TGHNN:

400 17 0
                                    

Sikat ng araw ang gumising sakin. Sa pagkakatanda ko, sarado ang kurtina sa bintana ko pag natutulog ako. Paanong nakapasok ang sinag ng araw sa loob? Hindi naman manipis ang window curtain ko.

Hihikab hikab akong tumayo para mag ayos. Pagkaharap ko sa salamin ay agad kong nakita ang repleksyon ko.

Namamagang mata at namumulang ilong dahil sa sipon. Nakakasipon pala talaga ang pag iyak?

"Sorry best friend. Babalik na 'ko, I promise. I love you."

Muling bumalik sa isip ko ang mga bulong kagabi. Muling naramdaman ang pagyakap sa akin ng mahigpit ni Tristan. Ang pag amoy nya sa buhok ko at paghalik sa noo at ilong.

Panaginip. Panaginip lang 'yon, okay?

Sinuklay ko na ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. Hindi ko na naman kasi mahanap ang suklay. Palagi na lang nawawala 'yon. Itatali ko na talaga 'yon sa susunod na makita ko.

Pagkatapos kong mag ayos ay iniligpit ko naman ang hinigaan ko. Palabas pa lang ako ng pinto ay naaamoy ko na may parang piniprito.

Totoo kaya 'yung kagabi? Andito si Tristan?

Patakbo kong binaba ang hagdan. Pagliko ko sa kaliwa ay may nakita akong lalaking nakatalikod sa akin at abala sa pagluluto.

Likod palang alam ko ng si Tristan.

Nakahain na sa mesa ang agahan. Kumulo ang tyan ko kaya napalingon sa direksyon ko si Tristan.

"Gising ka na pala. Good morning, Kim!" nakangiting bati nya.

Ayan. Ayan 'yung lecheng ngiting nagpahulog sakin ng sobra. Dapat iniiwasan ko na yan.

"Anong ginagawa mo dito?" cold kong tanong "Wala ka bang duty ngayon at nandito ka? Alam ba ng girlfriend mo na nandito ka? Tsaka diba sinabi ko na—"

Naputol ako sa pagsasalita ng bigla akong hapitin ni Tristan sa bewang at niyakap.

"Paano ako makakasagot kung sunod sunod kang magtanong?" saad nya "Andito ako dahil gusto kong bumawi, okay? I wanted to apologize too. Sa nangyari kahapon. I was wrong. I acted like a shit and I hurted you. I'm sorry, Kim. I'm so sorry. . ."

Nanatili lang akong tahimik. Hinihintay ang susunod nyang sasabihin.

"Gusto ko lang bumalik 'yung dati. Kung paano tayo noon. Namimiss ko na 'yung best friend ko. I want you back, Kim. I want my best friend back. I want us back. . ."

"Gusto ko lang bumalik 'yung dati. Kung paano tayo noon. Namimiss ko na 'yung best friend ko. I want you back, Kim. I want my best friend back. I want us back. . ."

Hindi mo na maibabalik 'yung dati, Tristan. Hindi na pwede. At pwede ba? Wag mo ngang gamitin ang tayo dahil wala namang gano'n.

"O-oo na." halos basag ang boses ko ng sumagot ako "Ang drama mo masyado."

Napatawa naman sya. "Madrama ba? Kaya pala maiiyak ka na dyan."

Kung alam mo lang kung ilang beses na 'kong umiyak ng dahil sayo.

"Leche ka. Tantanan mo nga 'ko. Tsaka pwede, bitiwan mo na ko? Di ako makahinga sa yakap mo, eh" reklamo ko.

"Sus, gustong gusto mo nga, eh." pang aasar nya pa at lalo nyang hinigpitan ang yakap.

"Tristan!"

"Eto na eto na." saad nya saka niluwangan ang yakap.

He cupped my face with his hands then gave me a smile. Pinaliguan nya ng halik ang mukha ko.

"Aso ka ba?" natatawa tawa kong tanong.

"Hindi." tumigil na sya sa paghalik sakin at inilapat ang noo nya sa noo ko. "I love you, best friend."

Ipinikit ko ang mga mata ko saka bumuntong hininga.

I love you, Tristan. I love you more than you think.

••••

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon