TGHNN

427 15 0
                                    

"Oh? Anong nangyari sa pangako nyang babawi sya?" naiiritang saad ni Ella. "Ni hi o hello hindi ka mabati. Leche."

"Sino bang kinaiinisan mo, bebe? Upakan ko." sabi ni Ken "Kahit sino pa 'yan."

"Yung tropa mong si Tristan."

Nangunot ang noo ni Ken. "Bakit? Anong ginawa ng mokong na 'yon?"

"Sinaktan na naman si Kim."

Napapikit ako ng mata. Sana hindi magets ni Ken kung ano 'yon.

"Bat kasi hindi ka pa umamin, eh. Malay mo naman mahal ka din ni pareng Tristan. Naguguluhan lang."

Agad na nagmulat ang mga mata ko. "A-alam mo?" naguguluhan kong tanong "Kelan pa? P-paano?"

Natawa naman si Ken. "Wow, nauutal ka din pala? Hahaha."

Umakbay sya sakin. "Alam mo, Kim. Manhid lang ang hindi makakapansin na hindi mo mahal si Tristan. Halatang halata kaya." sagot nya.

"The way you look at him. The way you act when he's around. Andun 'yung pagiging usual na 'Kim' mo pero may iba, eh. Hindi ko matukoy kung ano."

"Basta. Ang hirap ipaliwanag." dagdag nya habang natatawa. "Alam din ni Kiel. Bale, si Tristan lang talaga ang walang alam."

Hindi ako makapagsalita. Akala ko walang ibang nakakapansin. Akala ko si Ella lang ang may alam.

Pakiramdam ko tuloy para 'kong open book. Mabilis mabasa. Masyadong transparent.

Kaya pala ganun na lang din kami paghiwalayin ni Bunso sa tuwing masyado kaming magkadikit ni Tristan. Alam din pala nya.

"So balik tayo sa usapan." saad muli ni Ken "Anong ginawa ni Tristan?"

"Babawi daw sya sabi nya kay Kim. Eh, tignan mo nga 'yang tropa mo. Tumingin manlang hindi magawa." sagot ni Ella "Ginagalit talaga ako ng mokong na 'yan, eh."

Napailing na lang ako. Kung makaasta 'tong si Ella, mas affected na affected pa kesa sakin.

Tumayo si Ken mula sa kinauupuan nya. "Kakausapin ko lang si Tristan." saad nya habang nakatingin sakin.

"Para saan? H'wag na." sagot ko.

"Basta. Ako na ang bahala."

••••

Ken's P.O.V

"Pare." tawag ko kay Tristan at agad naman syang napalingon.

"May kaylangan ka?"

Nangunot ang noo ko, "bakit? Dapat ba may kaylangan ako bago ko kausapin ang kaybigan ko?"

"Sorry."

"Joke lang, pre. Seryoso mo masyado." natatawang sabi ko "Kumusta? Balita ko hindi mo pinapansin si Kim, ah. May problema ba?"

"Si Carmela kasi," panimula nya "Sabi nya layuan ko na daw si Kim."

"At bakit naman daw?"

"Nagseselos kasi sya. Ewan ko ba, sinabi ko naman na wala syang dapat ikaselos pero nagseselos pa din."

"Alam mo, ganyan talaga pag mahal mo ang isang tao. Lahat pagseselosan mo. Kahit na binigyan kana nung taong 'yun ng assurance na walang dapat ikaselos." saad ko "Yung assurance na kasing 'yon, hindi naman permanente. Pwedeng ngayon lang 'yon. O kaya hanggang next month, next year--- walang sigurado sa mundo, dude. Kaya naiintindihan ko si Carmela kung bakit gano'n na lang ang asta nya."

Umupo ako sa tabi nya. Nakatingin lang sya sa kawalan. Hindi ko alam kung nakikinig ba 'to o hindi pero ipinagpatuloy ko lang ang pagsasalita.

"Pero, paano naman si Kim? Paano naman 'yung best friend mo? Sya 'yung andyan nung hindi pa kayo ni Carmela. Sya 'yung matagal mo ng kasama. Tapos bigla mo na lang iiwasan at hindi papansinin? Don't you think you're being unfair?"

Marahil ay nakuha ko ang atensyon nya dahil napatingin sya sakin.

"Anong dapat kong gawin? Naguguluhan ako. I don't want to loose Carmela— ganun din si Kim. Fuck, I can't loose any of them. Pareho silang mahalaga sakin." saad nya.

"May tatlo kang pagpipilian," itinaas ko ang hintuturo ko "Una, subukan mong ipaintindi nang mas maigi sa girlfriend mo ang sitwasyon. Pag hindi effective, proceed kana dun sa pangalawa."

Itinaas ko pa ang isa kong daliri, "Mamimili ka kung sino ang mas hindi mo kakayaning mawala. Si Carmela ba, o ang best friend mo."

"Pero—"

"Pero hindi mo kayang mawala ni isa sa kanila? Na pareho silang mahalaga sayo?" pagpapatuloy ko sa sasabihin nya "Tristan, hindi pwedeng pantay sila ng halaga sayo. May isang hihigit at hihigit sa kanila."

He sighed "Mukhang sa pangatlo na lang ako pwede."

"Sigurado ka?"

"Ano ba 'yung pangatlo?"

Tumingin ako sa malayo. Hindi ko ata kakayaning makita ang sakit sa mata ng kaybigan ko pag nalaman nya ang huli sa pagpipilian nya.

"You need to let them go, Tristan. Wala kang pipiliin. Pareho mo silang palalayain."


The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon