Maaga akong dumating sa lugar ng pagkikitaan namin. Alas tres pa lamang nang hapon. Gusto ko sanang makapag isip isip. Hindi ko pa din kasi alam kung anong sasabihin ko kay Tristan. Pero nagulat ako ng makita ko syang nando'n. Nakaupo sa ilalim nang lilim ng puno. Naka plain na puting t-shirt at pantalon.
Just seeing him from a far makes my heart hurts. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Not now, Kim. Masyado pang maaga.
Itinunghay nya ang kanyang ulo at napadako ang tingin nya sa direksyon ko. Tumayo sya at nagpagpag ng pantalon.
Nagsimula na akong lumakad palapit sa kanya. Mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ko. Parang gusto ko na lang tumigil sa paglakad palapit sa kanya at simulang tumakbo palayo. Mali nga kayang makipagkita ako sa kanya?
Pakiramdam ko, I'm walking towards the end of the chapter of our book. Tapos na ang chapter namin na magkasama. Pero patuloy ang istorya nya kasama si Carmela.
"Bakit kasi hindi ka nalang umamin, eh. Malay mo mahal ka din ni pareng Tristan. Naguguluhan lang."
Napatawa ako sa sarili ko. Heto ang kapalit ng pag amin ko. Nawala lahat ng meron kami. Gumulo. Lecheng feelings ko 'to, eh. Dapat tinago ko na lang.
Magkatapat na kami ni Tristan ngayon. Hindi ko makuhang tumingin ng diretso sa mga mata nya.
Dahil kapag tumingin ako do'n ay siguradong mapapatawad ko na naman sya kung sakali man na humingi sya ng tawad sa pag iwas nya.
Naramdaman ko ang paglapat ng kamay nya sa ilalim ng baba ko. He raised my chin. Agad na nagtama ang paningin namin.
Pinakatitigan kong maigi ang mga mata nya. Ang isa sa mga dahilan ng pagkalunod ko. Isa sa dahilan kung bakit hindi ako makaahon.
"Kim. . ."
Sumilay ang ngiti sa labi nya at ang sunod nyang ginawa ang hindi ko inaasahan.
Inilapat nya ang labi nya sa labi ko. After four years, muling naging isa ang labi namin.
And it's painful the second time around. Hindi ko alam kung ako lang ba 'to, o ano.
Parang halik ng pamamaalam ang pinagsaluhan namin.
Para ding obligatory kiss. Na para bang kaylangan nyang gawin 'yon dahil may sinusubukan sya— may gustong malaman.
Matapos ng sandaling 'yon ay walang nagsalita. Pinakikiramdaman ang isa't isa kung sino ang mauuna.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Tristan saka nilapat ang noo nya sa noo ko.
Inangat nya ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi ko.
Fuck, totoo ba 'to o nananaginip lang ako?
"Kim. . ."
••••
A/N: Last chapter and Epilogue na ang susunod! XOXO.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
Short Story"Star light. Star bright. Will you grant my wish tonight? Star light. Star bright. Please, bring back the time. Star light. Star bright. Let me do what is right. Star...