to. Ang aga aga magharutan. Parang kahapon lang iritang irita 'tong si Ella kay Ken tapos ngayon kung makipagharutan, wagas!

"Inggit ka lang, Kim. Wala ka kasing kalampungan. " panunukso ni Ken "Gusto mong sumali? Tara threesome!"

Pinandilatan ko naman sya ng mata habang si Ella sinuntok sya sa tyan.

"Ouch! Masakit baby, kaylangan ng kiss."

Napairap na lang ako. "Bahala nga kayo sa buhay nyo. Mga punyeta."

Nagsimula na akong lumakad palabas. Nginitian naman ako ni Kiel ng makita nya ako.

"Una na muna kami, p're." pagpapaalam ni Kiel.

Tumango lang si Jerome sabay salute ng makita ako. I salute in return.

"LQ pa din kayo, Ate?" tanong ni Kiel habang naglalakad kami sa hallway.

"Hindi kami lovers."

"Okay, okay. BFQ nalang."

BFQ? Daming alam. Hindi ako sumagot.

"Patawarin mo na kasi, Ate. Mukhang asong nakabuntot dun sa dulo, oh."

Napalingon ako. Nasa likuran na pala namin sila Ken. Himala at nanahimik 'ting dalawang 'to? Nasa pinaka likod naman namin si Tristan, mas matangkad sya kay Ken kaya kita pa din na sya 'yun. Halos magkasing height lang ata sila ni Kiel na 5'8.

Ibibalik ko ang tingin ko sa harap. Nasa amin na naman ang atensyon ng mga estudyante. Para ba kaming nasa stage at inirarampa ang mga bonggang damit kaya pinapanood nila kami palagi? Tch.

"Bat nasa pinaka dulo si Tristan?"

"Diba dapat kasabay sya nila Kiel?"

"Oo nga e, baka may something?"

Magchichismisan nalang 'yung dinig ko pa. Mga punyeta. Pati ba naman 'yon napansin nila?

"Tignan mo oh, hindi din bitbit ni Tristan yung bag ni Kim, may something talaga eh."

Napatigil ako sa paglalakad. Hinarap ko yung babaeng nagsalita. Tinignan ko ang lace ng I.D nya--- kulay green.

"First year ka pa lang ang chismosa mo na." saad ko at tinignan din pati mga kasama nya "Pake nyo kung hindi bitbit ni Tristan gamit ko, nabawasan ba kayo?"

Napaatras yung mga babae kaya humakbang ako palapit. Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko at hinila ako palayo dun sa mga babae.

"Easy ka nga lang dyan. Mga bata lang 'yon, wag mo ng patulan." sabi ni Ella.

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon