"Ano? Ganun ganun na lang 'yon? Hinandaan ka lang ng almusal okay na?"
As expected sesermonan ako ni Ella. Kanina pa sya putak ng putak na kesyo easy to get daw ako. Dapat nagpakipot muna ako ng konti bago bumigay.
As if naman kaya ng puso ko. Eh ang hina nito pagdating kay Tristan.
"Kim? Nakikinig ka ba?"
Tumunghay ako't nangalumbaba sa kanya.
"Oo. Nakikinig ako."
She sighed.
Inabot ko ang kamay nya at hinawakan ito. "I'll be fine, Ella. Don't worry."
Iling lang ang sinagot nito.
Nasa classroom kami ngayon. Walang klase dahil may meeting daw sa faculty. Nagsiuwian naman na 'yung mga kaklase namin kaya kami na lang ang natira.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa palda kaya kinuha ko ito.
Mag message galing kay Tristan
Tristan: Malapit na kami. Saglit na lang.
Ako: Sige lang :)
Ugh, hindi ako ganito. Binura ko yung text at pinalitan.
Ako: Kanina pa 'yang malapit nyo! Punyeta, bilis naman!
Then I hit send.
"Sino 'yun?"
"Si Tristan. Malapit na daw sila."
"Sila? Sinong sila?"
I shrugged my shoulders. Kahit kilala ko naman kung sinong tinutukoy nya.
Imposibleng si Kiel 'yun dahil may training ngayon. Si Ken naman ay nasa kanila, nag aalaga sa kapatid.
"Wag mong sabihing si Carmelandi 'yon?" tanong ni Ella habang nakaarko ang kilay "Nako talaga, Kim."
"We're here!"
Napalingon kami pareho ni Ella sa pinto.
Pawis na pawis si Tristan pero ang gwapo nya pa din sa paningin ko.
"Bat kasama mo 'yan?" tanong ni Ella.
Nahuli ko namang pina ikot ni Carmela ang mga mata nya.
Aba, attitude to, ah?
"Malamang girlfriend ko sya. 'To talagang si Ella." natatawang sagot ni Tristan.
"Kung kasama sya, hindi kami sasama ni Kim."
Nangunot ang noo ko't bumulong sa kanya, "pinagsasabi mo?"
"Oh, bakit? H'wag mong sabihing sasama ka sa kanila? Gusto mong maging thirdwheel? Chaperone, gano'n?"
"May problema ba kung kasama ang girlfriend ko, Ella?" mahinahong tanong ni Tristan "Ano bang ginawa ng girlfriend ko sayo at nagkakaganyan ka?"
"Oo. May problema." saad nito "Wala syang ginawa sakin, pero kay Kim meron. Alam mo—"
"Uuwi na kami." pagputol ko kay Ella. Nararamdaman kong hindi kasi maganda ang masasabi ng babaeng 'to. "Pasensya na. Next time na lang tayo lumabas."
"Oo nga. Pag wala ng asungot na kasama."
"Ella!" suway ko sa kanya.
"What?" painosente nyang tanong "Nagsasabi lang, eh."
Dinampot na nya ang gamit at hinawakan ako sa kamay. "Bye, Tristan." tumingin naman sya kay Carmela "Die— este bye asungot."
••••
"Anong eksena 'yon?!" tanong ko ng makalabas kami sa school.
Paker. Naghahanap ata ng away 'tong bruhang 'to, eh.
"Anong katangahan mo 'yon?" balik nyang tanong "Ha, Kim?"
Napaawang ang bibig ko. What the fuck?
"Did you just call me stupid?"
"Aren't you?" tanong nya "Ghaaad, Kim!"
Napabuntong hininga ako. "Sana hindi ka nalang nagsalita ng ganun. Sana, hinayaan mo na lang. . ."
"Nasisiraan ka na ba? Gusto mong hayaan kitang magmukhang tanga 'don?" galit na saad nya. "Hindi mo ba nakita kung paano ngumisi ang Carmelandi na 'yon kanina, ha?"
Sunod sunod na pumatak ang mga luha ko.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Wala namang nakakaiyak sa nangyari.
Pero punyeta, nasasaktan ako.
Makita ko pa lang na magkasama sila, parang pinipiga ang puso ko.Naramdaman ko ang pagyakap ni Ella sakin. "Sshh, tahan na. Okay? I'm sorry."
Nagpatuloy lang ako sa pag iyak. Para akong batang inagawan ng kendi.
"Everything will be fine, Kim."
'Yon ang mga katagang huli kong nadinig bago ako nilamon ng dilim.••••
A/N: Short update. Hahays. Sorry!
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
Short Story"Star light. Star bright. Will you grant my wish tonight? Star light. Star bright. Please, bring back the time. Star light. Star bright. Let me do what is right. Star...