TGHNN

427 16 0
                                    


"Bebe, hindi na tayo nakakalabas." dinig kong sabi ni Ken "Gusto mo ngayon? Buwan ng Wika lang naman kaya okay lang kahit di tayo pumasok. Wala namang klase."

Isang linggo kaming walang klase para sa celebration ng Buwan ng Wika. Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway ngayon. May iba't ibang booth sa paligid. Ang daming estudyanteng nagkalat. Too crowded. Nakakainis. Buti na lang at kilala ako sa school. Umiiwas agad sila at natabi sa tuwing dadaan ako. Perks of being the Ice Princess. Pwe.

"Eh. Isa kang masamang impluwensya. Lumayo ka nga sa akin." kunwaring nangdidiring saad ni Ella.

"Awtsu, grabe ka sakin, bebe. Hindi mo na ba 'ko love?"

Biglang may lumapit sa amin na dalawang lalaking nakasuot ng barong.

"Paumanhin, ngunit nadinig naming nagsalita ang iyong kasamang lalaki ng banyagang salita. Maaari lamang na magbayad ng sampung piso bilang multa."

Nadinig kong tumawa si Ella. "Ayan kasi. Magbayad ka na."

"Psh. Daming pauso." naiinis na inabot ni Ken ang bente pesos. "Oh, ayan. Inyo na pati sukli. Tara na nga, irog." saad nya sabay hila kay Ella.

Wow. Hanga na ko sa pag arte ni Ella na parang wala syang alam. Tropa ko nga 'to.

"Ate!" napalingon ako ng madinig ko ang pagtawag sakin ni Kiel.

"Bakit, Bunso?"

"Sumama ka sakin."

Naguluhan naman ako sa sinabi nya. "Ha? Saan naman?"

"Ngayon itatanghal ang napiling mensahe ni Binibining Salmo. Nadinig kong sinabi ng magtatanghak ang pangalan mo."

Ano?

What?

"Hindi ko naman pinasa 'yon, ah?" bulong ko sa sarili ko.

"Ay, oo nga pala. Ako ang nagpasa nung gawa mo." saad nya. "Sorry, para kasing wala kang balak ipasa 'yon kaya ako na ang nagbigay kay Binibini."

What the actual fuck.

"Ate, yung gawa mo ang napili kaya tara na!"

"Paumanhin. Ngunit nadinig naming—"

Bago pa matapos sa pagsasalita 'yung lalaking nakabarong--- at bago pa mahigit ni Kiel ang kamay ko para tumakbo ay nauna na ako sa kanya.

No.

Hindi pwede.

H'wag ang gawa ko.

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon