Hindi ko alam kung ako lang ba 'to o talagang pinagchichismisan na naman ako ng mga estudyanteng nasa hallway ngayon. Oo, hindi naman na bago na pinag uusapan nila 'ko. Pero iba talaga ngayon, eh. May iba sa tingin nila-- and it makes me uneasy.
Malapit na ko sa room ng makita ko si Ella. Agad syang tumakbo sakin ng magtama ang paningin namin.
"Kim!"
Napakunot ang noo ko.
"Have you.. seen.. the n-news?" hinihingal nyang tanong.
"Anong news?"
"H-hindi mo..."
"Teka nga." awat ko sa kanya "Huminga ka nga muna bago ka magsalita."
Umiling lang sya at hinawakan ako sa braso. "You need to see something, now."
Hinigit nya ko sa braso saka tumakbo. Wala na kong nagawa kundi magpatangay nalang sa kanya.
Napapatingin samin bawat estudyanteng makikita kami. Pota, ano bang meron?
Tumigil kami sa tapat ng Bulletin board.
Ella pointed the top corner of the bulletin.
WHAT'S HOT: Bestfriends turned into lovers?
Kim Emerald Anderson--- the most tough and well-known student in Katachi High, being feared because of her eyes that could kill in a single glance; badass look and aura--- is said to be in a relationship with Tristan Santos--- the Boy Next door A.K.A, her best friend. Have Tristan totally melted the ice that covers our Ice Princess's heart?
Sa ilalim ng news na 'yon ay ang picture namin ni Tristan sa canteen--buhat nya ako at nakatitig kami sa isa't isa. Meron pang kuha na nakayakap sakin si Tristan habang nakapatong ang baba nya sa balikat ko.
Napakaganda nung kuha samin. Gusto kong kunin 'yon at itago. Kahit sa picture lang nagmukha kaming lovers ni Tristan. Gusto kong maiyak sa tuwa. Tang'na grabe lang, nag uumapaw yung feelings ko sa picture. Pero hindi 'yon ang initial reaction na inaasahan ng mga tao sakin. Hindi nila pwedeng makita ang soft side ko, yung inlove na Kim Anderson--- dahil hindi 'yon ang pagkakakilala sakin.
"SINONG GUMAWA NITO?!"
Muntik na 'kong mapatalon sa gulat ng may magsalita mula sa likod ko. Boses pa lang, kilala ko na kung sino. Lumingon ako sa kanya.
Kitang kita ko ang pinaghalong inis at galit sa mga mata nya. Nakakuyom din ang kamao nya. Galit na galit talaga si Tristan.
"SINO SABING GUMAWA NITO, EH!"
Nakatingin na sya sa mga estudyante ngayon. Grabe, ang dami na pa lang tao dito.
May lumapit na babae, maliit lang sya. Mataas lang ng konti sakin. 5'3 siguro? Flat five lang kasi ako. Tuwid na tuwid ang itim nitong buhok at nakasalamin din.
Parang kilala ko sya?
"A-ako ang gumawa nyan."
Gusto ko syang takbuhin at yakapin. I wanted to thank her for capturing the best moment of my life.
"Who are you to make a nonsense news? At talagang pinost mo pa sa bulletin board."
Napatingin ako kay Tristan. The calming and sweet Tristan is gone. Hindi ko inaasahan na ganito sya magrereact. Teka, si Tristan ba talaga 'to?
"Gusto ko lang naman maliwanagan. Since andito naman na tayo, sabihin mo nalang kung totoo o hindi ang iniisip ko na may relasyon kayo."
Napahugot ako nang malalim na hininga.
"Like what I've said, nonsense ang balitang ginawa mo--- walang katotohanan. We're not romantically inlove with each other, mag bestfriend lang kami at hanggang dun na lang 'yon."
"Kaya pwede ba? Kung gagawa ka ng balita sa susunod, 'yung kapani-paniwala naman."
"Wala bang kahit katiting na porsyento na pwede kang mainlove sa best friend mo?"
Tang'na kang babae ka. Manahimik ka na. Kung kanina natutuwa ako sayo-- hindi na ngayon.
Please lang, wag mo ng dagdagan 'tong kirot sa puso ko. Mamamatay na ata ako.
"Wala..."
Alam kong may sinabi pa si Tristan matapos ang salitang 'yon. Alam kong nagsasalita at pinapagalitan pa din nya ang babaeng gumawa ng balita tungkol samin. But when the word "wala" escaped from his lips, otomatiko ng tumigil sa pakikinig ang tenga ko.
Tama na, sobra sobra na.
Oo na. Alam ko naman na.
"Kim?"
Naramdaman ko nalang na may yumuyugyog sakin. Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang mukha ng lalaking mahal ko, na syang mukha din ng lalaking nagwarak sa puso ko.
"Okay ka lang? You're spacing out. Don't worry, okay na lahat. Wala na ding mga estudyante, you can cry now if you want."
I wanted to breakdown. Pero pinigil ko ang sarili ko. Ayokong umiyak sa harap ni Tristan. Baka hindi ko makayanan at masabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko.
"O-okay lang ako. Pero gusto kong umuwi."
"Hatid na—"
"No." putol ko sa kanya "Kaya ko ang sarili ko."
"No, Kim. Ihahatid kita." hinawakan nya ko sa kamay "Baka mapa'no ka pa."
Maglalakad na sana sya pero hinigit ko ang kamay kong hawak nya. Halatang naguluhan sya sa ginawa ko.
"Wag na, ipagpaalam mo nalang sa teachers na wala ako."
"Si Ella na ang bahalang magsabi 'non." sagot nya "Basta ihahatid kita."
Kinuha nya ulit ang kamay ko.
"Tristan, let her go." bigalang sabi ni Ella.
No, Ella. I'm the one who have to let him go. Kaylangan ko ng pakawalan ang feelings ko sa kanya.
"Hindi. Ihahatid ko si Kim and that's final." saad nya habang nakatingin kay Ella.
"Wag na nga daw di ba? Wag mo ng ipilit."
"Bat ba nangingielam ka dito?" tumaas na ang boses ni Tristan, tanda na inis na ito.
"Eh bat ba ayaw mong hayaan si Kim, eh ayaw nya nga?"
"Pwede ba tumigil na kayo?" tumingin ako kay Tristan at dahan dahan kong inalis ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
Pain crossed his eyes. Shit. Kung alam mo lang na triple ang nararamdaman kong sakit ngayon.
I gave him a smile. 'Yung ngiting nagsasabing 'okay lang ako' at wala syang dapat ipag-alala. Kahit na sa totoo lang, gusto ko ng lumuhod at humagulgol ng iyak. Gusto kong sumigaw para mabawasan 'yung sakit.
Nagsimula na 'kong humakbang palayo. Saktong bumagsak naman ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napatakip ako ng bibig para mapigilan ko ang paghikbi. I can feel my shoulders shaking--- sana lang hindi pansin ni Tristan yon. Dahil alam kong nakatingin pa din sya sakin habang naglalakad ako palayo.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
Short Story"Star light. Star bright. Will you grant my wish tonight? Star light. Star bright. Please, bring back the time. Star light. Star bright. Let me do what is right. Star...